Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dec 25 17:26
L stands for Landi MGA BAKLA :(((
kwin-g ina mo Anong oras ka pupunta dito teh? Sabay na kayo ni Ja
L stands for Landi kasabay niya ata jowa niya diba
kwin-g ina mo Oo nga Kaya sumabay ka na rin
L stands for Landi ngi edi third wheel na naman ako saka ayoko makita jowa niya baka ano pa magawa ko sa marcos apologist na 'yon 😂 1
kwin-g ina mo Gaga! 🤣 Pero may ipapakilala nga sana ako sayo mamaya Eh sabi mo may Ian ka na kaya wag na
L stands for Landi ayon na nga may chika ako :(((
kwin-g ina mo Ay What happened?
L stands for Landi hindi ko rin alam ano na naman nangyayari sa akin okay naman kami pero parang may napag-isip-isip ako
kwin-g ina mo OMG... You ghosted him?!!
L stands for Landi uy hindi ah
kwin-g ina mo Pero sumagi sa isip mo?
L stands for Landi HINDI NAMAN KASI 'YAN ANG CHIKA KO 😭
kwin-g ina mo HAHAHA ok ok continue
L stands for Landi he asked me out kasi 😮 1
L stands for Landi like date daw ganorn 😮 1
L stands for Landi pero he didn't ask me directly
kwin-g ina mo WHAT What do you mean he didn't ask you directly?
L stands for Landi pinsan niya kasi nagsabi pero ibang chika na 'yon i'll tell you later ang concern ko talaga ngayon ay parang hindi pa ako ready
kwin-g ina mo Saan?
L stands for Landi hindi pa ako ready makipagkita sa kanya hindi pa ako ready makita siya sa personal hindi pa ako ready makipag-date hindi pa ako ready ipunta kung ano mang meron kami sa gano'ng level kasi what if magkita kami tas we realized na di pala kami bagay what if di kami mag-click in person what if ma-disappoint siya kapag nag-meet na kami or ako ang ma-disappoint sa kanya what if hanggang online lang talaga 'tong understanding namin eh masaya pa naman akong nakakausap siya tas kapag nawala, ano na mangyayari sa akin diba? :((( 😢 1