Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Feb 10 17:39
kwin-g ina mo Teh @L stands for Landi buhay ka pa? Nag-chat sa akin si Ian
Feb 10 18:23
ja-monyo 😇 OMG Sa akin din Nagulat nga ako eh
kwin-g ina mo Hindi pa nagsi-seen si L dito mula nung 8 Nag-pm na rin ako sa kanya
ja-monyo 😇 May sakit pa rin kaya siya? Puntahan na kaya natin?
kwin-g ina mo Hindi ko nga sure Sabi ni Ian, kahapon niya pa raw kino-contact pero no response daw. Hindi ko naman masabi na sadyang ini-ignore niya si Ian kasi kahit sa atin, wala rin siyang paramdam eh.
ja-monyo 😇 Message kaya natin si tita?
kwin-g ina mo Oh go Ikaw gumawa kasi ikaw nakaisip
ja-monyo 😇 Lah ayoko nga Ikaw na Makapal naman mukha mo
kwin-g ina mo Excuse me? Kahit mas makapal mukha mo sa akin?
ja-monyo 😇 Ay gagi Si L pala ang pinakamakapal ang mukha sa atin 😂
kwin-g ina mo Siraulo ka talaga hahahaha dinamay mo pa yung may sakit
ja-monyo 😇 Pero uyyyyy Mukhang it's getting real na talaga between them, 'no?
kwin-g ina mo Ha? Sino?
ja-monyo 😇 Sina L at Ian Nakakaloka rin kasi 'tong si Ian eh Bilis magtampo amp Mga taurus talaga oh 😂 1
kwin-g ina mo Diba??? Sarap nilang pag-untugin dalawa Hindi kasi mag-usap
ja-monyo 😇 Hayaan na natin sila Ang dami ng problema ng Pinas Huwag na silang dumagdag pa
kwin-g ina mo True! Uy, Ja! Sama ka pala sa 13?
ja-monyo 😇 Saan? Ano meron?
kwin-g ina mo Sa Quezon Memorial Circle Campaign rally ni VP Leni
ja-monyo 😇 Totoo ba? Sige g ako!
kwin-g ina mo Yown! Mag-pink ka ah ❤️ 1
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.