Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dec 03 08:16
kwin-g ina mo Teh @L stands for Landi Anyare Kagigising ko lang tapos grabe yung messages na bumungad sa akin 😱
Dec 03 10:48
ja-monyo 😇 Good morning What did I miss?
kwin-g ina mo Uso mag-backread teh
ja-monyo 😇 Sabi ko nga Ito na Nagagalit ka naman diyan agad 😂 1
kwin-g ina mo Pero shet Nag-aalala ako kay L Ang lala ng pag-escalate ng mga nangyari kagabi based sa messages niya?
ja-monyo 😇 Hala oo nga Ano ba yung tweet niya at napa-reply yung crush niya? @L stands for Landi saan ka na? We need your explanation now
kwin-g ina mo Ay teh mag-almusal muna tayo kasi for sure tanghali na naman ang gising niyan
Dec 03 13:26
L stands for Landi MGA HAYOP KAYO KAGABI KO KAYO PINAKAKAILANGAN TAPOS WALA KAYO ANONG KLASE KAYONG FRIENDS 😤
ja-monyo 😇 May tinapos akong trabaho kaya hindi ako online
kwin-g ina mo Naka-silent mode phone ko kasi nanonood me kdrama So anyare ba?
L stands for Landi ito na nga nag-tweet kasi ako ng pick a number kineme between 1-100 para sa top 100 playpist ko for spotify wrapped *playlist mga bandang 8 or 9 PM 'yon tapos itong si ian nag-reply ba naman ng number 😮 2
L stands for Landi SHOOKT AKO MGA MHIE pero 11 PM ko na nakita kasi nga nakatulog ako at aNG LALA KASI BIGLANG SABOG NOTIF KO????? I WAS LIKE ANO NANGYAYARI GANERN at first kinilig ako kasi nga nag-reply crush ko pero when his so-called "fans" started to harass me natakot na ako!!! 😮 2
L stands for Landi hindi ko ini-expect pero ang lala talaga may mga nagdi-dm na sa akin kung sino ba raw ako hindi naman daw ako pina-follow ni ian pero bakit nag-reply siya sa tweet ko i mean sobrang babaw nila kaya naloka talaga ako??? so i deactivated my acc muna pero naloka ako na pati sa ig ay may mga nangulit sa akin kaya nag-deact na rin muna ako doon mabuti na lang at hindi nila alam fb ko kasi kung nahanap nila pati 'yon di ko na alam gagawin 😭
kwin-g ina mo FIRST OFF, WHAT THE F? Celebrity ba 'yan si Ian at bakit may mga ganyang fans? Ang wild jusko
ja-monyo 😇 He's debuting soon as a singer, right?
kwin-g ina mo Ayon na nga eh Hindi pa siya totally celebrity kaya wag siyang ano diyan
L stands for Landi BAKIT PARANG KASALANAN NI IAN 😭 EH YUNG FANS NIYA ANG PROBLEMATIC 😭
kwin-g ina mo Ay wow talaga After what happened to you, pinagtatanggol mo pa siya?
ja-monyo 😭 Gaga ka kasi, K! L has a point. Yung wild fans ang problema natin dito, hindi si Ian.
L stands for Landi DIBAAAAAAAAAAAAA 😭 SHOOKETH TALAGA ANG ATE NIYO
kwin-g ina mo AY OMG L I found something Nag-stalk ako ng mga tweets about sa nagyari at halos lahat pala ay inaakala na ikaw yung tinutukoy ni Ian sa recent interview niya with Kendi Mug na secret crush niya for a long time AND THEY ALL THOUGHT THAT YOU WERE THE "SECRET CRUSH" HE WAS TALKING ABOUT 💀
L stands for Landi HA
ja-monyo 😇 What interview?
kwin-g ina mo http://www.kendimug.com/all-access/ian-silverio-x00320-20261201
Dec 03 13:42
ja-monyo 😇 SCHOOLMATE NATIN SIYA NUNG HIGH SCHOOL?
L stands for Landi GAGO HINDI KO MA-PROCESS YUNG MGA NABASA KO
ja-monyo 😇 Hindi common ang name na Landice kaya hindi ko sila masisisi when Ian mentioned that name Then THAT interaction happened pa diba
L stands for Landice HINDI NAMAN NAKA-DISPLAY YUNG NAME KO SA TWITTER???
ja-monyo 😇 Ghorl, your username says it all, remember?
L stands for Landi AND THEY FOUND IT NANG GANO'N KADALI???
kwin-g ina mo Bakit naman hindi, eh literal na tinagalog mo lang yung pangalan mo? 😭
L stands for Landi OY MAKA-"LANG" KA NAMAN DIYAN EH ILANG USERNAME KAYA PINAGDAANAN KO BAGO KO MAISIP 'YAN AND ANG UNIQUE NG USERNAME KO, 'NO!
ja-monyo 😇 But what I don't get is bakit si L agad ang pinagkamalan nila? I mean, may he/him na nakalagay sa bio niya. And I noticed that Ian used they/them sa interview when he was talking about his secret crush na coincidentally ay Landice din ang name. 🤷🏽♀️
kwin-g ina mo So nag-assume lang talaga 'tong mga fans niya dahil nga sa pag-reply niya sa tweet nitong si L?
ja-monyo 😇 Or pwede ring they were right na si L nga talaga ang tinutukoy ni Ian sa interview
L stands for Landi SHUTACCA JA LALO MO LANG PINAPASAKIT ULO KO
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.