Episode 1 (Part 10)

2 0 0
                                    

Hello Beth. Bati ng nurse. Kumusta ka na?
Ito masaya na kahit paano dahil sa anghel na ito. Saan ba ang mommy nya?
Ah.. Eh.. wala na syang mommy..
Pwede bang akin nalang sya?
Ay aampunin kasi yan di doktora. Wala kasi din syang anak. Matandang dalaga kasi yun need nya ng anak.
Nalungkot si Beth.. Napatulo ang kanyang luha sa mata habang tinitignan ang sanggol na dumedede sa kanya.
Pa out na si Beth sa hospital na yun. At may naisip syang plano. Kinuha nya ang patay nyang anak at pinagpalit nya ang balot ng patay na sanggol sa buhay na sanggol. di naman gaanong iyakin si miyuri kaya nilagay nya ito sa karton. Tapos dinala nya sa baby station ang patay na sanggol. Dali-dali sya lumabas at umalis dala ang buhay na sanggol sa loob ng karton. Huli na ng malaman ng mga nurse nakatakbo na si Beth. At di na nakita kahit kailan. Nagpaka layo-layo sya sa bayan at doon nya inalagaan ang sanggol na pinangalanan nyang miyuri.

Nay? ba't kayo umiiyak? tanong ni miyuri ng magising sya.
Ha? wala to anak... May naalala lang ako.
Naku nay! di ako sanay na umiiyak kayo matapang kayo eh. Biro pa ng dalaga.
Nagising narin si Ivana at namilipit sya sa sakit ng kanyang likod.
Sorry iha.. Mahirap lang kami eh.. Wala kaming kama.
Its alright po. Maybe I will use to it naman..
Ivana, Pwede dito muna ako kay inay, na miss ko na sya eh.
Okay.. Siguro kailangan ko munang umuwi samin at after this, babalik ulit ako dito.
Umuwi muna si Ivana sa kanyang mansyon. Pagka dating ay humiga agad sya sa kanyang malambot na kama. I miss this one!.. Napapikit sya sa sarap ng pakiramdam. Maya-mayay narinig nya na dumating ang kanyang mga magulang. Sinilip nya ito at nakita nya na dumating din ang half sister ng kanyang daddy. Ito ang di nya kasundo. Lalo na ang anak nito na si Julia. Napaka malditang bata pero alam nya sa sarili nya na mas maldita sya.
Hello anak!
Hi mom,dad. Sabay beso-beso sa kanyang mga magulang.
Why they're here??
Anak, dito muna sila panandalian lang.. Mga 1month kasi naghahanap sila ng bahay.
What? no! Inirapan nya ang mga ito. Lalo na ng tinaasan sya ng kilay ni Julia.

Once Upon a Summer (Ivana)Where stories live. Discover now