Chapter 04

143 3 0
                                    

Library

Deirdre's POV

Ilang araw na rin ang lumipas simula nang nag simula ang pasukan. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakausap ang iba ko na kaklase. Si Achilles at mga kakilala ko lang noon ang nakakausap ko talaga. Pero balak ko talaga sila kausapin, nahihiya palang talaga ako ngayon. 

Sa mga nakaraang araw ang mga napapansin ko palang sa mga classmates ko ay puro sila tahimik. Bukod nga lang kay Alexander at Jen. Si Alexander ata 'yung anak nung Corpuz na sinasabi nila. Tapos si Jen naman 'yung pinaka mapang-asar ko na classmate. Papansin talaga 'yon to the max. Onti nalang sagad na sa buto inis ko sa kaniya. 

Wala rin namang bago araw-araw, paulit-ulit lang. Gising, kain, ligo, aral, tulog and then repeat. Hindi na nga maisama dyan ang gala, dinedeklara ko ang aking sarili na furniture sa aming bahay. Joke.

"Magandang umaga" Sabi ni Bb. Abby. 

"Magandang umaga rin po, Bb. Abby!" Sabay-sabay na sabi namin.

"Maaari na kayong umupo" Sabi nito. 

"Ngayong araw ay mag pipilian na tayo ng inyong magiging kagrupo sa buong quarter. Para hindi na tayo mahihirapan mag bilangan kapag may mga ipapagawa ako sa inyo na pangkatang gawain. Okay, magsisimula tayo sa... likod." Dagdag pa nito. 

Sana maayos ang maging mga kagrupo ko, please! 

May 5 grupo itong binuo, at ako ay napunta sa group 4. Si Serene ang kagroup ko rito, siya rin ang napili naming maging leader. Buti naman ay napunta ako sa maayos na grupo. 

Kabaliktaran ko naman 'yung babae na ang pangalan ay Fatima. Noong nakita ko na parang nadismaya siya sa mga kagrupo niya ay natawa talaga ako. Hindi niya talaga tinatago pagkadismaya niya. Siguro ay naging classmate niya na ang iba rito kaya alam niya na kung paano sila kapag may groupings. Kawawang Fatima. 

Lumipas na ang oras ni Bb. Abby at mayroon kaming ilang minuto na pahinga ngayon. Sinuot ko ang aking headset bago tinignan ang aking mga sulat sa math subject namin. Math kasi ang next namin. Mahilig ako sa math, pero hindi naman ako ganoong katalino roon. Gusto ko lang ito kapag gets ko, pero kapag hindi ay grabe talaga ang suklam ko rito. Ngayon kasi ay gets ko pa kahit papaano kaya nag e-enjoy pa ako. 

Napatingin ako sa aking katabi na si Achilles dahil ito'y natutulog ulit. Siguro ay pagod na pagod ito sa kaniyang mga ginagawa kaya palagi itong natutulog. Medyo malamig din dito sa aming classroom kaya napakasarap talaga matulog. Pero ni minsan ay hindi ko pa nararanasan matulog sa loob ng classroom dahil ay baka pagtripan ako ng mga tao rito. 

Dumating na ng sunod sunod ang mga guro namin at sa wakas ay lunch break na. 

"Tara, Dei. Saan tayo?" Tanong ni Ian. 

"Pass muna ako, pards. Pupunta pa ako library, in-game ako sa larong aral-aralan" Sabi ko. 

"Mamaya ka na pumunta doon, kain muna tayo" Sabi nito. 

"Wala na akong time mamaya, ikaw na maunang kumain" Sagot ko naman dito. 

"Sasamahan kita mamaya, kumain muna tayo" Pag pilit nito. 

Wala rin akong nagawa dahil ayaw naman umalis nito at patuloy lang sa pag pipilit sa'kin. 

Dahil lumabas naman si Achilles ay dito siya sa tabi ko umupo. Sabay kami kumain habang nagdadaldalan. 

"Nakakatawa talaga noong nahulog si Jasper sa bike noon. Hinding hindi ko makakalimutan 'yon." Pag kwento nito.

"Ang sama mo, nakaka-awa kaya siya no'n. Una talaga muka niya no'n." Sabi ko.

"Akala mo naman hindi ka tumawa noon, ikaw nga pinakamalakas ang tawa." Sagot nito.

"Ay oo nga pala, sorry na!" Tawa ko, "Huwag ka, malupet 'yon si Jasper. Isipin mo, nahulog na sa bike tapos una muka, may gasgas pa sa ilong. Pero tawang tawa pa rin sa sarili niya." Sabi ko.

"Kaya nga e, laugh trip talaga noong time na 'yon" 

"Nakakamiss naman sila Jasper, bakit kasi nag transfer pa" Sabi ko.

Si Jasper ay kaibigan namin simula elementary, pero lumipat na siya ng school. Sa Canada na raw kasi sila titira kaya kailangan niya na lumipat. Pero nakakausap pa rin namin siya ngayon, medyo madalang na nga lang kasi magka-iba naman ang oras namin. Nakakamiss tuloy siya kasama.

Natapos na ang lunch namin at tulad ng ipinangako ni Ian ay sinamahan niya nga ako sa library. May 20 minutes nalang kami para magbasa doon.

Hinahanap ko na ang libro na kailangan ko ng iba ang nahanap ko. Nakita ko si Achilles na naka-upo doon sa isang sulok ng library. May binabasa rin ito, mukang ang binabasa niya ay 'yung librong kailangan ko. Kaya napag desisyunan ko na lapitan ito at batiin na rin. 

"Hi, Achilles! Bakit dyan ka naka-upo? Ang daming bakanteng upuan doon" Sabi ko.

"Hi, Deidre. It's nice to see you here. Dito ako pumwesto para kung makatulog ako walang makakakita" Sabi nito ng pabiro. 

Tinignan ko lang ang binabasa nito at saka nakarinig na rin ng tawag ni Ian. 

"Oh sige, mauna na ako sa classroom. Bye!" Sabi ko.

"Dei, wait!" Sabi nito sabay tayo at pag-pag sa kaniyang pantalon "Sabay na ako" 

Inintay ko ito at nangliit ako noong tumayo ito dahil talagang matangkad ito. 

Sabay kami nag lakad palabas ng library. Pumunta ako kay Ian bago sinenyas na kasama ko si Achilles. 

"Asan na ang libro na hinahanap mo? Libro nga ba talaga hinahanap mo?" Sabi nito na may pang-aasar. 

"Tara na nga, hindi ko mahanap 'yung libro" Sabi ko nalang.

Libro talaga ang hinahanap ko, sadyang mas nakita ko lang siya sa kaysa sa libro. 

Sabay kaming tatlo pumasok sa classroom namin at nag paalam na si Ian na babalik na ito sa kaniyang upuan. Medyo malayo ang upuan niya sa akin, nasa harap ako sa gilid ng kaliwang bintana habang siya naman ay nasa tabi ng kanan na bintana.

Nanatili ulit kaming tahimik  bago pumasok ang sunod na guro namin.

Bestfriends (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now