Problem
Achilles POV
It's been 3 years since mommy left us. Hindi ko na nga alam kung nasaan na sila. Basta ang huling pag-uusap namin last year pa. Theo is 11 years old and I'm 13, malapit na pala ako mag highschool ang bilis ng panahon. Elyse is currently in grade 2 and 9 years old na siya. I badly want to see her, miss na miss ko na sila ni Mom.
"Theo! Bumaba ka rito!" Galit na sabi ni Dad.
Mukang may problema na naman. Bumaba ako at tinignan kung ano ang nangyayari. Naabutan ko na pinapagalitan ni Daddy si Theo.
"Bakit mo naman ginawa 'yon, Theo?! Kung hindi pa pala ako pinatawag ng teacher mo hindi ko pa malalaman ang lahat?"
"Sinimulan nila, gumanti lang po ako. At saka kaya ko naman po sarili ko." Sabi ni Theo.
Simula nang umalis si Mom, naging ganito nalang kami sa bahay. Hindi kami masyado nakakapag-usap. Kung meron man, sobrang onti lang. Matagal na nang iniwan kami ni Mom, pero hanggang ngayon malaki pa rin ang epekto nito sa amin.
Palaging napapa-away si Theo dahil madalas ay tinutukso siya. Bakit daw walang umaattend na nanay sa amin kapag family day. Siguro raw ay hindi kami nito mahal. Nasasaktan ako para sa kaniya dahil masyado pa siyang bata noong nangyari ang mga 'yon. Na hanggang ngayon ay dala niya pa rin ang sakit at siguro tampo siya sa aming ina.
"Kaya nga ako narito, Theo. Tutulungan ko kayo. Bakit ba hirap na hirap ka mag sabi sa akin? Anak kita, anak ko kayo. Natural ay papangaralan ko kayo kapag may mali kayong ginawa." Dad said.
"They're bullying me, okay?! Nakakapagod na marinig 'yung mga masasakit na salita na sinasabi nila sa akin. Sa atin! Ipinagtatanggol ko lang ang pamilya natin." He said.
"Theo, hindi naman totoo ang mga sinasabi nila. Bakit mo pa papatulan? Pasok dito, labas doon." Sabi ko habang nakaturo pa sa dalawa ko na tenga.
"Sana nga ganoon 'yon kadali, kuya. Kaso hindi. Baka nga tama sila, wala na namang pake sa atin si Mommy diba? Asan na ang pangako niya na babalik siya?" Sabi nito na umiiyak.
"Theo, huwag mo sabihin 'yan. Babalik din siya." I said.
"Oh, come on! Kuya do you really think na babalik pa si Mommy?! Kuya gumising ka na sa katotohanan na hindi na babalik 'yon! Iniwan na niya tayo! Kung babalikan man niya sana tayo ay bakit wala pa siya?" Galit na sabi niya kasabay ng pag tulo ng luha niya.
"Babalik si Mommy, Theo. Huwag ka mawalan ng pag-asa. Babalik si Mommy" I hugged him.
Itinulak niya ako dahilan para mapa-atras ako.
"Stop the joke kuya! I'm not losing hope! Hindi na talaga siya babalik! At tanggapin na nating lahat 'yon!"
Natahimik ang paligid at ang tanging ingay lang na naririnig namin ay ang iyak ni Theo at Daddy.
"K-kung babalik man siya, asan na siya. Ilang taon na ako nag hihintay sa kaniya. Gabi-gabi akong nag dadasal na sana bumalik na siya, Dad. Gustong gusto ko na sabihin na nasasaktan na ako sa bawat araw na lumilipas na wala siya sa tabi ko. Pero wala siya, wala pa rin siya."
"Patawarin niyo ako kung hindi ko na pigilan ang nanay niyong umalis. Mahal na mahal ko siya kaya ibinigay ko lang sa kaniya kung ano ang ikakasaya niya.." My father said.
"Without considering us? Hello, andito kami! Palagi nalang ba kasiyahan niyo? Na kahit nasasaktan na kami okay lang basta masaya kayo?" Theo said.
"Babalik siya, Theo." Sabi ko.
"Tama na, kuya. Kung ayan ang gusto mo paniwalaan, sige, maniwala ka lang. Pero ako, ayoko na." Theo said before walking out of the room.
Lumipas ang ilang oras at lumalim na ang gabi. Sinubukan ko kausapin si Theo kaso itinataboy niya lang ako. Hinayaan ko muna siya para makapag-isip-isip din siya.
Dumeretso ako sa kwarto ni Dad para siya nalang ako kausapin at nasaktuhan ko na nag-aayos ito ng gamit. Ngunit nakita ko rin na basa ang kaniyang pisngi kaya nalaman ko na umiiyak pala siya. Nasasaktan ako para sa amin. Bakit namin ito nararanasan?
"Dad, can I enter?" I said.
"Sure, anak. Do you need something?" He said.
Without saying a word, I hugged him.
"Dad, everything will be alright. Andito lang po kami ni Theo. Mahal na mahal ka po namin. Huwag mo na po sisihin sarili niyo kung bakit umalis si Mommy. Desisyon niya po 'yon at hinayaan niyo lang naman po siya dahil alam ko na mahal na mahal niyo rin siya. Hinding hindi po kita iiwan, kung may problema rin po kayo andito lang kami. Mag sabi rin po kayo sa amin. As your son, I will take care of you." I said.
"Salamat, a-anak." He said.
Magsisikap ako para maabot ko ang pangarap ko at pangarap nila para sa akin. At ito ang pangako na hinding hindi ko sisirain.
YOU ARE READING
Bestfriends (UNDER REVISION)
RomanceMahal nila ang isa't Isa pero bakit nga ba bawal? Bawal nga ba talaga? O ipinipilit lang nila sa sarili nila na bawal maging sila? Bawat tingin, bawat ngiti Bakit parang may mali? Gusto kong sabihin na tapos na, Bakit parang bumabalik sa umpisa? Gan...