Li punan : Busal

18 1 0
                                    

Ika-5 ng Agosto, taong 2021

-;-;-;-

~

"tulong! paki—" agad kong hinawakan ang kanyang bibig, kapag may nakarinig sa ami'y siguradong parehas kaming mapapahamak.

tiningnan ko siya sa mata, hindi ko labis maintindihan. bakit siya natatakot at naguguluhan? hindi ko ito maunawaan sapagkat bakit gano'n na lamang ang ekspresyon ng mga mata niya gayong nandito ako kasama niya? panatag naman ako na ligtas siya sa aking mga bisig.

sinenyasan kong huwag siyang mag-iingay, sapagkat kung sakaling may makarinig ay siguradong malaking gulo ang naghihintay sa 'min pagkatapos ng gabing ito.

sinubukan kong tanggalin ang kamay kong nakahawak sa kanyang bibig, ngunit bago ko pa ito matanggal nang tuluyan, isang sigaw na naman ang kanyang pinakawalan. wala na akong ibang mapagpipilian kaya nilagyan ko ng busal ang kanyang bibig para kahit sumigaw siya nang sumigaw ay walang makakarinig.

"ligtas ka naman sa akin binibini, kaya bakit ka natatakot sa akin? pasensya na kung nilagyan kita ng busal sa bibig, masyado ka kasing maingay. alam mo naman siguro ang mangyayari sa 'tin kapag nag-ingay ka, 'di ba?" hinawakan ko ang kanyang pisngi at marahang hinaplos, napakaganda talaga ng binibining ito.

"huwag kang mag-alala dahil pagkatapos ng gabing ito, magiging maayos na ang lahat at magiging malaya ka na ulit," nakangiti kong saad, kita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan, bakit kaya?

"natatakot ka ba sa 'kin?" tanong ko ngunit imbis na sagutin niya ako ay nanatili lang siyang nakayuko, siguro'y nahihiya lang siyang sumagot kaya hindi ko na lamang pinansin.

"ngayon ay maaari na tayong magsimula," saad ko at hinawi ang kanyang buhok, natatakpan kasi ang kanyang napakagandang mukha.

hinalikan ko siya mula sa noo pababa, nakaramdam ako ng pagkasabik sa kanya. rinig na rinig ko ang ungol niya at ramdam ko rin ang kuko niyang bumabaon sa aking likod, lihim akong napangiti sapagkat nagugustuhan niya ang mga halik na iginagawad ko sa kanya.

naging mapaghanap na nga ang aking mga kamay na naging dahilan ng pagliyad niya, balewala na sa akin ang bawat kalmot at sabunot niya dahil alam kong nagugustuhan niya ang mga ginagawa ko at gano'n din ako sa kanya.

umaga na nang magising ako, kaagad akong naligo at nagbihis dahil malapit na akong mahuli sa itinakdang oras.

saglit ko pang tiningnan ang binibining mahimbing na natutulog sa kama, mamaya ko na lamang siya aalalahanin.

ngunit bago ko pa mapihit ang seradura ng pinto, narinig ko ang boses niya.

"malaya na po ba ako, father?" napalingon ako sa kanya at kapagkuwa'y ngumiti.

"oo, malaya ka na. napatawad ka na ng diyos mula sa iyong mga kasalanan. ako'y aalis na sapagkat malapit nang magsimula ang misa, kaawaan ka ng diyos."

@rainbowandarrow

LI PUNANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon