Ika-23 ng Agosto, taong 2020
-;-;-;-
~
pananamit punit-punit
putik-putik
pinagmumura
pinagtatabuyan
pamilya'y pakainin
pinagtitiisang
pagkaing panis
para paghatianpayapang pangangalakal
—pamumuhay
para pitaka'y
pagkalooban—perapulubi'y pinalapit,
pinaratangan—pagnanakaw
pinilit pagsalitain
puwersahang pinaaminpinagbantaan
pagmamakaawa'y
pinatahimik
pinagtangkaanpilit pumiglas
pinahirapan pagkatapos
pinatakas, pinatakbo
pinagbabaril—pataypinaghihintay
pamilyang pakakainin pero
pulubi'y patay, pag-asang
pagbabalik, pinagkait~
karagdagang impormasyon:
kung mapapansin niyo, ito ay naiiba sa mga nakaraan kong piyesa. ito kasi ay nasa anyong tautogram. kung saan ang tulang ito ay binubuo ng lipon ng mga salita na nagsisimula sa letrang p.
ngunit! hindi lamang nalilimitahan ang tulang ito sa letrang p, dahil malaya kayong mamili ng isang letra sa ating alpabeto.
bakit hindi niyo subukang gumawa ng sarili niyong tula sa anyong tautogram? sulat lang nang sulat!
@rainbowandarrow
BINABASA MO ANG
LI PUNAN
Non-FictionNaglalaman ng bawat piraso ng tunay na lipunang nagtatago sa karimlan. Halina't pasukin ang reyalidad ng buhay na pilit iwinawaksi ng lipunan. Pakinggan ang bawat daing at hinaing ng isang musmos. Sa pagsasalaysay ni rainbowandarrow