Isang mapagpalang umaga ang sumalubong kay Monchi. Masaya ang araw na ito para sa kanya, malapit na ang susunod na pasukan at ngayon ay kolehiyo na sya. Gusto din nya na sa kabilang bayan na mag aral, dahil naroon ang state college na gusto nyang pasukan ngayong taon. Kung kaya ito na ang araw na ihahatid sya ng kanyang magulang sa dorm na kanyang tutuluyan.
Nag iisang anak si Monchi. Matalino ito. Kung kaya naman naging maayos ang takbo ng kanyang pag aaral. Ngayong college na sya sa darating na pasukan, kinuha nya ang kursong gustong gusto nya... Kagaya ng kanyang ama gusto nya din maging engineer.
First time mararanasan ni Monchi na malayo sa pamilya nya. Kaya ganon na lang ang lungkot at pag aalala ng kanyang mama at papa. Pero alam naman ng kanyang magulang na kaya nya iyon. Malakas din ang kanyang loob. May mga konting adjusment pero buo ang loob nya na gawin ang lahat ng yon para sa pag aaral nya.
Nang maihatid sya ng kanyang magulang sa dorm na kanyang tutuluyan ay naging masaya sya. Una dahil malapit lang ang kanyang dorm sa school, marami din naman pwedeng pasyalan kaya tiyak na di sya maiinip.
Pero nakakalungkot lang...
Dahil walang roommate pang kasama si Monchi. Mag isa palang sya sa kanyang kwartong tutuluyan.
Hindi naman gano kalakihan ang kwartong inuupahan nya.. Mura lang pati ito kaya ayos na din.. Sa totoo lang ayaw nya sa mahal na upahan dahil iniisip nya ay makakadagdag pa ito sa bayarin ng kanyang magulang.
May isang kwarto ito na may dalawang higaan sa magkabilang sulok ng kwarto. May maliit na kusina at palikuran. May maliit din itong sala sakali para sa mga bisita. Tipikal na bahay na din ika nga para sa nagsisimulang mag asawa...
Nangiti si Monchi sa isiping iyon..
Asawa... Ni jowa nga wala ako... Bulong nya sa kanyang isip...
" okay kana ba dito anak?" tanong ni mama sa kanya
" opo ma. Okay na okay nako dito. Malapit naman sa school at sa lahat kaya okay lang po. Malungkot lang sa ngayon kasi wala akong kasama pa." mahabang sagot ni Monchi.
" magkakaron ka din ng kasama dito nak wag kang mag alala " sagot naman ni papa.
Ngumiti si Monchi at niyakap ang mga magulang.
" Salamat ma... Pa... "
Hinalikan sya ng mga ito sa ulo... Nagbilin at nagpaalam na din dahil malayo pa ang uwian ng mga ito.. Baka sila gabihin. Kahit naman sa kabilang bayan lang ito ay mahigit sa isang oras ang byahe pauwi sa kanila..
May isang oras na ng magpaalam ang magulang ni Monchi. Tumingin sya sa relo sa kanyang kamay. Alas onse palang naman ng umaga. Nagpasya na syang pumunta ng University at lakarin na ang mga kailangan nya.
Una nyang hinanap ang registrars office.. Tanong dito... Tanong don... Kuha exam for scholarship... Tingin ng club na pwede nyang masalihan.. At kung ano ano pa... Natapos siya ng mga alas dos ng hapon.. At grabe di nya napansin ang oras. Sa sobrang libang nya. Kaya gutom na gutom sya sa maghapong iyon..
Kumain nalang muna sya sa isang fastfood sa may mall sa di rin kalayuan mula sa kanyang tinutuluyan. Bumili n din sya ng extra para sa kanyang hapunan mamaya...
Bukas nya na iintindihin ang pamimili ng kanyang kailangan sa bahay. Para di rin sya labas ng labas para bumili ng kung ano.
Sa lumipas na mga araw ay palaging ganon ang gawain ni Monchi. Papasyal sa labas.... Uuwi... Manunuod ng movie o ng tv... Matutulog... Maglilinis ng bahay... Medyo nakakainip....
"Bat kasi wala pakong kasama sa room" bagot nyang sabi...
Sana pasukan na...
Sana may roommate nako...
Sana.....Ilang linggo pa ang lumipas ay nagsimula na ang klase.. Masaya si Monchi sa araw na yon. Eto na yung isa sa pinaka hihintay nya. Naging mahirap man ang unang araw, siguro ay dahil naninibago pa sya ay okay lang... Masaya pa rin naman iyon sa kanyang pakiramdam. Pumasa din ng scholarship si Monchi kaya dagdag sa magandang balita para sa kanyang mga magulang. Susubok din syang mag try out para sa basketball team. Sayang naman ang tangkad nya. At gusto din naman nya ang sports na basketball. Bonding moment kSi nila iyon ng papa nya.
Naging masaya ang unang araw ni Monchi sa University.. Kaya nakalimutan nya na ang lungkot na mag isa lang siya sa kanyang tinutuluyan.
Ang isang araw ay naging linggo, buwan, hanggang sa matatapos na ni Monchi ang unang sem. Masaya pa rin naman sya sa takbo ng kanyang pag aaral. Natanggap na siya sa basketball team na dagdag na sa kanyang activity. Dumadalaw din naman paminsan ang kanyang mga magulang kung kayat ayos lang ang takbo ng lahat sa pagsisimula ng kanyang unang simestre...
Hanggang sa matapos na ito... Dalawang linggong bakasyon kaya uuwi na muna si Monchi sa kanila. Ngunit wala pang isang linggo ay tumawag ang kanyang landlady. Ito ay para ipag bigay alam na may makakasama na sya sa kanyang tinutuluyan...
"sa wakas.... Sabi nya... Isang bagong kaibigan na naman."
Nagkatawanan sila habang kumakain. Bukas ay babalik na sya ulit sa dorm. Sabi nya sa kanyang magulang...
Excited si Monchi...
Ang tagal nya din hinintay na magkaron ng kasama sa kanyang tinutuluyan... Isang bagong tao... Bagong kaibigan... Na kanyang makakasama sa mga susunod na araw...Itutuloy....
YOU ARE READING
A Promise of Love
Short StoryBestfriends and turingan nila Monchi at David. Sa maraming bagay ay magkasundo sila. Magkasama sa lahat ng oras at pagkakataon... Pero pano kung mahulog na ang loob ng isa sa kanila.??? Magiging dahilan ba ito para magbago ang pakikitungo nila sa is...