Chapter 4. FIRST DATE

5 0 0
                                    

Nang sumunod na araw ay hinanap agad ni Monchi si Hannah sa school. Alam nya kung saan ito madalas na nagagawi...

Sa library ng University...

Nagpunta sya doon at hindi naman sya nabigo. Andon nga ang dalaga. Wala itong kasama o katabi man lang sa mahabang lamesa. Nangiti sya dahil naisip nya yung sinabi ni David sa kanya...

" Baka masama ugali mo."

Nangiti sya at nailing... Lumapit sya sa dalaga at umupo malapit dito... Napatingin ito sa kanya at ngumiti..

" Hi.." bati nya dito

" Hello." ngiti naman ng dalaga.. At muli ay tinuon ang sarili sa pagbabasa.

Hindi alam ni Monchi ang sasabihin. Mabuti nalang at may naisip siyang itanong para simulan ang pakikipag usap dito.

" ahm Hannah.. Nagawa mo naba yung assignment sa English.? "

" ohh... Actually hindi pa eh.. Inuuna ko kasi tong sa major subject ko medyo marami kasi.." mahina nilang usapan..

" ahh okay. Nakakaistorbo bako?"

Kumunot ang noo ng dalaga... Napatingin ito kay Monchi..

" Hindi naman.. Bakit? May sasabihin kaba? " tanong sa kanya ng dalaga..

" hmmm wala naman.. Mamaya nalang siguro pag natapos ka na mag aral"

Saka ngumiti si Monchi.. At iniwan na ang dalaga... Naiwan naman si Hannah na nagtataka at nag iisip. Pero pinag patuloy pa din nito ang ginagawang pagbabasa.

Mga kalahating oras pa ang lumipas ay natapos na ang dalaga. Nagulat nalang si Hannah na sa paglabas nya ng library ay nandon si Monchi.. Nangiti sya at napansin nyang may kasama ito.

" ahm Hannah, ayun sorry sa abala ko kanina sayo ha..?"

" ano ba yon Ramoncito" tanong nya..

" Monchi nalang.. Juskopo.. Hahaha"

Natawa silang pareho..

" ahm bale kasi eto nga pala yung best friend ko. Si David... Actually nakipag usap sya sakin na ipakilala daw kita sa kanya so... Ayun..." sabay ngiti naman ni Monchi.

Napatingin naman si Hannah kay David. Ngumiti at binati nya naman ang binata.

" Hi David... " nakangiting sabi ng dalaga..

" Hello Hannah... " sagot naman nito...

Nakaramdam sila pareho ng ilang at hiya sa isat isa. Kaya naman sinabi nag give way na si Monchi...

" O pano... Bahala na kayo jan ha??" sabay ngiti at kindat nito sa kaibigan..

Tinapik nya si David sa balikat.

" Ayusin mo ah... " sabay kindat at paalam na din kay Hannah. Saka siya tumalikod at iniwan na ang dalawa.

Hindi na nya nilingon pa ang dalawa. Sa totoo lang ay iba ang pakiramdam ni Monchi ng mga oras na yon... Hindi nya alam... Hindi nya maintindihan...

Kaya mas pinili nalang nya na medyo umiwas nalang muna. Naisip nya baka mailang ang best friend nya sakaling andon sya at nakamasid lang.

Pero sa totoo lang bakit kaya ganon? Hindi ba dapat masaya sya para sa kaibigan nya? Masaya sya dahil alam nyang masaya ito? Oras na din siguro para talaga umikot naman ang mundo ng kaibigan nya. Sa ibang tao. Sa huli... Ang kirot na nararamdaman nya ay napalitan na ng inis. Inis dahil pakiramdam ni Monchi ay ang damot damot nya para sa kasiyahan ng kaibigan.

Sa huli nanaig ang dapat na manaig. Ang pagsuporta sa kaibigan. Pagsuporta sa gusto nito. At sa taong gusto nito... Hinayaan nya na muna si David. At kahit pano masaya naman sya para dito.

Kinagabihan masaya itong nagbalita tungkol sa nangyari.. Lumabas lamang daw sila at nagkwentuhan. Inaya din daw nya ito na kumain sa mall malapit din sa kanilang lugar. Unang Date na nga ang tawag don ni David. Nakakatuwa. Masaya ang nararamdaman nya para sa kaibigan. Dahil alam naman nya na masaya din ito.

Itutuloy....

A Promise of LoveWhere stories live. Discover now