Chapter 2. ROOMMATE

6 0 0
                                    

Maaga pa lang ng sumunod na araw ay handa ng bumalik sa Monchi sa dorm. Excited sya.... Kahit pa sinabi ng magulang nya na ihahatid sya ng mga ito para makatipid sa pamasahe ay tumanggi ito. Siya nalang daw ang babyahe at baka mapagod pa ang kanyang mga magulang.

Kung kaya umalis na lang sya ng maaga para ng sa ganon ay maaga din naman syang makarating sa dorm.

Nang makarating sya sa dorm ay magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Monchi. Kumatok muna sya bago sya pumasok sa pinto. Pero pagpasok nya ay wala namang tao.

"Hello???" tawag nya... Walang sumagot.. At wala nga talagang tao...

Naisip nya baka lumabas...

" Bat ba sya lumabas... Di ba sya excited makita ako??" sabi nya sa isip. Natawa sya sa isiping yon...

"timang..." sagot nya din agad at napangiti...

Maya maya pay pumihit ang pinto... Pumasok ang isang lalaki at napatingin sa kanya... Blangko ang muka at walang kahit na anong expression...

" Monchi... Right???" tanong nito sa kanya..

Napatango nalang ang binatilyo sa lamig ng boses nito..
Ang weird... Parang may iba sa kanya... Sabi ni Monchi sa isip nya..

" galing ako sa labas, bumili lang ako ng mga needs ko bago mag start ang pasukan... Ohh.. By the way I'm David..." mahabang sabi nito sabay lahad ng palad para kay monchi...

Nagkamay ang dalawa at naupo na si Monchi sa maliit na sofa habang nagsimula ng mag ayos si David sa mga pinamili nya. Nakatingin at tahimik lang si Monchi sa ginagawa ng isa ng magsalita ito..

" Sori kung nakialam nako sa pag aayos dito. Binukod ko lang ung mga bagay bagay sau at sa akin. Kasi nakakahiya naman kung pagsasamahin ko pa. Atleast may boundaries tayo na ito yung sayo... Ito naman yung sakin." sabay turo sa lugar kung nasan na yung mga gamit nya sa mga gamit ngayon ni David."

Napaisip tuloy si Monchi.. Kailangan paba yon? Para namang di sila magkasama sa iisang bubong.. Ang sungit at ang arte naman nito... Naisip nya. Pero sumagot pa din sya.

" Ahm... David,, ano... Okay lang naman.. Wla namang problema kung magkasama.. Nasa iisang bahay lang naman tayo.. I mean tayo lang din naman ang gagamit at kakain ng mga nandito sa loob" sabi nya..

Napalingon si David sa kanya...

" seryoso kaba jan?" Tanong nito...

Tumango naman siya bilang sagot..

Napabuntong hininga naman si David...

" Sa totoo unang beses ko ma hiwalay sa amin. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay samin, kaya pasensya kana kung gusto kong organisado lang ang lahat. Baka iniisip mo ang arte ko or what... Pasensya kana." sabi nito na ngayon ay nakangiti na...

Saka lang napagmasdan ni Monchi ang ichura ni David. Katamtaman ang katawan nito.. Moreno at gwapo..." Sana all "... Sabi nya sa isip nya...

" Ayos lang, ako din naman.. Nag iisang anak nga lang ako kaya alam mo yon... May mga bagay talaga na malaki laking adjustment yung gagawin natin.. Nung unang sem ko dito hirap ako.. Kasi un nga sanay naman ako na mag isa... Pero kaiba sa bahay kasi kahit na papano kasama ko sila mama at papa. Nung andito ako ang hirap din na mag isa. Nakakalungkot kaya gumagawa nalang ako ng paraan para kahit pano maging masaya naman ako at di mainip. Sumali ako ng varsity sa school ganyan" . Mahaba nyang sagot.

" talaga?? Ang hirap naman nung mag isa ka dito.. Kagabi nga nung ako lang sa totoo lang naiinip ako... Gusto ko na nga lang umuwi samin talaga.." ngiting sabi ni David

" ganyan din ako nung umpisa. Nasanay nalang din ako."

Sabay tawanan nalang nila.

Natapos ng mag ayos si David. Umupo ito sa may bandang kainan at nakipag kwentuhan na kay Monchi.

" Anyways naiayos ko na yan ng ganyan.. You can pick naman ng gusto mo sa lugar ko.. Basta pag may gusto ko kukuha nalang din ako jan sayo" sabay tawa ni David.

Nagkatawanan na sila hanggang sa magkwento na sila ng tungkol sa kanilang mga buhay. Transferee si David. Galing siyang Ilocos. At kaya sila napadpad ng layo ng Bulacan ay dahil sa destino ng trabaho ng kanyang papa bilang area manager ng isang kumpanya. Panganay sa tatlong magkakapatid. Midwife naman ang kanyang ina.

Mass Communication ang kursong tinitake ni David. Kaiba sa kursong meron sya. Pero hindi naman issue yon sa kanila as long as ok ang samahan nila as roommate..


Dumating na ang araw ng pasukan. Tinulungan ni Monchi si David sa lahat ng kailangan nito.. Dahil medyo alam na nya ang pasikot sikot sa University.. Inaya din nya si David na sumali ng basketball team.. At sa kabutihang palad. Natanggap naman sya.

Ang unang taon sa kolehiyo ay naging napakabilis. Natapos na ang unang taon. Nakilala na nila ang bawat sides ng pamilya. Naging magkaibigang matalik si David at Monchi. At dumating na nga ang bakasyon. Pansamantalang magkakahiwalay ang dalawa.. Umuwi muna sila sa kani kanilang pamilya. Ang saya ni Monchi ay iba... Siguro ay dahil pakiramdam nya ay nagkaron sya ng kapatid sa katauhan ni David. Kaya naman bawat oras ay nagkakausap sila sa phone man o sa social media...

Feeling nya ay Bestfriends na sila ni David.. Ahh oo... Tama.. Sa unang pagkakataon nagkaron si Monchi ng kaibigan na masasabi nyang Bestfriend talaga...

Pero bakit ganon????
Bakit para kasing may iba....???

Bakit sobra nyang namimis si David.?
Bakit gusto nyang lagi ito kausap...?? Kasama... At sa totoo lang... Gustong gusto nya na ulit ito makita...

Natatawa sya sa weird na pakiramdam na iyon... Iniisip nya.. Baka ganon ang pakiramdam ng may kapatid talaga... Yun bang gusto mo lagi mo nakikita at nakakasama...

Oo yun nga yon...
Yun lang yon....


Itutuloy.....

A Promise of LoveWhere stories live. Discover now