Chapter 6. PAG IWAS

5 0 0
                                    

Kinabukasan....

Unang hinanap ni Monchi sa pag gising nya ay ang kanyang cellphone.. Pero wala naman siyang natanggap na mensahe galing kay David. Naisip nya. Marahil ay abala ito... Sa pamilya... Sa kung ano mang bagay... O di naman kaya ay kay Hannah...

Nalungkot na naman sya sa isiping yon. Napabuntong hininga si Monchi., bumangon na lamang sya at kumilos. Pinilit niyang alisin muna ang pag iisip sa kaibigan.

Pagbaba nya ay nadatnan nya ang mga magulang, nangiti sya.. Naisip nya oo nga pala... Bakasyon naman.. Kaya uunahin nya na magpakasaya muna.. Sinigurado nyang ilaan lamang ang oras nya kasama ng mga magulang.. Wala ng iba pa. At nakatulong naman ito. Naging abala ang oras nya..

Nag swimming sila., namasyal sa mall, nilaan ang bawat oras na kasama nya ang mga ito. Sa lumipas na mga araw ay nakalimutan ni Monchi si David. Magandang bagay yon... Nakalimutan nya din na sumilip sa kanyang cellphone para tingnan kung may mensahe ang kanyang kaibigan o wala. Magandang bagay na rin iyon naisip nya. Atleast naayos nya ang sarili pansamantala... Na wala si David sa sistema ng buhay nya..

Mabilis pang lumipas ang araw at babalik na sa boarding house si Monchi. Saka nya lang naisipang silipin ang kanyang cellphone may tatlong miscall ito galing kay David... At isang mahabang text. Hindi nya alam kung ano bang mararamdaman nya dahil kahit pa sobrang haba ng mensaheng iyon sa isang bagay lamang nakatuon ang kanyang isipan...

" Gud news chi... Kami na ni Hannah.."

Natulala nalang si Monchi. Halohalong emosyon ang kanyang nararamdaman. Lungkot, Saya... Pagkabigo...

Para sa nararamdaman nya sa kaibigan...
Nakarating sya ng boarding house na tila pagod na pagod... Ang kanina pa gustong bumuhos n luha ay tuluyan ng kumawala. Iyak nalang ang tanging naging tugon nya. Sa sakit na nararamdaman para sa nabalitaan... Naisip nyang maging masaya na para kay David at Hannah.. Tama... Yun ang gagawin nya. Yun ang dapat na gawin nya para sa kaibigan...

Bumuhos ang lungkot...
Sakit... At mga halo halong nararamdaman pa ni Monchi...

Ang pag iyak ay nakatulugan nya nalang... Nagising sya ng bandang alas sais ng gabi sa mga oras na yon ay di nya na inaasahang darating pa si David...

Mag isa na naman sya...

Yun ang pakiramdam nya... Naiinis sya sa pakiramdam na yon.. kaya bumangon na lamang sya at naisipan na lumabas... Pagbaba nya ay nakasalubong nya ang kanyang landlord.. kinamusta sya nito at sinabing...

" Parang malungkot ang mata mo anak? " Tanong nito.

" Ahhhh ... Ehh... Nako hindi po... Kakagising ko lang po kasi nay, lalabas nalang po ako at mukang di pa uuwi ngayon si David. " Sagot nya.

" Ahhh oo... Hindi ko pa nga nakikita si David ngayon.. eh baka bukas pa yun makauwi... "

" Siguro nga po, sya sige po nanay. Ako poy lalabas nalang muna. Sa labas na dn po ako kakain "

" O sya sige anak at mag iingat ka "

" Salamat po ". Sagot ni Monchi.

Nagsimula ng maglakad si Monchi, nagpnta sya sa pinaka malapit na mall.. naghahanap sya ng makaka inan ng sa di kalayuan ay isang pamilyar na muka ang kanyang natanaw... Ngumiti sya ng makilala kung sino ito... Si David...

Lalapit na sana sya para puntahan ito pero napahinto sya ng mapansin nyang kasama pala nito si Hannah,

Agad syang tumalikod at lumayo para di na sya mapansin pa ng mga ito. Nagsimula syang lumakad...

Pero napahinto sya... Naisip nyang kailangan nya na itong harapin.. at ayaw nyang may magbago sa kanilang dalawang magkaibigan.. ayaw nyang maging sakim dahil lang sa nararamdaman nya...

Pinilit nyang pakalmahin ang sarili at muli ay humarap sa dalawa kung asan man ang mga ito... Lumapit sya... At binati ang dalawa...

Niyakap sya ni David at ni Hannah...

" Congrats... Finally... " Bati ni Monchi sa dalawa... Kasama ng ngiting may sakit na kinukubli...

" Salamat " tugon naman ng dalawa..

" San punta mo? " Tanong ni David sa kanya.

" Ahhh wala.. nainip ako sa boarding may kailangan din lang akong bilhin kaya ako nagawi dito " sagot naman ni Monchi.

" Oh pano, mauna nako... May date pa kayo " sabay ngisi at kantyaw pa kunyari.

" Hindi... Wala naman pauwi na din tong si David " sagot ni Hannah. Magkikita lang kami nila julienne (kaklase nito) tapos uuwi na din kami sa board.

" Sabay na tayo chi.. " sabi ni David.

Tumango nalang si Monchi kasi di nya alam ang isasagot.

Naglakad pa sila ng kaunti hanggang sa dumating na ang hinihintay ni Hannah, nagpaalam na ito sa dalawa at kitang kita ni Monchi ang paghalik ni David sa pisngi ni Hannah...

Napatulala sya,,,

Nakaramdam ng kaunting saya, ngunit mas lamang ang kirot.. nagpaalam na si Hannah din sa kanya at binati sya ng kaibigan nito, tango nalang ang naisagot ni Monchi sa lahat..

Naglalakad na sila pauwi.. tahimik lamang silang dalawa... Naiilang si Monchi na magsalita pero tahimik lang din naman si David...

Sa huli ay di na nakatiis ang una...

" Congrats pala David... Sa inyo ni Hannah... " Sabi ni Monchi.

Tumingin ito sa kanya na di nya maintindihan ang tingin nito, ngumiti at naglakad lang...

Napayuko si Monchi. Nahiya sya pakiramdam nya... Ang obvious ba nya masyado??? Tanong nya sa isip. Nasa gitna sya ng pagiisip ng lumiko bigla si David ng lakad..

Nagulat sya at sinundan nalang ito hanggang sa makarating sila sa bilihan ng Lomi na paborito nilang pareho.. napangiti sya... Habang nakikita nyang sinasandok ang mga binili na pagkain ni David.

Sa totoo lang nakalimutan nya ang gutom kanina. Dahil sa mga nangyari. Tumingin sya kay David, at nakita nyang nakatingin ito sa kanya..

" Bakit??? " Tanong nya...

Umiling lang ito at ngumiti, sabay abot ng bayad ng binili nya...

" Sagot ko nato " sabi ni David.

Muli silang naglakad ng tahimik hanggan sa makauwi na sila sa boarding house.

Nag usap... Ng masaya...
Tawanan,,, kantyawan... Sa ganoon pa umikot ang mga oras nila..

Hanggang sa oras na para sila magpahinga... Habang nakahiga ay nag iisip pa din si Monchi... Nakikiramdam... Tumingin sya kay David na kasalukuyan ng natutulog..

Umupo sya sa gilid ng higaan... Yumuko at nag isip...

" Hindi tama to... " Sabi ng isip nya..
Hindi pwedeng mainlove ako sayo...

Bumalik na lamang sya sa pagkakahiga.. at pinilit na makatulog sa gabing yon...

Itutuloy....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Promise of LoveWhere stories live. Discover now