--------------------------
Diko parin inaalis ang tingin ko sa cellphone ko. Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na gusto niya ako. Sino ba naman ako? Isang normal na studyante lang. Oo parehas kami ng pinapasukang paaralan pero kilala siya sa school dahil isa siya sa hearthrob namin at isa sa mga varsity.Pakiramdam ko nananaginip ako. Sa isang iglap biglang may nakapansin sakin at isang sikat pa. Tss but I knew better than to believe in him.
So kahit na di parin ako makapaniwala, diko nalang pinansin. Alam ko namang joke lang yung gusto niya ko.Ngunit sa paglipas ng mga araw, patuloy parin siya sa pagtetext sakin na gusto niya ako at nitong nakaraang araw lang ay iprinoklama niyang manliligaw daw siya. Like wth?! Of course di ako pumayag pero patuloy parin siya.
Lumipas yung mga linggo at pinayagan ko narin siyang manligaw, he looks sincere so pinagbigyan ko na. If joke lang yung pagkagusto niya sakin , the first time na nireject ko siya edi sana tumigil na siya. Pero hindi e. Nagpatuloy parin siya kahit na minsan napapahiya ko siya ng di sinasadya kada kinukulit niya ko sa harap ng mga classmates ko at ng ibang schoolmates namin. Madalas ko rin siyang sungitan pero lagi siyang nakakahanap ng dahilan para mapangiti ako.
Hindi nga nagtagal, nagustuhan ko na siya hanggang sa minahal. Sinagot ko narin siya after 2 months na panliligaw niya. Lagi niyang pinaparamdam na special ako , kahit na mag boyfriend-girlfriend na kami, parang araw araw nililigawan parin niya ko. Kaya sa tingin ko hindi ako nagkamali na bigyan siya ng chance.
At ngayon, monthsary na namin. First monthsary palang actually. Lagi nalang siya yung nag e-effort saming dalawa kaya naisipan kong this time, ako naman. Wala pa siyang text o kahit call sakin ngayong araw. Hindi ko rin pa siya nakikita so baka may surprise nanaman yun. Ganun naman siya madalas e kaya nga mas lalo ko siyang minamahal.Bago ako pumasok sa school, bumili muna ako ng cake at balloons, dala ko narin syempre yung regalo ko sa kanya, binalot ko pa para medyo surprise. Scrapbook lang naman siya, pero nandun yung mga pictures namin together at yung mga memorable dates namin. Nasabi kasi niya sakin nung nanliligaw palang siya na gusto niya ng scrapbook with our memories together kaya naisip ko na yun nalang yung ibigay na gift sa kanya. First monthsary palang namin pero feeling ko ang tagal na namin , ganun siguro talaga kapag mahal mo yung tao.
Nagtext ako sa kanya kung nasaan siya ngunit di siya nagrereply kaya nagdecide ako na pumunta nalang sa classroom nila. Wala silang teacher pagdating ko dun at mangilan ngilan na classmates niya lang ang nakita ko. Wala siya at kahit yung mga kaibigan niya. Kaya nagtanong nalang ako at sinabi nilang nasa gym siya kasama yung mga kaibigan niya. After ko magthank you sa napagtanungan ko naglakad na ako papunta sa gym.
Habang naglalakad , kung ano anong tumatakbo sa isipan ko sa kung anong meron bakit sila nandun, mahilig silang magbasketball kaya pwedeng yun yung dahilan pero hindi ko maiwasang isipin na baka may surpresa siya sakin kaya nandun sila. Dahil sa naisip ko mas lalo akong ginanahan. Medyo binilisan ko ang paglalakad ko papuntang gym. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na boyfriend ko siya. Isang hearthrob, boyfriend ng isang nobody. Ang sarap lang sa pakiramdam at nakakaproud ding isipin na, napatino ko siya. Bukod kasi sa hearthrob siya, playboy din siya tulad ng mga kaibigan niya pero alam kong hindi na ngayon, dahil simula nung niligawan niya ko wala na akong nababalitaang nalilink sa kanya.
Nandito na nga ako sa gym, pero hindi ko sila nakita. May mangilan ngilan na naglalaro pero wala sila. May lumapit sakin na isang ka-team nila sa varsity , tinanong kung hinahanap ko siya at sinabing nasa locker room daw ng gym kasama yung mga kaibigan niya. Nag thankyou lang din ako at dumiretso sa locker room. Dalawang hakbang nalang, dalawang hakbang at makakapasok na ako ng tuluyan sa loob nang narinig ko yung usapan nila.
"Pano ba yan tol? Isang buwan na kami ngayon ibig sabihin end na ng deal natin. Akin na mga pusta niyo"
Hindi..h-hindi. Nagkakamali lang ako ng dinig. Pero kahit anong tanggi ko, kilala ko ang boses niya. Shit!

YOU ARE READING
One Shot Collection
Historia CortaOne Shot Stories of mine. Some of my random thoughts that turns into one shot stories. -- This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product...