That One Word

6 0 0
                                    


--04-23-19

We we're so happy back then. We laugh like there's no tomorrow even at small things. Kuntento tayo sa relasyon na meron tayo. Pakiramdam ko nga ako na yung pinakamasayang babae sa mundo.

Not until one day, bigla ka nalang di nagparamdam.

Nung una sabi ko "baka busy ka lang" so inintindi ko.

But weeks passed, di ka parin nagrereply sa mga texts ko at chat. Hindi ko rin macontact yung number mo.

Nag aalala na ko ng sobra at the same time, napaparanoid na ako. Maraming senaryo ang pumapasok sa isip ko pero isa lang yung nangibabaw.

"Maybe you fall out of love all of the sudden" yan yung tumatakbo sa isip ko. Maybe paranoid nga talaga ako pero yun yung nararamdaman ko. And I trust my instinct.

Another week had passed , patuloy parin kitang tinetext, chinachat at tinatawagan. Pero katulad nung mga naunang mga linggo wala akong natanggap ni isang reply at di ko pa rin macontact ang number mo. Nauubusan na ko ng pag-asa, ako yung tipo na di madaling sumuko pero pakiramdam ko nung mga oras na yun suko na ko.

Hanggang isang gabi, sinubukan ulit kitang tawagan. At halos mahulog ko yung cellphone nung marinig kong nagriring yung phone mo sa kabilang linya. Magkahalong saya at kaba yung nararamdaman ko nun. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Patuloy ang pagtunog ng cellphone mo hanggang sa tumigil ito .

Nawala yung konting saya na naramdaman ko at unti unti kong nararamdaman na nangingilid na yung luha ko.

"Baka di nya lang napansin. O baka nakasilent" yan yung paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko. Nagpakawala ako ng buntong hininga bago sumubok ulit na tawagan ka.

Dobleng kaba yung nararamdaman ko nung muli kong marinig na tumunog yung linya mo. Ngunit sa pangalawang pagkakataon nabigo ulit ako. Di mo sinagot. Sampong ulit kitang tinawagan umaasam na sasagot ka. Pero wala. Maski isa wala kang sinagot.

So I guess, that's it. We're finish. Walang paliwanag o ano. Di ko alam kung anong iisipin ko pero pinilit ko paring magpakapositibo.

I typed a message for you, saying all my thank you's and sorry. Gusto ko humingi ng paliwanag sayo pero minabuti kong wag na.

After my long typing, I hit the send button at di na umasang magrereply ka. Then suddenly my phone beep. And I saw your name pop on my phone with a message saying "Sorry."

One word. But it answered all my questions in mind. We're done just like that. Sa dami ng texts, chats at tawag ko, isa lang ang sinagot mo. My message of letting you go. 

--

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now