+ Kanina ko pa siya pinagmamasdan habang patuloy niyang nilulunod ang sarili niya sa kakainom.
Mula nung dumating ako dito sa condo niya ganyan na siya, ni hindi ko makausap, tulala. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako pinapunta dito. Siguro para may makasama siya. Hays.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya para lang mabasag yung katahimikan naming dalawa.
"Mm"
Ang tanga ko rin, alam ko namang hindi sya ayos nagtanong pa ako. Kaya nga siya nag-ayang uminom eh.
"Anong nangyare? kwento ka makikinig ako"
Tahimik lang siya at hindi parin nagsasalita. Kaya tumahimik nalang din ako baka hindi pa siya handang magkwento. Nung akala ko hindi na talaga siya magkwekwento bigla nalang siyang nagsalita.
"She broke up with me last week"
Ibubuka ko sana ang bibig ko ngunit wala akong masabi. Di ko alam yung sasabihin ko. Kaya hinintay ko nalang na magsalita siya ulit.
"At first akala ko dahil lang umandar nanaman yung pagiging moody niya kaya di ko sineryoso. A..akala ko kinabukasan ayos na ulit siya. Kaso hindi eh."
[/faint sobs;
"Ayaw na raw niya. Hindi na raw siya masaya. Pota! Hindi ko maintindihan. Feeling ko napakababaw naman nung dahilan niya kasi kung.. kung yun lang kaya ko naman yung gawan ng paraan eh. P..pero hindi, kahapon ko lang nalaman na hindi pala yun yung talagang rason kung bakit siya nakipagbreak sakin. Tangina! hindi ako nagpakita sa kanya ng isang araw at plano ko lang na sundan siya ng palihim kasi sabi ko sa sarili ko baka nakukulitan na siya sakin.. pero fuck!"
Bawat salita niya, ramdam ko yung sakit. Ramdam ko na nasasaktan talaga siya. Alam ko kung gaano niya kamahal si Gel, saksi ako sa kung paano niya ito nagustuhan, niligawan at kung kelan siya sinagot.
"N..nakita ko siyang pumunta sa apartment ni Drei. Hindi lang basta pumunta, pumasok pa siya sa loob na para bang bahay niya yun. Para na akong sasabog sa galit ko nung nakita ko yun pero pinigilan ko yung sarili ko kasi sabi ko may tiwala ako sa kanya. Na baka may importante lang silang pag-uusapan kasi mag classmates sila. K..kaya kahit na kating kati ako na sundan siya sa loob hindi ko nalang ginawa at umuwi na"
Si Drei ay classmate ni Gel. Ang balita ko Varsity player nila si Drei at sikat sa school nila. Oo school nila, magkaiba ng school si Gel at Kent. Same school kami ni Kent at classmate din. Girl bestfriend din niya ako.
Parehas na sikat ang school namin at school nila Gel at parang mortal enemy when it comes to sports. Dahil sa Interhigh kaya nakilala ni Kent si Gel.
"Gustong-gusto ko siyang tanungin nun kung anong ginawa niya sa apartment ni Drei pero hindi ko ginawa kasi natatakot ako na baka lalo siyang magalit sakin.. Na baka isipin niya wala akong tiwala sa kanya.
Lex, hindi sila close eh. Ang alam ko hindi close si Gel at si Drei kaya nagtataka ako"Yun din ang alam ko, hindi close si Gel kay Drei at kung pagbabasehan yung dati, ni kahit tingin hindi ginagawa ni Drei kay Gel.
"Kaya kahapon, kahit na alam kong ayaw akong papuntahin ni Gel sa school nila pumunta parin ako. Gustong gusto ko na talaga siyang makausap, sabi ko sa sarili ko kailangan kong gumawa ng paraan para magkabalikan kami. Kaya kahit na may exam tayo kahapon, umabsent ako para lang mapuntahan siya. Swerte naman na nataunan kong wala yung guard nila kaya nakapuslit ako. Kaso nun, hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin kasi , hah! hindi ko alam kung saan yung room niya. Huling punta ko kasi dun nung nililigawan ko pa siya which is 2½ years ago na. Kaya naglakad lakad nalang ako ng walang patutunguhan hanggang sa makakita ako ng pamilyar na mukha. Yung classmates niya dati na mga nakikita ko nung nililigawan ko pa siya. Hinarang ko sila at tinanong kung alam nila kung nasaan si Gel. Alam mo ba ang sagot nila.?"
YOU ARE READING
One Shot Collection
Cerita PendekOne Shot Stories of mine. Some of my random thoughts that turns into one shot stories. -- This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product...