2

415 45 13
                                    

Ion's POV

Pagkauwi ko sa bahay, ang tahimik well wala namang bago don. pinuntahan ko so vice sa kwarto namin siya kasi naka schedule ngayon eh.

Walang tao, pinuntahan ko din yung cr wala din, lumabas ako para tignan yung garden pero wala rin. Bakit ko ba siya hinahanap pake ko sakanya.

Habang pa-pasok ako ng bahay tumawag si tita rose sakin.

On Call-

"Hello tita"

"Benigno, kung pwede sunduin mo si jose marie sa bar, Tinext ako ng mga kaibigan niya na lasing na daw siya eh di niya dala yung sasakyan niya, di siya maiihahatid ng mga kaibigan niya dahil ayaw daw sumama"

"Sige po tita, paki send lang po ng address sakin"

End Call-

Kumuha ako ng kahit anong jacket at nag madaling umalis ng bahay.

Kahit hanggang umaga siya don wala naman akong pakielam, pero sabi ni tita eh ayaw ko namang tanggihan siya.

Nang makarating ako sa bar nayon, ang tahimik ng labas.

Pa-pasok na sana ako ng harangin ako ng nag babantay.

"Excuse me sir yung entrance ticket niyo po"

"Uh-- susunduin ko lang yung asawa ko"

"Ay sir sorry po talaga dapat po kumuha kayo ng en--"

Di ko siya pinatapos sa pagsasalita ng patagong abutan ko siya ng pera.

"Sige sir pasok na po kayo"

Madali naman palang kausap.

Nang makapasok na ako sa loob ang ingay na at madami pang tao, kaya hindi ko kaagad na hanap si vice.

Siksikan yung tao dito kaya nahirapan akong hanapin siya. Nakita ko yung isang table na madaming naka upo matagal ko silang pinagmamasdan. Nang tumayo ang isa, don ko na nakita si vice.

Agad akong lumapit sakanya, kaya naagaw ko yung attention ng mga kaibigan niya.

"Mare boyfriend mo-- ata"mahinang sabi ng isa niyang kaibigan.

"Anong boyfriend, asawa ko yan oh"lasing na sabi ni vice at pinakita sa mga kaibigan niya yung wedding ring ring namin.

"Ah siya pala yon-- kala namin iba eh"saad ng isang kaibigan niya.

Iba!? so may boyfriend siya? Kahit kasal na kami.

"Umuwi na tayo"saad ko at hinawakan yung braso niya.

"Ano ba ayaw ko! masaya dito"lasing na sambit niya.

"Lasing kana-- kaya umuwi na tayo"may diin kong sabi.

"Ayaw ko nga!"

Wala akong choice, binuhat ko siya palabas ng bar, nag pupumiglas siya pero hindi siya makapumiglas ng matino dahil sa kalasingan nito.

Binaba ko siya nang sa tapat na kami ng kotse don ko na siya binaba.

"Ano bang problema mo pakielamero ka diba ang usapan walang pakielamanan!"sigaw niya sakin.

"Tumawag yung mommy mo sakin pinapasundo ka"mainahon kong sambit.

Di siya sumagot, pag lingon ko naka upo na siya sa sahig.

"Tumayo ka na jan at sumakay"saad ko at pumasok na sa loob.

Hinihintay ko siyang makapasok pero ilang minuto na ang nakalipas ay di parin ito pumapasok.

Unexpected Feelings||viceionWhere stories live. Discover now