Vice's POV
Nagising ako dahil sa ring ng phone ko.
Alarm lang pala, bat kasi nag a-alarm dito lang naman ako sa bahay.
Bumaba na ako at dumeretso sa kusina.
Habang kumukuha ako ng pagkain na nakita ko si ion na pumunta sa parking lot ng bahay namin.
As usual palagi naman siyang maagang umaalis.
Na cu-curious talaga sa mga pinanggagagawa niya.
Kahit naka pantulog pa ako sinundan ko siya.
Nag punta siya sa flower shop, di naman siya nag tagal don, bumili siya ng isang bouquet.
?.
Sinundan ko lang ulit siya.
Papuntang sementeryo na to ah!, anong gagawin niya sa sementeryo?
Nakababa na siya sa sasakyan niya, may pinuntahan siyang isang puntod, baka sa lola niya yon o lolo o family members.
Medyo tumagal din siya, at parang kinakausap niya yung puntod.
Dahil sa naiinip na din ako dito sa loob ng sasakyan bumaba na din ako at nilapitan siya.
"Sino yan?"biglang tanong ko.
Parang di naman siya nagulat.
Tinignan niya lang ako, kaya tinabihan ko siya.
Oo na chismosa ako!
"Hmmm-- girlfriend ko, anniversary kasi namin ngayon"mahinang sabi niya.
Mararamdaman mo talaga yung lungkot sa boses niya.
"A--anong nangyari?"tanong ko.
"Wala eh--nagkasakit siya hanggang sa hindi na niya kinaya"
Parang gusto ko siyang yakapin pero nahihiya ako.
Tinignan ko siya at tumutulo na ang luha niya kaya kaagad ko siyang niyakap, bahala na.
Ganon lang ang posisyon namin hanggang sa tumahan na siya.
"Lika na"aya niya.
"Bye love... Happy anniversary I love you,"saad niya bago umalis.
Parang gusto kong umiyak ba den.
Pumasok na ako sa sasakyan at umuwi. Di ko sinundan si ion.
Pagdating ko sa bahay, naligo ako kaagad.
Ang lungkot din pala ng pinagdadaanan niya, di ko naman mapapalitan yung pag mamahal ng girl niya sakanya at di din niya naman ako mamahalin katulad ng pagmamahal niya sa girl nayon.
Pag labas ko ng banyo, nandito na si ion, naka higa siya sa kama, nakatulog.
Hinayaan ko lang muna siya.