7 years later.
"Argh!" Nolan groaned at umupo sa tabi ni Theodore. "Ang bored naman, nakakawala ng gana mag trabaho." buntong hininga nito.
"Can you play some music, Theo?" tumingin siya sa kaibigan na ngayon ay busy sa paggawa ng kape. "Your wish is my command." ngiti nito at agad nilabas ang cellphone sa bulsa. May kung ano-ano pa itong pinindot bago nag play ang kanta.
We don't talk anymore,
We don't talk anymore.
We don't talk anymore, like we used to do."Wah, so good." ngiti ni Nolan. Napabuntong hininga si Blue. "Sa lahat talaga ng kanta, yan pa ang patutugtugin niyo?" tumingin siya sa mga kaibigan niya.
"Bakit? Ang ganda naman ah. Tsaka, si Charlie Puth at Selena Gomez ang kumanta niyan. That's a great song." nguso ni Nolan.
"I hate that song." inis niyang sabi at binalingan ulit ang painting niya. "Luh! Bat naman?" kunot noong tanong ni Theodore. "I remember someone on that song, that makes my blood boil." sagot niya at hinubad ang gloves na suot niya.
"Hey guys." Austin greeted as he entered the coffee shop. "Oh, you're here. Mabuti naman at maaga kang nakauwi." Nolan smiled. "Yeah, di kasi masyadong busy eh. Kaya napag isipan ko na tumulong na rin dito." Austin smiled.
Nag ring ang cellphone ni Austin kaya nilaba niya ito mula sa bulsa at sinagot. "Hello? Carter, napatawag ka?" sagot niya na agad namang tinuonan ng atensyon ng mga kaibigan niya. Ilang segundo ang nakalipas bago siya nakasagot.
"Oh, oh yeah, sige." Austin giggled. "Ingat ka." he smiled. "Bye." dagdag nito at pinatay ang tawag. "So?" taas kilay na tanong ni Nolan. "Magpapasundo daw siya mamaya sa airport. Uuwi na siya." sagot ni Austin na nakangiti.
"Oh, that's good." Theodore smiled. "Also, he wants to have dinner with us daw." Austin added. "Saan?" tanong ni Blue habang nililigpit ang mga gamit niya sa painting. "It's for him to know and for us to find out. Di niya sinabi saan eh." tawa ni Austin.
Nakauwi na galing sa trabaho si Gray ng makita niya ang ina na nasa labas ng bahay. Nakaupo ito sa biranda nila malapit sa swimming pool nila habang umiinom ng wine. At kitang kita sa mukha nito na galit ito.
He took a deep sigh before he entered the gate. Pumasok siya at naglakad patungo sa ina niya. Babatiin na sana niya ito ng nagtanong ang ina niya. "What time is it Gray?" tanong nito sa malamig na boses.
"9 P.M po." he answered. "Anong oras ang out mo sa work?" tanong nito at uminom ng wine. "5 P. M" he answered. "Then, why are you late?" tanong nito.
"Kasi po, marami akong clients ngayon. Kaya matagal akong nakauwi." sagot niya at bumuntong hininga.
"Clients ba talaga ang dahilan kung bakit late ka nakauwi o si Blue-" sagot ng ina niya but he cut her off. "Ma, I'm tired. I need to rest." sagot niya at pumasok sa loob ng bahay ng bigla nalang hinawakan ng ina niya ang braso niya. "So, it's Blue? Hmm?" taas kilay na tanong nito.
"Ma, we're now here in Korea." sagot niya at inalis ang kamay ng ina ngunit di ito binitawan. "Ganun ba? Sasagot kana sa'ken ngayon Gray? Bakit, sa tingin mo ba di ka niya susundan ke't nasa Korea kana?" tanong nito sa malamig ma boses.
"Ma, stop. I don't wanna talk about him." sagot niya. "Gray, lalaki ka. And you're not allowed to fall in love with a guy." sabi ng ina na nakapukaw sa galit niya.
"Ok, that's it. Diba yung una mong asawa bakla?" inis na sagot ni Gray. "Diba nagpaka tanga ka sa kanya kahit alam mo na, na hindi kayo talo? Diba mahal mo pa rin siya hanggang ngayon? Nagawa mo ngang tanggapin siya kahit ganun siya. Pero bakit hindi mo magawa sa sariling anak mo?" naluluhang sagot niya.
Napalaki ang mata ng ina nito na may kasabay na luha at sinampal siya. He chuckled bitterly.
" Slap me as many as you want. But, you will never change me. I hate you. " iyak niya at pumasok sa loob ng bahay.
Dumiretso ito sa silid niya at naglock na pinto tsaka doon umiyak. "I hate you." iyak niya. "Nagawa mong magpaka tanga sa iba pero sa sariling anak mo, di mo magawang tanggapin ang katotohanan?" he chuckled bitterly. "Fuck!" gigil na sigaw niya. "Ina ba kita? Ni mula noon hanngang ngayon hawak mo parin ako sa leeg! Lumaki akong walang kwenta dahil sa paguugali mo na pati paghugas ng pinggan di mo pinapagawa sa'ken! Fuck!" sigaw niya at sinuntok ang pader.
"Simula ngayon, hindi mo na ako makikita at wala ka na ring anak." bulong niya sa sarili at pinunasan ang luha niya.
Bata palang si Gray ay kontrolado na siya ng magulang niya kaya naman nagawa niyang magrebelde noong Senior High School siya.
Ng malaman ng mga magulang niya na may karelasyon siyang lalake ay binawi lahat ang meron siya. Di siya pinapalabas ng bahay ng hindi kasama ang ina, hindi siya pwedeng gumala pag kaibigan lang ang kasama niya. Lastly, ayaw nito na makipagusap siya sa mga lalaki.
He pack all of his things at lumabas ng bahay. Ng makalabas na siya ay agad siyang sumakay sa kotse niya at tumungo sa hotel at do'n naglipas ng gabi.
Alam niyang mali ang ginagawa niya ngunit ito lang ang tanging paraan upang makamit niya ang kalayaan na matagal na niyang inaasam.
Hindi na siya bata at may sarili na siyang mundo. Hindi pwede na sa buong buhay niya ay ang ina niya ang magpapasya sa lahat. Hindi na rin siya hawak nito sa leeg kaya mas maluwag ang pakiramadam niya ngunit kinakain na rin siya ng konsensiya niya.
Napailing siya. "Gray, starting today. Kailangan mo ng matuto para maging successful ka sa buhay mo okay?" ngiti niya at pinunasan ang luha.
"You need to do this since you want a better life." he smiled then wipe his tears.
"Hey, welcome back buddy." ngiting bati ni Theodore kay Carter na ngayon ay nakangiti rin habang naglalakad. "How's America?" Lincoln smiled. "Well, thanks for the welcome and America is good. But still, uuwi at uuwi pa rin ako dito sa Pilipinas, no matter what." ngiti niya.
Mas lumawak pa ang ngiti ni Carter ng makita si Austin, kaya lumapit siya dito at niyakap ito na agad namang sinagutan ng yakap. "How are you?" tanong ni Carter kay Austin dahilan ng pag ngiti ni Austin, "I'm fine." sagot nito.
"I smell something fishy." sumbat ni Blue. "Hey bud!" bati ni Carter at nagshake hands kay Blue. "How's our coffee shop?" Carter asked with a grin. "Doing fine at nagiging popular na rin siya." sagot ni Blue.
"Good, good. Pwede bang magdinner na tayo? Kanina pa'ko gutom eh." Carter giggled.
"Let's go." Lincoln smiled then sumakay sila sa kotse ni Theodore.
Masaya ulit sila ng makita ang isa't-isa. Kakauwi lang ni Carter from America dahil may inaasikaso itong negosyo do'n na minana pa nila mula sa mga angkan pa nila.
They're business in Philippines is known too. Their business is a coffee shop. Mula sa iba't-ibang bansa ang mga kape na meron sila, ang coffee shop nila ngayon ay dinadalo ng mga turista kaya naman naging kilala ito.
Business nila itong magbabarkada kaya naman maganda ang takbo ng negosyo. "Everyone's coffee" is also starting to build more branch in the Philippines kaya naman mas tinutuon nila ang kanilang mga atensyon dito.
YOU ARE READING
Siya.
FanfictionPapayag kaya ulit si Blue na iwan nalang siya ng minamahal niya, gaya ng ginawa nito dati o hahayaan nalang niya ito na maging masaya sa buhay na meron ito ngayon?