Nagising na si Austin ng maramdaman niya ang sakit sa ulo. Napakunot ang noo niya sa sakit ng ulo at napaupo ito sa kama. Hinimas niya ang ulo niya at humikab ito.
Ng idilat niya ang mata niya ay nagulat na lang siya sa nakita. Wala siya sa kwarto niya at wala rin siyang katabi. Napabangon siya at hinanap ang cellphone niya. Nakita niya ang cellphone niya sa isang study table, akma na niyang kukunin ang cellphone ng makita niya ang picture frame ng kaibigan niya.
"Carter?!" gulat niyang sabi. Nasa bahay siya ngayon ng kaibigan niyang si Carter kaya nakaramdam siya ng maluwag. Akala niya ay nakidnap na siya, agad niyang kinuha ang cellphone at lumabas ng kwarto ng nakita niya si Carter papasok sa kwarto na may dalang pagkain na nakalagay sa tray.
"Gising kana pala." Carter smiled. "O--oo haha, gising na'ko." nauutal niyang sagot dahil sa pagkagulat niya. "Are you okay?" Carter asked then gets inside the room at nilagay ang tray sa study table.
"Oo, ayos lang ako." buntong hininga niya at hinilamos ang kamay sa mukha tsaka umupo sa kama. "Nagulat lang ako ng pag gising ko wala ako sa silid ko." tawa niya. "Oh sorry. Sobrang lasing mo kasi kagabi, di kana halos makalakad at nagsusuka ka na. Di na kita hinatid sa inyo kasi baka sumuka ka pa sa kotse." Carter sat beside him.
"Kaya dito na lang kita pinatulog." ngiti nito. "But, don't worry, alam ng mama mo na nandito ka ngayon sa bahay ko. Ok?" he smiled.
"Good morning by the way." ngumiti si Carter at tumungo sa study table. "Let's eat, love." sabi nito.
Nagulat si Austin sa narinig, "Huh? Anong sabi mo?" napakunot ang noo ni Austin. "Huh?" gulat na tanong ni Carter. "Anong sinabi ko?" dagdag nito. "N-nevermind, kumain na tayo. Baka gutom lang 'to." Austin chuckled then sat beside Carter.
Alam niyang hindi mali ang narinig niya, ngunit, umakto na lang siya ng gano' n dahil di siya sure kung mahal ba talaga siya ni Carter.
Matagal na niyang nililihim ang pagmamahal na nararamdaman sa kaibigan niya, ngunit takot siya na malaman o sabihin ito sa binata dahil baka masira lang ang pagkakaibigan nila. Alam ito ni Gray ngunit wala na ito ngayon sa tabi niya para pagsabihan siya sa mga dapat niyang gawin towards Carter. Kaya napag isipan niyang itago na lang ito at maghintay sa tamang panahon na sabihin ito sa binata.
"Was the food good?" Carter asked while sipping his Americano coffee. Tumango na man si Austin. "Yeah, masarap siya. Walang kupas, magaling ka pa rin pag dating sa kusina. Ang sarap mo talaga magluto." Austin giggled na sinabayan naman ni Carter.
"Masarap din ako mag mahal." ngiti ni Carter at nagtama ang mga mata nila.
At bigla nalang may naramdamang kakaiba si Austin na nagpapa tibok ng puso niya na parang baliw. "Char." tawa ni Carter.
Napatawa si Austin sa sinabi ng kaibigan ngunit di parin nabura sa isip niya ang sinabi nito kanina. Ng magtama ang mga mata nila ay may nakita siyang kakaiba sa mga mata nito.
Tila ba may sinasabi ang mga mata nito na nagpapatibok ng puso niya at nagawang punuin ang utak niya ng mga tanong.
"Just tell me kung uuwi ka na, ihahatid kita." Carter smiled at nilagay ang pinagkainan nila sa tray at tumayo tsaka lumabas ng kwarto.
Austin sighed deeply. Hindi niya talaga maiwasan ang tukso na nangangalabit sa utak at puso niya. Dahil sa tuwing kasama niya si Carter ay gumagaan ang loob niya at nararamdaman niya na safe at espesyal siya. Kaya naman ay gano'n nalang ang pagtibok ng puso niya pag kasama ito.
Lumabas siya mula sa kwarto at hinanap si Carter, sila lang dalawa ang nasa loob ng bahay ng binata, malaki ang bahay nito at magaganda ang desenyo, makikita mo talaga kung gaano ka yaman ang nakatira dito.
YOU ARE READING
Siya.
FanfictionPapayag kaya ulit si Blue na iwan nalang siya ng minamahal niya, gaya ng ginawa nito dati o hahayaan nalang niya ito na maging masaya sa buhay na meron ito ngayon?