CHAPTER 4

274 17 0
                                    

Hikare POV






Pagkatapos ng klase sa hapon ay lumabas agad ako ng room ngunit bumungad naman sa akin ang nakatayong si Aisa sa gilid ng pintuan.





Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin.





"Hikare, sorry na. Patawad ok? Tsaka, gusto lang talaga kitang kausapin." Ani nito na ikinakilig ko naman to the bones.





"Tsaka 'y-'yong sinabi ko kanina... totoo iyon." Mahina nitong ani. Naalala ko naman ang sinabi niya kanina kaya uminit na naman ang mga pisnge ko, at dahil na naman iyon sa kaniya! Straight ako ok? Straight ako.




"Ok na 'yon. Sorry accepted, tsaka binibiro lang naman kita." Kahit hindi naman. Gusto sanang idugtong kaso 'wag nalang, cute niya eh.





...Cute?!




"Talaga? Text kita ulit mamaya ah." Ani nito. Napa-isip naman ako, baka kasi lumalim na naman ang Conversation namin at nakatulog na naman ako ng late.





Ako pa naman kapag late na matulog sa gabi ay hirap magising sa umaga.






"Hindi na pwedi." Ani ko at umiling iling pa. Nakita ko namang bumagsak ang mga balikat niya.





"Pero.." bitin kong sambit kaya lumiwanag ang mukha niya. "Pwedo mo akong itext kapag weekend dahil free naman ako tuwing gabi." Ani ko dito. Tumango naman siya.





Ano ba'to. Para 'yon lang mukhang big deal na sa kaniya at akin.





"O sige ba kung ganon." Ani nito. " libre nalang kita kung hindi kita mati-text mamaya."





"Siga basta wala akong babayaran hah." Pagpayag ko. Ako pa ba? Basta libre payag na agad ako.





"Tara na, may alam akong isawan doon banda sa kanto." Ani nito kaya naman tumango ako at sumunod na sa kaniya.





Hindi pa pala ako nakakapagpaalam kay Darya. Mag co-commute nalang ako pag-uwi.





"Nga pala, nasaan 'yong kapatid mo? Hindi mo ata siya kasama ngayon." Tanong ko ng mapansing wala si Clark.





"Ah, 'yon ba? Kasama niya ngayon si Darya. Lumabas ata silang dalawa o nagchi-chismisan na naman." Sagot niya at tumawa pa ng bahagya. Nakitawa narin ako.





"Alam mo, bagay silang dalawa. Parehong madaldal at hindi nawawalan ng topic japag nag-uusap." Natawa siya sa sinabi ko.





"Kayanga eh." Ani nito. Pagkalabas ng University ay naglakad pa kami papunta sa kabilang kanto kung saan may nagtitinda ng mga street food habang nagkukwentuhan.




Nang makarating ay bumungad sa amin ang amoy ng ibat ibang street food na mainit init pa.





"Pabili nga po ng sampung isaw." Ani si Aisa sa Tindiro bago nagbayad. Kumuha nan ako ng limang peraso ganon din siya.




"Hindi ko alam na kumakain karin pala ng mga street food." Ani ko ng maubos ang dalawang piraso ng isaw.





Tumango naman siya. "Oo naman, ang sarap kaya nito. Bakit mo natanong?"





"Eh, mukha ka kasing mayaman kaya mapaghahalataang hindi ka kumakain ng mga ganitong klase ng pagkain." Sagot ko dito.





"Hindi naman porket mayaman ay hindi na kumakain nito. Syempre iba ako 'no." Ani niy at bumili ng fishball na sampong piraso mataposaubos ang isaw.




The Moment I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon