three

743 30 0
                                    

Paula Lisa Manoban

"Mr.suarez my patience has a limit" my boss said

sinisingil niya kasi si Mr. Suarez sa pag kakautang niya sa casino na pagmamay ari nila at ewan ko kung bakit kailangan kong sumama rito

"Mr.Kim please give me one month promise babayaran kita"

nakatingin lang ako kay Mr.Suarez na nakaluhod sa harapan ng boss ko, kahit sa totoo lang naaawa ako sa lagay niya ngayon kaso wala naman akong karapatan para makielam sa issue nila, tsaka baka sakin pa ibuntong ni Boss yung galit niya

halos mapatalon ako sa gulat nang biglang hampasin ni Boss Jerry yung table sa na kaharap niya "tapos na yung palugid na binigay ko sayo! ngayon kung hindi mo ko mababayaran?"

nakita kong sinenyasan ni Boss yung kasama naming bodyguard niya at bigla akong napapikit ng makita ko siyang naglabas ng baril at pinutukan si Mr.Suarez. pwede bang sabihin niyo sakin kung ano ba talagang papel ko rito

"J-Jerry maawa ka naman magbabayad naman ako sayo i-isang buwan nalang talaga"

wala akong narinig na response na galing kay Boss kaya dinilat ko na ang mata ko, only to see na naglalakad na siya palabas pero nilingon niya ako at sinenyasan na sumunod

"kung ano man yung mga narinig o nakita mo just keep your mouth shut"

sasagot pa sana ako ng bigla akong maka rinig ng putok ng baril, and when I turn to check kung ano yon

halos manginig buong kalaman ko nang makita ko si Mr.Saurez na nakahandusay at wala ng buhay habang naliligo sa sarili niyang dugo. kailangan ko ba talagang masaksihan yung ganito

"sasakay ka o iiwan kita"

bigla akong nabalik sa ulirat ng magsalita si Boss at nagmadali akong sumakay ng sasakyan habang iniisip na tama yung mga nababalitaan ko tungkol kay Boss, na kayang kaya niyang manakit ng tao kung gugustuhin niya lalo na kung may kasalanan ito sakanya

tahimik lang byahe namin dahil wala talagang nagsasalita samin, until we reach his company pero bago pa man kami bumaba

"again just keep your mouth shut"

"y-yes Sir"

pinagbuksan kami ng bodyguard niya ng pinto, at dali-dali akong bumaba habang pilit kong inaalis sa isip ko kung ano yung mga nakita ko kanina. relax ka lang Pau

pagpasok namin sa company binati siya kaagad ng mga katrabaho ko, pero siya tahimik lang at parang walang narinig basta lang siya deretso sa opisina niya. sanay naman na kami na ganun ang ugali niya samin, kaya sumunod na lang ako sakanya at kaagad na sinimulan ang mga kailangan kong gawin

pero kahit na anong gawin ko hindi ako makapag focus, dahil bumabalik sa isip ko yung nangyari kanina. ano ka ba naman Pau focus

huminga ako ng malalim at sinubukan ulit na magfocus sa ginagawa ko, pero bigla kong napansin na nakatingin sakin si Boss na parang inoobserbahan niya ako. halata kaya na kinakabahan ako ngayon?

"b-bakit po Sir?"

"nothing"

he averted his gaze sa kung ano ang ginagawa niya kaya nanahimik nalang rin ako at pinagpatuloy ang gawain ko

halos mabingi ako sa sobrang tahimik ng opisina niya at parang gusto ko munang lumabas, pero biglang nabasag yung katahimikan namin ng bumukas ang pinto

"annyeong!"

sino siya? parang ngayon ko lang siya nakita, girlfriend kaya siya ni Sir?

"eonni what are you doing here?"

My two arrogant BossWhere stories live. Discover now