TURN PAIN INTO PURPOSE

15 6 8
                                    

Genesis 45:4-8

4 "Lumapit kayo," sabi ni Jose. Lumapit nga sila, at nagpatuloy siya ng pagsasalita, "Ako nga si Jose, ang inyong kapatid na ipinagbili ninyo sa Egipto. 5 Ngunit huwag na ninyong ikalungkot ang nangyari. Huwag ninyong sisihin ang inyong sarili sa ginawa ninyo sa akin. Ang Diyos ang nagpadala sa akin dito upang iligtas ang maraming buhay. 6 Dalawang taon pa lamang ang taggutom, limang taon pa ang darating at walang aanihin sa mga bukirin. 7 Pinauna ako rito ng Diyos upang huwag malipol ang ating lahi. 8 Kaya, hindi kayo kundi ang Diyos ang nagpadala sa akin dito. Ginawa niya akong tagapayo ng Faraon, tagapangasiwa ng kanyang sambahayan at tagapamahala ng buong Egipto."

Hindi na iba sa ating mga Kristyano ang kwento ni Jose at ng kanyang mga kapatid.

Kung paanong si Jose ay inilagay sa balon at ipinagbenta ng kanyang mga kapatid.

ALam ko na sa ating buhay, may kwentong Jose rin tayo na itinatago na hanggang ngayon itinuturing pa rin nating OUR DARKEST MEMORIES.

Yung tipong

"Kaya ako naging ganito ay dahil sa magulang ko, hindi nila ako itinrato bilang tao"

"Kaya ako naging ganito dahil sa mga bumully sa akin noon, kaya takot na takot ako ngayon'

"Kaya ako ganito kasi hindi ako pinag aral ng mga magulang ko."

"Kaya naman ako ganito dahil naghiwalay at nag away ang mga magulang ko."

"Kaya ako ganito ay dahil sinabihan nila akong bobo, inutil, t*ang*a"

"Kaya ako hindi na nag aral kasi sabi nila wala na rin naman akong mararating."

Alam ko may ilan sa ating matatamaan. May ilang hindi na magpapatuloy sa pagbabasa kasi alam nilang para sa kanila ang salita ng ating Panginoon.

Huwag kapatid, magpatuloy ka sa pagbabasa. Kasi baka ngayong, dito ka magising, at mag-iba ang takbo at pananaw mo sa buhay.

Kapatid, kung nasaan at ano ka man ngayon, kalahati nito ay bunga ng iyong mga desisyon.

Hindi ito dahil sa mga pangyayari o dahil sa mga tao sa paligid mo. Ito ay dahil sa Panginoon, dahil sa desisyon mo, at dahil sa pananaw mo.

Kaya sa ating tema ngayong gabi "TURN PAIN INTO PURPOSE"

Kung nasan ka man ngayon, ito ay dahil pinili mong maging ganyan. 

Dalawa lang yan kapatid, Pinili mong sundin ang gusting sabihin ng Panginoon, or pinili mong magbulagbulagan sa mensaheng nais ipakita sayo ng ating Panginoon.

If you choose to Listen, baka yung problema mo noon, Testimony mo ngayon. 

Pero kung pinili mong magbingibingihan, magbulagbulagan, yung problema mo noon, sinisisi mo pa rin kung bakit nandyan ka ngayon.

Be matured kapatid. Iwanan mo yung mga pangyayari o mga tao na nagiging dahilan para hindi ka maging Malaya.

Umalis ka sa isipin na nagiging dahilan para makulong ka sa nakaraan. 

Para mag grow ka kapatid, umalis ka sa dati mong pinaglalagyan. 

Lawakan mo ang paligid mo. 

 Lawakan mo ang kaisipan mo. 

Huwag kang magpakulong sa mga bagay na hindi naman makakatulong sayo. 

That's also the reason why marami pa rin ang overthinker, ang depressed. Hindi ko sinasabi ito dahil sa hindi kita naiintindihan.

Padayon Disciples SharingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon