Juan 13:7 Sumagot si Jesus, "Hindi mo nauunawaan ngayon ang ginagawa ko, ngunit mauunawaan mo rin pagkatapos."
Bilang isang mananampalataya, normal sa atin na marami tayong panalangin.
Mga panalangin para sa mundo,
Para sa mga Pastors,
para sa bansa,
para sa kapatid natin sa pananampalataya,
para sa bahay dalanginan,
para sa mga leader,
para sa mga frontliners,
para sa pamily natin,
para sa sarili natin at kung saan saan pa.
Marami tayong panalangin kasi we believe that there is God
Na nakikinig sa atin at diringgin ang ating mga panalangin.
But there are many circumstances na iniisip natin kung nakiking pa ba ang Lord.
Iniisip natin kung bakit wala pa ring katugunan ang ating mga panalangin to the point that we doubt the power of God.
Then aabot sa time na madedepressed tayo kasi wala pa ring katugugan ang ating panalangin,
Wala pa ring katugunan ang ating mga problema.
Hindi natin maitatanggi na dumarating yung time na iniisip nating kung kumikilos pa ba ang Lord?
Kasi ang tagal.
Wala pa ring nangyayari.
Marami tayong panalangin noon pa na hanggang ngayon ay wala pang kasagutan.
Marami pang pagkakataon na kasalungat ng panalangin natin yung ibinibigay ng Lord.
Mali yan kapatid, never doubt God's mercy and greatness.
Always remember that:
1. God hear you
Sa mga gabi na umiiyak tayo at nananalangin sa Panginoon...
Napapakingan niya tayo.
Sa mga araw na gigising tayo at tayo ay nananalangin, naririnig Niya tayo.
Sa mga oras na nagsusumbong tayo, hindi pa naririnig ng Panginoon ang mga salita galing sa ating mga labi, alam na nya ang lahat.
God hear us tuwing sinasabi natin ang ating mga pasasalamat,
sa tuwing humihingi tayo ng kapatawaran,
sa tuwing nananalangin tayo para sa mg bagay bagay o sa mga solusyon para sa ating problema.
Maaaring hindi ibigay ng Lord ang ating mga panalangin pero naririnig niya tayo ang always remember the answers YES, WAIT, NO.
May mga panalangin tayo na ibibigay ng Lord agad.
May mga panalangin tayo na sabi ng Lord wait lang, hindi pa ito yung tamang oras.
May mga panalangin rin tayo na ang sagot ng Lord ay no, hind yan makakabuti para sayo.
Mga kapatid, naririnig tayo ng Panaginoon sadyang sinasagot lang Niya ang ating mga panalangin sa paraan na akala natin masama para sa atin,
sa paraan na akala natin walang mangyayari.
Always remember...
2. God's Promises
Mababasa natin sa Bibliya ang mga pangako ng Panginoon para ating lahat.
Tandaan natin na pagsinabi ng Lord, sinabi niya.
Hindi siya katulad ng mga tao kung mangako.
Pag sinabi ng Lord na para sa iyo,
masaktan ka man,
mag fail ka man,
ang para sayo ay para sayo.
Hindi yun mapapalitan ng kahit na sino o ng kahit na ano.
Pag pinangakuan tayo ng Lord,
sa tamang oras,
sa tamang lugar, ibibigay niya yun.
Hindi madamot ang Lord.
Sadyang may mga bagay lang na akala natin makakabuti para sa atin kasi nabubulag tayo sa akala natin the best na,
nasisilaw tayo sa akala natin sapat na.
Dont forget na pag ang Lord ang nagbigay,
sapat na at higit pa.
Nauna mang ibigay ng Lord ang panalangin ng iba,
maghintay at magtiwala ka pa rin.
May kanya kanya tayong oras at panahon.
Kapatid, alam ko na may mga panalangin ka noon na ipinagpapasalamat mo sa Lord ngayon kasi hindi Niya ibinigay.
Kasi kung ibinigay ng Lord yun noon,
baka hindi mo nararanasan yung mas the best na blessings ngayon.
Kung ibinigay agad yun ng Lord noon,
baka hindi mo nararanasan yung kagalakan na nararanasan mo ngayon.
Kapatid, alam ko na may mga sinubukan ka noon na ipinagpasalamat mo sa Lord na nag fail ka,
kasi kung hindi ka nagfail,
baka hindi mo nararanasan yung mas magandang provision ng Lord ngayon.
Napag aralan natin last week to look pain through the perspective of purpose ang palagi natin yung iapply,
kasi sa mga panahon na akala natin hindi kumikilos ang Lord sa ating mga panalangin,
may nakahanda pala syang blessing na hindi natin inaasahan.
Blessing na magbibigay sa atin ng kagalakan.
Blessing na dadalhin tayo sa tagumpay.
Nong time ni Noah, pinagawa siya ng Lord ng Arko sa taas ng bundok.
Nong time ni Abraham, dininig ng Lord ang panalangin nilang magka-anak nong time na matanda na sila.
Nong time ni Jacob, naghintay siya ng 14 years bago niya napangasawa si Raquel.
Nong time ni Moises, pinalaya ng Lord ang mga Israelita sa Egipto sa pamamagitan ni Moises at nakarating sila sa Canaan after 40 years na sa kanilang paglalakbay ay napakaraming himalang nangyari.
Ayon nga sa Isaiah 60: 22 "When the time is right, I the Lord will make it happen."
at ayun rin sa
Habakkuk 2:3 "Keep on waiting, it will happen."
Naririnig tayo ng Lord at may mga pangako Siya sa atin.
Kailangan lang nating maghintay at magtiwala,
maaring hindi natin maintindihan ang ginagawa ng Lord ngayon, but someday, maiintindhan rin natin ito.
God bless you kapatid.
BINABASA MO ANG
Padayon Disciples Sharing
SpiritualeThis is not a story but a sharing of Word of God.This were specially made para sa mga tao na naliligaw pa rin ng landas. Kapatid this is a sign na kailangan mo ng sumurrender sa ating Panginoon. God bless you and your family kapatid