Mga kapatid naniniwala ba kayo na kayang baguhin ng Lord ang ating hinaharap?
At kaya niyang limutin lahat ng ating mga nakaraan or ang ating mga kasalanan?
Kung naniniwala kayo sa Lord mapalad ka kapatid.
Kung ganon makibasa po tayo sa aklat ng ISAIAH 43:18-19 sabi po dito ay " [18]Ito ang sabi niya: "Ilibing mo na sa limot, at huwag nang alalahanin pa, ang mga nangyari noong unang panahon. [19]Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay; ito'y nagaganap na, hindi mo pa ba makita? Gagawa ako ng isang daanan sa gitna ng disyerto, at magkakaroon ng ilog sa lugar na ito."
Malinaw na malinaw mga kapatid.
Nailibing it means kalimutan na natin lahat ng ating mga nakaraan mga kapatid
Wag na nating babalikan pa kasi mga kapatid kung ang Lord nga kinalimutan na ang ating mga nakaraan.
Kasi kapatid mahal tayo ng atinng Panginoon kaya wag mo nang balikan pa.
Marahil may mga kasalanan tayo na akala natin ay wala nang pag-asa na mapatawad pa kasi sa sobrang laki nito.
Huwag kang mag-alala kapatid kahit na gaano kalaki pa yan basta lumapit, kumapit, at magtiwala ka sa Lord, hindi na nya yan aalalananin pa.
Kahit kailan walang sinabi ang Lord na...
"Hindi kita matatanggap dahil sa mga kasalanan mo."
Walang sinabi ang Lord na ganyan.
Mga kapatid sabi nga sa Isaias 43:25 [25]"Gayunman, ako ang Diyos na nagpatawad sa iyong mga kasalanan; hindi ko na aalalahanin pa ang iyong mga kasalanan."
Sabi nga kahit pa gaano ka pa katigas basta Lord ang humipo sa puso mo lalambot ka kapatid.
Walang matigas na puso sa harap ng Lord kaya may ilang mga puntos na nais mahayag ang Lord ngayon upang mas malaman nating na nandyan ang Lord.
1. CALL ON THE LORD
Una mong gawin bago ang lahat ay ang lumapit o tumawag sa Lord.
Kapatid kung hindi ka lalapit sa Lord or tatawag sa kanya hindi ka niya pakikinggan.
Bago ka gumawa ng isang hakbang sumangguni ka muna sa Lord.
Tandaan ninyo ito mga kapatid
"Iniintay lang ng Lord na lumapit tayo sa kanya bago ka niya pakinggan kasi gusto ng Lord hayaan mo siyang makialam."
2. PURIFY YOURSELF TO THE LORD
-Sunond mong gawin kapatid ay ang magpalinis sa ating Panginoon.
Sabi nga sa 1 Juan 1:9 [9]Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.
Minsan kapatid iniintay lang ng Lord na tayo mismo ang magsabi sa kanya ng ating mga kasalanan.
Alam ng Lord ang ating mga kasalanan pero iniintay lang ni Lord na tayo mismo ang magpakumbaba sa kanya.
Kapatid hindi mo mararanasan ang tunay na pagbabago kung hindi mo ipapalinis sa Lord ang buo mong puso, buong kaluluwa, at buo mong pagkatao.
3. TRUST THE LORD WITH ALL YOUR HEART
Sabinga sa Mga Kawikaan 3:5 [5]Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, athuwag kang mananangan sa sariling karunungan.
Kailangan din nating magtiwala sa Lord na kaya niyang gawin yung mga bagay na imposible.
Mga kaptid hindi naman pwede na puro lang tayo tawag at magpalinis kailangan din nating ibigay sa Lord yung buo nating pagtitiwala sa kanya kailang 100% ang pagtitiwala sa Lord.
Walang takot, walang pag aalinlangan.
Kaya naniniwala at patuloy akong maniniwala na ang Diyos ay kayang magpatawad.
Lupait ka na kapatid sa ating Panginoon.
Padayon Disciples
BINABASA MO ANG
Padayon Disciples Sharing
DuchoweThis is not a story but a sharing of Word of God.This were specially made para sa mga tao na naliligaw pa rin ng landas. Kapatid this is a sign na kailangan mo ng sumurrender sa ating Panginoon. God bless you and your family kapatid