Chapter 11

39 3 0
                                    


Here's the chapter 11

Enjoy Reading!


---------------------------------


6:00 am 

Sobrang aga namin nagising dahil sa mga boses ng aming mga guro at ang mga studyante rin dito sa Southern Univesity. Bumangon na ako at inayos ang sarili. Paglabas ko pa lamang ng aking tent ay bumungad ka agad ang  mukha ni Sean na may hawak-hawak na styrofoam na cup na may laman na lugaw at itlog.


"Good morning, Yana!" bati ni Sean


"Walang good sa morning kung mukha mo agad ang una kong makikita." pagsusungit ko dito at umirap.


"Grabe ka naman sakin, ang sakit mo magsalita." Humawak ito sa kaniyang dibdib at umaktong nasasaktan. 


 I normally don't eat when I woke up pero dahil nandito na rin ay agad ko itong kinuha sa mga palad ni Sean at dinala sa malapit na bench at doon kinain.


"Hoy, grabe ka wala ka manlang thank you!" pagmamaktol nito. Humarap ako dito at itinaas ko ang aking kamay at iniangat ang middle finger. 


"Thank you." I mouthed then continue eating. 


Unti-unti nang sumisikat ang araw. Hindi ito yung araw na masakit at sobrang init na balat, ito yung tinatawag ng matatanda na mayroong Vitamin D. Hinayaan ko lang na madampian ng sikat ng araw ang aking katawan. Nakapikit ako habang naka-sandal sa inuupuan ko. 


Ilang minuto rin akong naka-pikit ng nawala ang nakakasilaw na liwanag na dumadampi  sa'king mukha.  Nagmulat ako ng mata at naaninag ang katawan ng isang tao. Tuluyang napamulat ang mata ko ng makita kung sino ito.


"Ruiza!?" Napatayo agad ako hindi ko na pinansin ang hawak-hawak nitong cellphone na nakatutok sa pagmumukha ko kanina. 


"I miss you, Pokpok!" saad ko at niyakap ito.


"Aray naman, Alyana! Nagugulo yung fits ko", sabi nito kaya naman lumayo ako at doon lamang napansin ang suot-suot na damit nito. It is a casual blazer partnered with trousers. It looks elegant. Bakit naman pormang-porma 'to?


"Bakit naman ganiyan ang suot mo, nandito kalang naman sa school?"


"Bakit? Inggit kana naman kasi mas maganda ako sayo. Just accept the fact na sa'ting magbabarkada, ako talaga ang pinakamaganda. I mean, kita mo naman, Dzuh." sabi nito at tumalikod sa'kin sabay nag catwalk. Doon ko lamang napansin na nandito rin pala sina Aira at Kim.  Lumapit ako sa kanila at niyakap sila isa-isa. 


Dumaan lang pala sila dito dahil nagpabili ng napkin itong si Atasha. 


"Tangina kasi niyang si Atasha, sarili niya pechay hindi inaalala." sabi ni Aira


"Mabuti nga nagka-regla ako e, mas okay na 'to kaysa yung sumisipa, 'no!" papangatwiran naman ni Atasha. 


"Naku, ilang months lang, Juntis kana 'te. Tigil-tigilan mo na 'yang pagiging maharot mo."


"Makapagsalita kayo, parang hindi ko kayo kagaya ah"


"Hindi talaga!" sabay-sabay naming sabi kaya naman nagsitawanan kami at patuloy na inasar si Atasha. 


---------------------------------


Umalis na rin sina Kim agad dahil may importante pala itong mga lakad kaya naman nanatili na lamang ako sa loob ng tent. Ilang minuto ay tinawag na kami ng aming Teachers. Magkakaroon ng palaro.


Unang laro namin ay pass the paper. Ito yung mag lalagay ka ng paper sa bibig mo at ililipat mo sa taong nasa likod mo hanggang sa maka-abot sa dulo. By section ang grupo, mabuti na lamang ay hindi ako napili sa larong ito dahil natatakot ako na baka mabitawan ko at dumampi sa kung kanino ang labi ko. Si Atasha ay natanaw ko na agad. Nasa likuran nito yung lalaking gwapo sa section nila. Agad na lamang akong napailing at alam na agad ang iniisip ng kapatid nito. 


Nag patuloy ang laro at kagaya ng inaasahan nalaglag ang papel pag dating kay Atasha at nahalikan niya ang gwapo nilang kaklase. Nag sigawan ang mga school mate ko at doon ko napansin na pati ang Southern University students ay nakikinood na rin. Nanalo ang section namin dahil competitive nga kami dahil nasa higher section.  


Pagkatapos ng larong iyon ay marami pang naganap kagaya na lamangng tug of war, pass the water na kung saan ako nasali at nabasa, mabuti na lang talaga at may dala akong extra. Nilaro din namin ang Green light, Red light at Wink Murder. Sobrang daming ganap kaya naman halos lahat ng studyante ay naka-upo at ang iba tulog sa sobrang pagod. 


Naka-upo lang ako sa tapat ng aking tent na biglang may kamay na may hawak na paper bag ang humarang sa tinignan ko. Tiningala ko kung sino ito. 


"For you." 


Agad ko itong tinanggap.


"Thank you, Denovan..." medyo nahihiya 'kong sabi. Binuksan ko ito at nakita ang Yakult na naman, isang water bottle at isang Burger. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Medyo napapatingin ang ibang students sa'min ngunit tila'y wala siyang pake at naka-tingin lamang sa malayo.


"Favorite mo ba ang, Yakult?", pagputol ko sa katahimikan. Tumingin siya sa'kin at ang mata niyang nakaka-akit ang unang  pumukaw ng aking atensyon. 


"Yeah, I always drink one yakult everyday." pagkasabi niya nito ay tumingin ulit siya sa malayo.


Napangiti naman ako sa'king sarili. At least now, I know something about you, Denovan. 


"Hey, Ms. Beautiful!", sigaw ni Patrick na nakita kong papalapit sa'min.  Tumayo ako upang batiin ito pabalik. Nagulat na lamang ako ng medyo yumakap ito sakin ngunit naramdaman ko agad ang pagbitaw nito at paglayo. Hawak-hawak ni Denovan ang likuran kwelyo nito  at natatawa naman si Patrick. 


"Sige na, Ms. Beautiful. Alis na ako, umuusok na ilong isa dya-" hindi na natapos ni Patrick ang sasabihin ng hatakin ito ni Denovan paalis. Napangiti na lamang ako at nailing-iling. Kinain ko ang pagkain na bigay ni Denovan. Madami na akong nakain na masasarap pero, ngayon lang ako ngumiti ng ganito habang kumakain. 


Walang duda, Alyana.


Inlove na ako kay Denovan. 


Fuck


-----------------------------


lovelots! <3 

Chasing The Soldier (The Pokpok Series #1)Where stories live. Discover now