Chapter 12

79 6 2
                                    


Here's the Chapter 12!


Enjoy reading!


---------------------------


It was already 7:30 pm. Nag lagay na ng campfire each sections dahil gagawin daw namin yung confession thingy. Naglagay kami dun sa lugar na walang grass kasi possible na kumalat yung apoy pag doon kami gumawa. 


Kumain muna kami ng hapunan at unti-unti na naming pinapalibutan yung apoy. Mabuti na rin to dahil sobrang lamig sa school, buti na lang at dala-dala ko yung jacket ko. Lumingon-lingon ako sa paligid then napansin ko si Atasha na naglalakad kaya naman tumayo ako para lumapit dito. Pagkalapit ko sa kan'ya ay napansin o kaagad ang hickey sa leeg nito.


"Kanino kana na naman nagpa-tattoo?" tanong ko.


Ngumisi lamang ito at bumeso sakin. 


"Kumain kana ba?" tanong nito. Medyo nanibago naman ako kasi hindi niya naman madalas tinatanong ang bagay na iyon sa'kin. 


"Oo, tapos na. Ikaw kumain kana?" 


"Ay, ako pala dapat yung kumain? Ako kasi yung kinain e." 


Binatukan ko ito at tumawa naman siya ng malakas. "Hoy! Tanginaka ha, mas matanda pa rin ako sayo. Don't ever you hands up me ha!"


Agad naman na napakunot ang noo ko sa sinabi  niya. "Anong hands up?"


"Bobo kaba o tanga? Pagbuhatan ng kamay,  Dzuh! So stupid, sis." sabi pa nito pagtapos ay tumalikod at nag hair flip. 


Naglakad na ako pabalik sa campfire namin. Umupo ulit ako kung saan ako naupo kanina. Maya-maya pa ay tumabi si Sean sa'kin na may dalang  snacks at soft drinks. Inalok ako nito ngunit tumanggi lang ako dahil busog pa naman ako kanina sa kinain ko, ni-hindi pa nga ako natutunawan.  


Inabot na sa'min ang mga illustation board at ballpen. Pinalagyan ito ng name namin sa taas upang maging basehan nila kung kaninong board yung hawak nila. 


Maya-maya ay nagdasal kami, We prayed to God to always guide us and give us strength and intelligence to survive each day. Maya-maya pa ay nagsimula na ang confession. We started from our adviser. 


"Mga anak, lahat kayo ay importante sa'kin kahit na bago lang tayo magkakakilala ay mabilis niyong napukaw ang aking loob sana ay pag-alis niyo ng paaralan natin ay tatatak ako sa mga puso niyo." nag speech na lang ang adviser namin dahil marami pa itong aasikasuhin. 


"Ma'am naman, una palang nagpapaiiyak na. Isang taon pa po ma'am bago kami grumaduate." sabi naman nitong ni Sean na may pasinghot-singhot pa. 


"Mr. Veda, 'di ko sure kung g-graduate ka." pagbibiro naman ni Ma'am.


"Trippings si Ma'am oh." sabi ni Sean habang naka-pout. 


Isip bata amp. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing The Soldier (The Pokpok Series #1)Where stories live. Discover now