Chapter 2

188 11 3
                                    

Pag mulat ko nang mata ay puting-puti ang nasa paligid ko kaya nahirapan pa akong mag mulat ng mata. 


Shit, sakit ng ulo ko. Argh.


Dahan-dahan akong bumangon habang sapo-sapo ang aking noo pag tapos ay tumingin sa paligid. Nasa Clinic pala ako. Napabuntong hininga na lamang ako at dahan-dahang nag lakad papuntang pintuan at bubuksa na sana nang may nag bukas nito.


"Hey, gising kana pala," nakangiti nitong sabi. "Yup, Patrick, right?" Tumango na lamang ito at ngiting-ngiti. Baliw ba 'to? "Oh, ayan tubig, inumin mo tsaka itong biscuit, kainin mo. Rebisco 'yan para may pa-sobra dahil special ka," natatawa nitong sabi. Agad ko namang kinuha 'yon at nag pasalamat.


So, siya yung bumuhat sa'kin? Akala ko pa naman si Denovan.


Nang maging maayos na ang pakiramdam ko ay bumalik na ako sa field.


"Ms. Delos Santos, why are you here again?" rinig kong sabi ni Denovan kaya naman nakangiti ko itong hinarap. Papa-cute lang.


"E Sir, hindi pa naman po tapos yung training diba?" nakangiti kong sabi habang siya naman ay tumagilid ang ulo at tumingin sa'kin ng seryoso. Grabe naman, ang init na nga dinadagdagan niya pa.


"We're almost done, Ms. Delos Santos, you can go now. Hindi mo kakayanin ang training." sabi niya at mabilis na tinalikuran ako upang umalis na. Hinabol ko 'to at hinawakan sa braso.


"Pero Sir, kaya ko po! Dehydration lang po kaya ako nahimatay kanina." dere-deretso kong sabi habang siya ay nakatingin lamang sa mga kamay kong nakahawak sa kanyang braso. Agad naman akong nakaramdam ng hiya kaya agad ko rin itong tinanggal.


"No, Alyana." sabi nito at umalis na.


Napatunganga na lamang ako at hindi gumalaw sa kinatatayuan ko.


Did he just call me by my name? First name basis?


Umalis na ako sa field at dumerestong comfort room upang mag palit ulit ng uniform, masyado na rin kasing madumi yung suot ko gawa sa putik at napawisan na rin kanina.


Naka-ngiti akong bumalik sa room at do'n na lang nanatili habang nag hihintay ng uwian, bawal naman kasi ako umuwi nang maaga kasi sinu-sundo kami nung sasakyan and hindi ako sanay mag-commute, dati kasi yung hindi pa boyfriend ni Mom yung bago niya ngayon e naka service naman kami, ewan ko ba.


Pumatak ang alas singko at uwian na rin sa wakas. Nag inat-inat pa ako pag katayo tsaka binitbit ang mga gamit ko, hinintay ko si Atasha na lumabas ng room nila, nandun lang ako sa hallway ngunit halos lahat ng kaklase niya ay naka-labas na kaya naman sumilip na ako at nakitang puro cleaners na lang ang natira. Akmang mag tatanong na ako sa isa sa kaklase niya namg biglang mag beep ang cellphone ko.


From: Atashangina


Hey there my pretty, beautiful, smart, Globe, TM , Sister. I'm with my friends today and yung car pala na susundo sa'tin is nasiraan so u bitter commute-commute, may buhok kana sa pechay mo 'di ka pa nag co-commute, Bye bijj, labyu ingats mwah.

Chasing The Soldier (The Pokpok Series #1)Where stories live. Discover now