1st

0 0 0
                                    


Tumakbo ako agad pagkababa ko ng tricycle sa tapat ng gate ng school namin. Nag-commute na lang ako dahil iniwanan na naman ako ng service namin. Masyadong nagmamadali ʼyong mga kapatid ko. Parang ʼdi pamilya. Akala mo naman id-drop ng school kapag na-late. Wala na akong nadatnan sa bahay namin pagkagising ko maliban sa mga trabahador namin. Ang mga magulang ko ay umalis na rin, probably went to work.

Binilisin ko maglakad habang nakayuko nang matanaw ko si Ms. Frank. Nagbabakasaling hindi niya ako mapansin.

"Miss Leal.", masungit na tawag sa akin.

"Late ka na naman.", sabi niya habang naglalakad ako palapit sa direction niya na papunta sa quadrangle kung saan ginaganap ang flag ceremony.

Tinignan ko lamang siya at ngumiti nang payak saka bumati ng magandang umaga kahit hindi naman talaga maganda dahil siya at sermon niya ang unang bungad ngayon umaga.

"Baka nakakalimutan mong honor student ka.", dugtong niya pa.

Dali-dali akong naglakad papuntang quadrangle at hindi na pinansin pa si Madam Frank. Hays, ganoon ba talaga kapag hindi binigyan ng pagkakataon na mag-karoon ng asawa. Nagiging sobrang sungit? Ganoon na ba kalungkot ang buhay niyo maʼam? Hehe.

Tapos na ang panunumpa sa watawat nang makarating ako kaya hindi ko na kailangan pang huminto sa guard house. Sa guard house kasi pinapahinto ʼyong mga nale-late at maaaring hindi makaabot sa pagkanta ng National Anthem, pagbibigay galang na rin sa watawat.

Dumiretso na lamang ako sa aming classroom sa 2nd floor ng first building since matatapos na rin naman na ang flag ceremony. Pagkaupo na pagkaupo ko sa aking upuan sa may likod malapit sa bintana ay siya namang pagdating ng isa sa mga kaklase ko. Lagi rin itong nale-late kase sa kabilang bayan pa ang bahay nila. Ewan ko ba rito at bakit sa malayo pa naisipang mag-aral.

"Late ka na naman, Sci.", pang-aasar ko sa kaniya.

"Wow! Parang ikaw hindi, ah.", sagot niya naman. Saka kami nag-tawanan.

"Natapos mo na ʼyong assignment kay Sir Math?", tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.

Tumabi siya sakin pagkatapos kaya naman inilabas ko ang aking notebook. Siyempre alam niyo na.

"Huh? Paano to naging 15?", takang tanong niya habang chinecheck ang aking sagot.

"Kumopya ka na lang, dami mo pang dada. Sikmuraan kita diyan, eh.", nanahimik naman si tanga at tinapos na ang mga bagay na nararapat niyang tapusin.

Dumating na rin ang mga kaklase namin kaya naman ay hindi na siya nakalipat sa kaniyang upuan at nanatili na lang sa aking tabi.

"Nandito ka na naman. Wala siyang sagot.", pang-aasar naman sa kaniya ng bagong dating na si Naveah, best friend ko. Alam niya kasing tumatabi lang si Sci sa akin tuwing kokopya siya.

Tumabi si Naveah sa upuan sa kaliwa ko. Bali napagitnaan nila ako ni Sci.

"Iyon ba habol ko rito, huh? ʼYon ba?", dipensa naman ni Sci.

"Sus, kunwari ka pa.", hindi pa paawat si Eyah, short for Naveah.

"Hindi naman talaga, eh...", bulong niya na alam kong hindi narinig nitong katabi ko. May kasunod pa iyong sinabi niya pero hindi ko na narinig sa sobrang hina.

Dumating na si Sir Math, oo Sir Math. Hindi kami sanay na name ng teacher namin ang ginagamit namin, instead iyong subject nila.

"Did you guys do your homework I gave to you?", tanong ni Sir.

Fifteenth | Nth SeriesWhere stories live. Discover now