CHAPTER 24

107 10 11
                                    

Madami talagang bisita. Ngayon nakaupo na kami at may mga parang waiter and waitress na nag se-serve ng mga foods sa bawat table. Nasa medyo harapan rin kami kung saan tanaw mo ang malawak na mini stage.

May isang mahabang lamesa rin sa tabi ng stage at duon nakalagay ang mga regalo, nakakahiya namang pumunta ako dito ng walang dalang regalo hindi ko rin naman alam kung anong gusto ni Zaiker.

Tumingin tingin pa ako sa paligid at napansin ang mga pamilyar na muka may mga kasama ko sa music club at ang iba ay ka school mates. Sabi kasi talaga ni Veron kanina halos lahat ng kakilala ni Zaiker ay nandito.

"Wait lang punta lang akong restroom." Tumango kami kay Ryona at sumama rin si Chescka sa kaniya.

Naiwan kami rito habang nagsisimula ng maglapag ng iba't ibang putahe ang mga waiter at waitress. Sa lawak ng buong bahay na ito kaya kasiyang kasiya ang gantong party.

Tumingin ako sa mga pagkain. Hindi ko maiwasang matakam mula sa main dish hanggang sa desserts kumpleto at mukang masasarap lahat.

"Nakakagutom." Napalingon ako kay Veron at Meli na halos nakikipag titigan na sa pagkaing nasa harapan namin.

Mas lumalakas na ang music sa paligid at mas dumarami ang mga tao. May napansin rin ako mga naka suot ng swimwear.

"Anong meron at may mga naka swimwear." Patanong ko kay Ellie dahil ang dalawa ay busy sa pag singhot sa mga pagkain.

"Dalawa ang theme ng party ni Zaiker." Uminom siya ng tubig at humarap ulit sakin. "Dito ang formal wear pero kung may baon kang pamalit pwede karing pumunta sa swimming pool." Tinuro niya ang daan ata papuntang swimming pool.

Napatango naman ako. Bumalik ang waiter at may dinagdag sa lamesa namin at waitress naman ay nag salin ng wine sa mga baso namin. Pero siyempre hindi ako iinom mapapagalitan ako ni Mama at bawal sa akin.

"Hello everyone and good evening!" Nag angat agad ang tingin ko sa stage dahil sa pagsasalita ng Emcee ata.

"Are you'll ready for this party?!" Malakas na tanong niya kaya nagsigawan ang lahat. Napansin ko rin ang mga may edad na at mukang mga business men at women ang iba ay may mga naka bantay pang guard.

May mga natatakbuhan rin papuntang swimming pool parang ginawang bar ang lugar dahil sa mga taong halos mag halikan na.

Babastos.

May mga nag akyatan sa stage mga tauhan ata may inayos silang speaker, upuan at microphones.

"Magsisimula na pala." Sambit ni Chescka dahil kababalik lang nila mula sa restroom.

Kinalabit ko si Ryona. "Ayos kana ba ngayon?" Hindi ko parin makalimutan yung muka niya na sobrang lungkot nung araw na 'yun.

"Yeah Yhonna, ok na ok na ako at kami ni Zaiker." Napatango naman ako at napangiti sa sagot niya.

"That party is will start now!" Pag aanunsyo na naman ng host.

"You can now eat Ma'am." Sambit ng waiter na nasa tabi namin halos hindi naman makamayaw sila Meli sa pag kuha ng pagkain.

Inayos ko ang damit ko at mas nilapit ang upuan hindi ko rin alam kung ano ang uunahin ko sa dami nito. Sumandok lang ako ng kaya kong ubusin masama kasi mag sayang.

"But wait let's call our celebrant Mr. Zaiker Morgan." Nahinto ako sa pag nguya at tinignan si Zaiker na pa akyat sa stage. Mas naging seryoso at gwapo siya ngayon dahil sa formal wear na suot niya ngayong gabi. Yumuko lang siya at dumeresyo sa upuang nakahanda sa gitna ng stage. Madami namang nag sigawan lalo na ang mga kababaihan.

May mga bumati lamang sa kaniya at nag akyatan sa stage. Ang iba naman ay naglalagay ng mga regalo sa mahabang mesa. Habang kami ay kumakain lamang.

"For now let's call the parents of our celebrant for their speech." Pahayag ng host kinalabit naman ako ni Chescka ay may tinatanong pero hindi ko marinig dahil sa malalakas na speakers.

"Let's all welcome Ms. Elenita Morgan and Mr. Jasper Morgan." Parang kusang gumalaw ang kamay ko at nahulog ang kutsara.

Nagtayuan ang mga balahibo sa pangalang binanggit nila.

"Hello and good evening to all of you." Panimula niya. "And Happiest birthday to my son Zaiker, be happy tonight." Ang mga boses niyang walang pinag bago nung una naming pagkikita.

Kasalukuyan akong naghahalungkat, halos buong bahay ay sobrang gulo na.

"Nasaan naba kasi 'yun." Kamot ulo kong sambit habang patuloy parin sa paghahanap ng kapares ng tsinelas ko.

Wala pa naman si Mama at lumabas sandali paano ako makakalabas eh wala nga ang isa kong tsinelas nag iisang pares nanga lang 'to. Wala rin kaming pambili.

Mag iisang oras na akong naghahanap sa tsinelas na 'yun bakit kasi ngayon pa nawala. Sinilip at kinapa ko ang ilalim ng kama baka nalusot lang pero hindi tsinelas ang nakapa ko isang maliit na box.

Agad ko iyong kinuha at binuksan malay mo nandito yung tsinelas ko, pero iba't ibang litrato at mga ano ba 'to love letter? at may mga notebook pa. Una kong kinuha ang litrato ni Mama habang may katabing lalaki. Ibabalik ko na sana ang pictures pero may nakasulat sa likod. Jasper Morgan.

Si Papa.

Nabanggit na sa akin ni Mama ang pangalan ni Papa pero hindi ko pa nakikita ang istura niya at ngayon nakita ko siya sa mga litrato.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa kinauupuan ko habang inialala ang mga bagay na 'yun. Yung una naming pagkikita at nasigawan ko siya. Yung mga panahong unti unti na siyang bumabawi sa akin. At ngayon nasa harapan ko siya.

Patuloy parin siya sa pagsasalita at ang ingay ng buong paligid namin pero ako ay pinagmamasdan lamang si Papa na yakapin si Zaiker habang kinakantahan ng happy birthday.

Ang hindi ko pa maisip na bagay ay ang taong may kaarawan ngayon ay siyang anak ng Ama ko. Ang Amang hindi ko nakasama sa pag laki ko ang taong gusto kong yakapin ngayon. Alam kong nagtataka narin ang mga muka nila Meli pero ako ito halos gusto ng lumabas ng mga luha ko habang pinag mamasdan siya. Sobrang sikip sa dibdib na sa kaarawan pa ng tunay niyang anak at pamilya ko siya muling makikita.

Sobrang blangko ng utak ko ngayon, Hindi ko lubos maisip ang buong pangyayaring ito.

Zaiker is my brother.



Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon