CHAPTER 31

107 5 10
                                    

Keijo's POV

"Yhonna!" Mabuti nalang agad ko siyang nasalo. Wtf?!

"Hey Yhonna, wake up!" Sinandal ko ang ulo niya sa mga braso ko and ow god her nose is bleeding.

What happen?!

"Help! can someone help us." Hawak hawak ko parin ang ulo niya at naramdaman ko narin ang mabagal niyang paghinga.

"Yhonna, ano ba kasing nangyari?" Alam kong hindi niya ako masasagot ngayon kaya pilit koring kinakalma ang sarili ko.

Gabi narin at walang mga tao dito. Binuhat ko siya ng maayos 'yung tiyak na hindi siya masasaktan. Buti nalang malapit ang parking lot kung nasaan ang kotse ko ngayon.

I open the back sit. At dahan dahan kong siyang nilagay duon. I fix her sit at the seatbelts. Agad narin akong sumakay at pinaandar para makarating sa pinaka malapit na hospital.

Ilang malakas na busina ang pinakawalan ko para sa mga sasakyang nasa unahan ko. Wala akong pakielam kung naka stop light basta madala ko lang si Yhonna sa hospital.

I look at her and sigh. "Hold on Yhonna, malapit na tayo." Hinamas ko ang pisnge niya.

"Help nurse!" Buhat buhat ko ang walang malay na si Yhonna hanggang sa lapitan kami ng mga nurses at inihiga agad nila si Yhonna sa hospital bed at tinulak papuntang loob.

"Where is her guardian?" Hindi nila ako hinayaang pumasok at kinausap lamang ako ng nurse kung ano ang nangyari.

"I will call her Mom later, but please nurse tell me what's going on?" Piniga piga ko ang daliri ko dahil sa kaba.

"Titignan pa po namin ang kalagayan ng pasyente Sir. Sa ngayon po patawag nalang po ng mga magulang niya." Tumango ako at kinuha mula sa aking bulsa ang aking cellphone.

Wala akong number ni Tita, how can i call her?

Napasabunot nalang ako sa aking buhok at lumabas ng hospital. Hindi ko siya matatawagan kaya ako nalang ang pupunta.

Agad naman akong nakarating sa bahay nila. Kinatok ko ang gate dahil mukang tulog na ang tao dito. Tinignan korin ang oras mula sa aking relo. It's almost ten pm.

"Sandali lang." Narinig ko ang antok na boses ni Tita.

"Oh ijo, anong ginagawa mo dito? gabi na ah." Agad niyang bungad pagbukas ng gate.

"T-Tita." I don't know how to tell her what just happened.

"May problema ba? si Yhonna ba ang hanap mo? baka natutulog na 'yun sa kwarto niya." Napalunok naman ako.

"Tita... si Yhonna po kasi..nasa h-hospital." Mabagal na sabi ko nakita ko ang pag-aalala sa muka ni Tita.

"Hospital?! bakit ano bang nangyari? dapat nakauwi na siya bakit nasa hospital ang anak ko ngayon?!" Kahit gusto kong ipaliwanag lahat hindi ko alam kung paano sisimulan.

"P-Puntahan po natin." Inalalayan ko si Tita makapasok sa kotse ko. Kitang kita ang pag aalala sa muka niya at panginginig ng kamay kagaya ng naramdaman ko kanina.

"Nasaan po ang anak ko?!" Kapapasok lang namin sa hospital. Lumapit ako sa nurse na kumausap sa akin kanina para sabihin na dala ko na ang magulang ni Yhonna.

"Dito po, kalilipat lang po niya sa ICU." Ganun nalang ang kinataka ng muka ko. ICU?! for god sake. Akala ko simpleng pag kahimatay lang bakit nasa ICU siya?!

"Jusko po, wag naman sana ngayon." Inalalayan ko umupo si Tita. Mas nanginginig na siya ngayon.

"Magiging maayos po ang lahat Tita." Pag papagaan ko sa loob n'ya. Pero ako itong kanina pa kinakabahan.

"Ano po bang nangyayari kay Yhonna, I thought it's just a simple sick. Pero nasa ICU na siya ngayon." Kahit na alam kong hindi ko dapat muna 'yun tinanong dahil ganito ang sitwasyon. Pero hindi ko maiwasang hindi alamin ang dahilan.

"S-Si Yhonna...may—" Hindi natuloy ni Tita ang sinasabi niya dahil sa paglabas ng doctor.

"Kayo po ba ang magulang ng pasyente?" Bungad na tanong niya.

"O-Opo kamusta po ang anak ko? nasaan na po siya?" Nag aalalang tanong ni Tita kaya hinawakan ko ang braso niya.

"You're daughter's life is in danger. We need to take her operation soon as possible." Lalong lumakas ang tibok ng puso ko.

"Anong o-operation Doc? anong nangyayari?" Alalang tanong ko habang si Tita ay mas lumakas ang pag iyak.

"Leukemia is not just a simple type of  cancer." Parang tumigil ang buong paligid sa sinabi ng doctor.

"L-Leukemia?" Pag uulit ko dahil hindi pa ma proseso ng utak ko ito.

"She have leukemia and it's stage 3." Tinawag ng ibang nurse si Doc kaya iniwan niya muna kami.

Nanatili akong nakatayo habang si Tita ay naupo muna habang mas lumalakas ang pag iyak niya.

She have leukemia?

---

Yhonna POV

Sumasakit ang buong katawan ko, mula sa ulo hanggang sa paa. Hindi ko rin magalaw ang mga kamay at paa ko.

Anong nangyari at nasaan ako.

"Kelan po ba ang operasyon na kailangan ng anak ko?" Narinig ko ang pamilyar na boses mula kay Mama. Gusto ko siyang makita at mayakap. May pasok rin ako ngayon pero ni hindi ko madilat ang mga mata ko.

"Mas maganda po kung mapapaaga but I'm telling you Mrs. hindi po natin tiyak kung makakaya ng anak niyo." May nag uusap malapit sa akin pero hindi ko sila makita dahil nanatiiling naka pikit ang mga mata ko.

"Magkano po ang lahat lahat?" Narinig ko ang boses ng isang lalaki.

"Malaki ang kailangang halaga, pero kailangan po muna natin humanap ng donor para sa kaniya. Yung ka match po sama niya para mas maging maayos ang operasyon." Mga salitang narinig ko. Kaya unti unting pumasok sa isip ko ang mga pang yayari.

Simula duon sa paglabas ko mula sa kainan, pagtawag sa akin ni Keijo at nawala na sa aking isipan ang sunod na nangyari.

"M-Ma.." Ramdam ko ang pag kamalat ng boses ko na parang uhaw na uhaw. Pinilit kong idilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang ilaw mula sa kisame.

Itinaas ko ang kamay kong may mga nakasaksak na aparato at ang suot kong hospital gown.

"Yhonna...Anak." Rinig kong sambit ni Mama at agad niyang hinalikan ang nuo ko.

"M-Ma ano pong nangyari. B-Bakit nasa hospital na naman ako." May panginginig ang mga boses ko.

"N-Nak..mag pa opera kana. Ayaw ni Mama na mas mahirapan ka." Nakita ko ang pamumula ng mga mata ni Mama na parang kagagaling lang sa pa iyak.

"A-Ayaw ko nu'n Ma." Ilang beses akong umiling.

"Yhonna. You need too." Nag angat ang tingin ko sa lalaking nakita ko bago mangyari ang lahat.

"K-Keijo...ayaw ko. Wala narin namang pag asang gagaling ako. W-Wag na." Pagpupumilit ko.

"I will help you Yhonna, please." Nakita ko ang pag aalala sa mga muka niya.

"You don't need too, I'm dying."

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon