CHAPTER 20

120 12 8
                                    

Tahimik lamang ang byahe namin, magpupumilit panga sana ako pero baka abutin ako ng bukas kapag hindi pa ako pumayag magpahatid kay Zaiker.

Sinabi ko na sa kaniya kanina ang address namin, at sinabi kong sa kanto nalang ako ibaba. Nag aalala ako sa sasabihin ni Mama kagagaling ko lang sa hospital tapos gabi pa ako nakauwi.

"D-Diyan nalang ako sa kanto." Inayos ko ang pagkakahawak ko sa bag.

"Are you sure?" Tango nalang ang nasagot ko.

"I can go with you there." Turo niya sa loob ng eskenita.

"Ah..hindi na kaya ko na Salamat sa paghatid." Agad akong bumaba sa sasakyan niya.

"Wait Yhonna." Napahinto ako at lumingon sa kaniya.

"Are you free on Sunday?" Agad namang kumunot ang nuo ko.

"Bakit?" Takang tanong ko.

Kumamot siya sa batok niya at hinarap ako. "That's my birthday, can i invite you?"

Tama ba narinig ko? maglilinis na talaga ako ng tainga.

"A-Ako?" Tanong ko pa.

"Yes? May iba paba akong kausap ngayon?" Pwede bang murahin to, eh sa nagtaka lang naman ako. Antipatiko.

"Susubukan ko...magpapaalam muna ako kay Mama." Humina ang boses ko.

"Sure, But I want you there." Turan niya bago pumasok sa sasakyan niya at umalis.

---

Kinabukasan hindi ko na naabutan si Mama maaga kasing umalis papuntang palengke. Kagabi naman hindi naman ako napagalitan kasi tulog na siya.

"I want you there."

Ewan ko pero naloloka ako kanina pang umaga tumatakbo sa isip ang sinabi ni Zaiker. Aaminin ko gwapo, mayaman, matalino si Zaiker pero yung pakikipag ugnayan niya sa mga tao ibang iba.

Siguro nga tama sila Ryona na kaya siya ganun kasi may problema rin siya katulad ko. May kamuka talaga siya hindi ko lang maalala lalo na ang surname niyang familiar sakin parang nabasa ko na kung saan.

Ngayon mag isa akong kumakain at naghahanda na pumasok. Uminom rin ako ng vitamins mahirap na baka himatayin ako ng wala sa oras isa pa dahil bilin to ni Doc mas pili nalang ang gagawin, kakain, at iba pa para makaiwas sa pag lala ng kalusugan ko.

Para akong nakakulong sa maliit na pasilyo na konting galaw ko lang masusugatan ako kaya kailangan ko mag ingat.

Pagtapos ko magbihis kinuha ko na ang bag ko at lumabas na para mag abang ng masasakyan.

Hindi na kami sabay ni Meli dahil nauna na ata itong pumasok. Dumaan ako sa bahay nila pero sabi ng Mama niya wala na raw nauna na.

---

"Ay sorry." Naglalakad ako sa corridor ng nabunggo ako ni Keijo.

"Yhonna good morning pupunta kaba kay Ryona ngayon?" Inayos ko ang hawak sa bag ko at tumango.

Hinahanap ko narin kasi sila Ryona baka magkakasama na sila ngayon.

"Pwede mo ba tong iabot?" May kinuha siya sa bag niyang libro. "Nakalimutan niya kasi sa kotse kanina, hindi ko na maabot dahil pupunta na akong court." Kinuha ko ang libro sa kamay niya.

"Oo sige ako na magaabot pupuntahan ko naman sila." Lumawak ang ngiti niya sakin.

"Sige salamat una na ako." Hinawakan pa niya ang balikat ko at tumakbo na.

Magkaibigan daw sila dati ni Zaiker pero nasira? ibang iba siya kay Zaiker hindi naman sa pagkukumpara pero mas gusto ko ang ugali ni Keijo. Iilan palang din kasi ang nakakasalamuha ko simula nung napasok ako sa university na 'to.

Hinihingal na ako kakahanap kila Ryona at ayun nanga tama ako nandito sila sa field habang may nakalatag na kumot.

"Good... morning." Hinihingal na sambit ko.

"Good morning Yhonna!" Energetic na sambit ni Chescka.

"Ryona." Agad akong umupo sa tabi ni Ryona pero mukang hindi ako narinig dahil nakatulala lamang ito at malalim ang iniisip.

Habang si Ellie ay nag re-review ata at sila Chescka at Meli ay nagtatawanan lamang.

"Ryona." Kinalabit ko siya kaya nagulat siyang tumingin sakin. "Pinapaabot ng kuya mo nakalimutan mo raw sa kotse. May problema ba tulala ka kasi." Agad naman niyang kinuha ang libro sa kamay ko.

"Broken kasi." Nabaling ang tingin ko kay Ellie dahil sa sinabi niya.

Napatingin rin sila Meli sa amin. "Broken bakit?" Takang tanong ko.

"I..I confess my feelings for him." Mahina niyang tinuran at yumuko.

Ayan confess pa kasi. Joke.

"Bakit ka kasi nag confess tara shot puno." Hinampas agad ni Ellie si Melissa dahil sa sinabi nito. Habang si Cheska ay nagpipigil ng tawa.

"Gusto ko lang..naman aminin yung nararamdaman ko kahit na walang kasiguraduhan na magugustuhan niya ako pabalik. Gusto ko lang aminin kahit na masakit yung kapalit, atlease naamin ko para maalis rin yung tinik na nakabara dito sa puso ko." Turan niya at pekeng tumawa.

Sa teenage life ko, hindi ko pa nararanasan magkagusto kung crush crush lang pwede pa pero yung mahal mo na tapos aamin mo hindi ko pa nagagawa. Puro pag aaral lang ang inatupag ko dati kaya siguro talagang masakit sa part ni Ryona yun.

"I told you Ryona, I feel you. Don't love a person so much dahil sa huli ikaw at ikaw ang masasaktan dahil nga walang kasiguraduhan na magugustuhan ka pabalik." Napaupo ng ayos si Ellie pagtapos niya sabihin yun.

"But I'm happy that you confess your feelings for him." Dagdag pa niya.

Hinamas himas ko ang likod ni Ryona. "Alam mo mas mabuting mahalin mo muna yung sarili mo kesa ang ibang tao." Mahina akong tumawa. "Kasi sa huli sarili mo lang ang makakasama mo." Katulad ko. Gusto ko pang humaba yung buhay ko gusto ko pa matupad yung mga pangarap ko, pero alam ko suko na ako kaunting panahon na lamang ang itatagal ko dito.

"Hindi ako magaling sa mga love advance at kung ano ano but Ryona learn how to love yourself before others." Sambit ko pa.

---

Nakaraos na kami ng mga class, next week magkakaroon ng long test at madagdagan ang mga projects kaya kailangan naming mag review. Friday ngayon pagtapos ng break deresyo na ako sa music club para sa practice.

Hindi ko pa nakikita sila Ryona pagtapos ng nangyari basta sabi niya ayos na raw siya kaya wag na kami mag alala.

Naglalakad na ako papuntang music club hindi na ako hinatid ni Meli dahil dadaanan pa siyang Library para mag review at pupuntang journalism para sa practice.

Nilobot ko ang mata ko sa loob ng music club pero wala akong nakitang Ryona.

"Jacob, wala ba si Ryona dito?" Lumapit si Jacob sakin at umiling.

"Nag paalam siya kanina na hindi muna siya makakapunta dahil masama ang pakiramdam niya." Sagot niya at humalik sa pag aayos ng speakers.

Tss, sabi na hindi yun pupunta e.

"Are you feeling ok now?" Nagulat ako dahil sa pagsasalita ni Zaiker na nasa likod ko na pala.

"Si Ryona...gusto ka niya diba." Hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Yes. She confess her feelings for me but." Hinihintay ko ang sunod niyang sasabihin.
"She's like my little sister that's it. And I like someone else. Makahulugang sambit niya.

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon