KANLUNGAN : 2

2 0 0
                                    

5 years later...

"REEISE! REEISE! SAN KAAA!?" Malakas at halos nakakabinging sigaw ni Jin.

"Ano?" Bungad ko sakaniya nang tumambad siya sa harapan ng pinto ng kuwarto ko, naka scarlet-colored dress ito, ternong terno sa buhok niyang kulay pula. "Bakit ngayon ka lang?" Inilapag ko ang libro sa study table ko tsaka tinanggal ang salaming ginagamit pambasa bago tumayo at lumapit sakaniya.

"Oh ito na! 'Wag mo nga akong tignan ng ganyan, hindi ako pinayagan ni Madam Malou mag off agad kaya napatagal, tsaka ang hirap kaya hanapin nyang librong pinapahanap mo!"

Inabot niya saakin ang may kakapalang librong pinapabili ko sakaniya. Tinapik ko ang balikat niya tsaka siya nilagpasan.

"Oh sige na, salamat, Justin. Magbihis kana dyan bago sumunod sa baba, iiinit ko yung bulalo kaninang tanghali, yun nalang rin ang ulam natin ha?" Saad ko habang naglalakad papunta sa kusina.

"Mmm!" Tugon nito.

Matapos ang halos isang oras mahigit ay lumabas na ng kwarto si Jin, may tuwalya pang nakabalot sa buhok niya at may suot na bathrobe, naligo siya. Naghain na ako para makakain kami.

"Ikaw nagluto nito? Medyo maalat." Si Jin.

Sa hugis bilog na mesa ay magkaharap kaming kumakain.

"Mabuti nga may nakakain ka pa!" Pagdedepensa ko.

Tinugon niya lang ako sa pamamagitan ng pagtawa. Itinuloy namin ang pagkain ng sabay, habang nag aasaran at pinag uusapan ang nangyare ngayong araw.

Sa limang taon naming pagkakaibigan ay parehas kaming nakapagtapos ng kolehiyo, naging public school teacher ako at sya naman ay bartender sa isang sikat na bar.

Nang pareho kaming makapagtapos ay napagdesisyunan naming tumira sa iisang bubong, para na din may makasama si Jin, parehong patay na ang mga kamag anak nito kaya't nag iisa nalang siyang namumuhay.

Sa loob ng limang taon ay hindi nya ako iniwan. Hindi niya hinayaang mag-isa ako, hindi niya hinahayaang malungkot ako. Kasama ko siya sa bawat parte ng buhay ko kung saan may luha at ngiti. Siya ang pinakaiingatan kong kaibigan.

Nagtungo na ako sa kuwarto matapos ayusin ang mga kagamitan sa kusina, nauna na roon si Justin.

"Oh? Hindi ka pa matutulog?" Saad ni Jin nang mapansing hindi ako nag tungo sa kama, bagkus ay kinuha ko ang librong kani'y binabasa ko at itinuloy iyon.

Tinutuyo niya ang buhok gamit ang hair dryer. Tumabi ako sa kaniya, dalawa ang upuan sa dapat ng mahabang salamin kung saan mayroong magkaibang dalawang upuan. Ang unang upuan ay naglalaman ng mga make up at ang pangalawa naman ay ang study table, tambak ito ng mga libro.

"Mamaya na, nagrereview ako para bukas, may examination. Ikaw?" Sagot ko. Hindi ko siya nililingon dahil ang paningin ko ay nasa libro.

"Ano ba yan, Reeise. Matulog ka na doon, check mo nalang sa libro kung saan ka nako-confuse." Saad nito. Malakas lamang akong bumuntong hininga.

Hindi ko gustong ang mga estudyante ko lang ang nagpupuyat tuwing nag rereview.

Napansin kong tumayo siya kaya palihim ko siyang tinignan. Nasa tapat siya ng pinto. Tinanggal niya ang pagkakatali ng bathrobe nya bago padausdusin ito mula sa balikat hanggang sa braso at tuluyan itong nahubad, nakasoot siya ng spaghetti strap at maiksing maong shorts.

Napalunok ako bago iiwas ang tingin sakaniya at ibinaling ito sa libro.

Napalunok ulit ako nang biglang lumitaw sa isipan ko ang kinis at puti ng balat ni Jin.

Isinara ko na ang libro at nagtungo sa kama ko at pumahiga doon. Nakahiga ako patagilid, nakaharap Kay Jin na ngayon ay inaayos na ang tutulugan niya sa sahig. Mayroong kutson sa baba ng kama ko na kapag hinihila ay maaring tulugan, doon siya natutulog. I'm the one who made a rule called no sleeping together, ginawa ko iyon dahil naiilang ako tuwing masyado kaming malapit sa isa't isa. May mga oras din namang hindi dahil sa lahat ng tao sa mundo, sakaniya ako pinaka-komportable.

"Anong tinitingin tingin mo dyan? Gusto mo tabi tayo?" Tinaas baba niya ang kilay nya. Nakahiga na siya ngayon sa kutson sa baba ng kama ko, covered with black and white soft blanket na hanggang baywang niya lang.

"Hindi, ano ka ba." Tumalikod ako sakaniya at pumikit na. "Good night."

-

"Oh kamusta exam?" Tanong ni Jin. Prenteng naka-upo sa sofa at nanonood habang kumakain pa ng chips.

Kararating ko lang sa bahay namin.

"Medyo nakakapagod, pero keri pa naman, parte naman yun ng pagtratrabaho kaya.." nagkibit balikat pa ako. "Aga mo ata ngayon?" Tanong ko naman.

Tumabi ako sakaniya sa pagkakaupo at nakikuha na rin ng chips na nasa babasaging lalagyan na nakapatong sa lap niya.

"Babalik ako doon mamayang gabi, biglang binago schedule ko eh. Alam mo na, nakakahumaling ang ganda ko kaya nilipat ang shift ko sa gabi kasi mas maraming customers." Sumubo ito.

Naka-apat na movie pa kami bago siya tawagan dahil shift niya na kaya tatawa tawa akong pinapanood siyang magkandaugaga sa pag hahanap ng black boots niya dahil yun daw ang nababagay sa dress niya. Naka alis naman siya ng payapa at iniwan akong mag isang nanonood nang movie.

Nahiga ako sa sofa at may napansing matigas na bagay sa may parteng ulo ko. Umupo ako at hinalungkat ang bagay na yun.

Nanlaki ang mata ko ng makita kung ano iyon.

P.T iyon na may nakalagay na dalawang pulang guhit na ang ibig sabihin ay positive sa pagbubuntis ang gumamit nito.

Dalawa lang kami sa bahay, hindi akin ito, kung ganun ay kay Justin ito! Hindi rin malabong mabuntis siya dahil sa bar siya nagtratrabaho.

Hindi ako makapaniwala!

Bigla kong naalala na bago ako pumasok ay may isiniksik siya dito at mukhang gulat na gulat siya. Hindi ko na pinansin yun dahil baka nagulat lang rin siya sa pagdating ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KanlunganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon