Isang mundo na walang nakakaalam na posibleng maging totoo, ay nadiskubre ng isang normal na tao. Na nadiskubre ko. Sa lahat ba naman kasi ng tao sa mundong ito bakit ang isang katulad ko pa?
Madami naman d'yang mga matatalino, malakas, at mas responsible saakin. Ako pa talaga na isa lamang na maliit lang ang kaalaman, mahina, iyakin, at higit sa lahat, kinagagalitan ng madaming tao.
Yung iba nga e hindi ko naman kilala pero parang ang laki ng kasalanan ko sakanila. Pero, hindi naman ako ganun katanga para hindi malaman ang rason nila sa PAGGAMIT saakin. Dahil mukha akong nerd-kahit na bobo ako- at mukhang madaling gamit gamiting katulong lang nila. Tsk..
Hi, ako nga pala si Avyanna Kallistê. Wala akong apelyido dahil iniwan lang daw ako ng mga magulang ko sa airport, nakita lang ako ng dalawang mag-asawang matatanda. Wala silang anak kaya sobrang saya nila ng makita nila ako at ipasok sa pamilya nila.
Hindi rin nagtagal ay namatay sila kaya naiwan saakin ang kayamanan nila. Madaming nagalit saakin sa pamilya nila-namin, dahil nga hindi pa kadugo nila ang pinag iwanan ng mga kayamanan ng pamilyang Lauryez.
Ang pamilyang Lauryez ay kilala sa kanilang dugo, madaming nakakaalam na ang dugo nila ay mula sa isang makapangyarihan na mandirigma noong matagal na panahon, hanggang ngayon ay dumadaloy pa din sa dugo nila ang kagalingan sa paglaban at pagcontrol ng mga naïve na tao. Kagaya ko noon.
Hindi totoo ang mga akala ng mga tao sa pagkatao ng Lauryez. Hindi nila alam na hawak ng Lauryez ang leeg nila, na ngayon ay nasa sila ng Lauryez. Ang akala nilang mabait, matulongin at mga bayani, ang sya palang magdadala ng kahirapan ng kataohan.
Pero, wala naman na akong pake alam kung ano ang mangyayari p magiging susunod na hakbang ng pamilyang Lauryez. Wala na akong koniksyon sa pamilyang Lauryez. Binigay ko din sakanila ang kalahati ng kayamanan para hindi na nila ako pake alaman. Buti nalang at mukhang pera ang mga yun....
Pero, nung nakita daw nila ako ay may nakasabit sa aking leeg na kwentas. May isang maliit na bag din daw ang naiwan sa aking tabi.
Doon nagsimula ang lahat. Sinuot ko yung kwentas nung namatay sina nai-nai, pero mukhang hindi ito normal na kwentas. May kapangyarihan yung iligtas ako kapag may manakit saakin at magsimula akong matahimik.
Sa loob ng bag, may tatlong libro, dalawang parang wrist-watch pero iba, at isang piraso ng kumikinang na kulay pulang hikaw. Sana naman iniwan na din saakin yung kapareha nun..
"5 kinds of apocalypse" yun yung title nung librong iniwan saakin ng magulang ko. Nalaman ko din na yung relo ay isang gadget na makakapagview o parang maliit na power point.
Pero and nakakapagtataka ay madami pa palang volumes and "5 kinds of apocalypse" nasa relong 'to yung 4-827 volumes.
Nung una ay wala naman talaga akong planong basahin yun pero dahil wala naman akong masyadong ginagawa at medyo boring na rin naman ang mga nagyayari saakin. Sinimulan kong basahin yung novel, na sana ay hindi ko nalang ginawa.
Baka pamilyar kayo sa "Omniscient Reader". Isa yung webtoon kung saan ang lalaking si dok-ja ang nakakaalam ng mga susunod na mangyayari sa mga nagaganap na kasakiman sa mundo nila. Sya lang ang nakatapos ng buong novel kaya sya lang ang nakakaalam kung paano at ano ang magiging kataposan ng kwento.
Maaaring ganun din ang nagyari saakin pero may pinagkaiba nga lang. Syempre magkaiba ang storya, dahil imbes na coins, at mga strengths ang ibibigay o dapat ipalit. Dugo ang kaylangan mong ibigay, pwede kang pumatay at pwede mong kuliktahin ang mga dugong nakuha mo pambayad.
Para naman sa mga abilities or powers, pwede kang bumili ng iyong mga taga pag protekta gamit ang sarili mong dugo. Kaya dapat mag ingat dahil malay mo, baka yung mismo mong taga protekta ang syang tatapos ng buhay mo.
Pero, kung babalik tayo sa mga nangyari saakin. Oo, may isang lalaking pwedeng makapagligtas saakin sa mga protectors. Ang problema lang ay, hindi dugo ang kaylangan para makuha sya. Isang specific task ang ibibigay sayo na kaylangan mong matapos.
Base sa story, may tatlong lalaki ang kukuha ng task na yun para makuha si "azu" pero wala sakanila ang nakalabas ng buhay... hindi, wala sakanila ang nakalabas.
Natatakot ako, oo. Pero, mas matatakot akong makita ang buong katutuhanan, na ganito naman na sadya tayong mga tao simula pa nung una. MAKASARILI.
Kinuha ko yung task. Nagdalawang isip pa yung mga judge dahil daw sa isa akong babae pero wala akong pinansin ne isa sakanila... Teka!! WALA NAMANG MAY SABI SAAKIN NA 'SYA' MISMO ANG KAKALABANIN KO?!!?
_______________________________________
To be continued~
BINABASA MO ANG
A Reader and a Main Characters Fight
FantasyA Fantasy Book that my mom gave me came to life after i finished reading all of it. Katulad sya ng nangyari sa Omniscient Reader pero may mga pinagkaiba nga lang. A book named "5 kids of Apocalypse" May isang tao ang pwedeng makapagligtas saakin per...