Chapter One : Son

13 2 0
                                    

1999, August 06, 4; 35pm

Kalie's pov. (Avya's Mom)

"Ma'am, here's your baby..." saad saakin ng isang nurse at dahan dahang itinabi saakin ang bata...

Hmm.. She looks.. weak.

"Anong gusto mong ipangalan sakanya, ate?" Tanong saakin ng kapatid ko na nasa tabi ko lang.

"She's beautiful, yet fragile. Avyanna, as beauty, Kallistê, from my name. Avyanna Kallistê, yun ang pangalan nya." Saad ko at nginitian ang natutulog kong anak.

"She's eyes looks like 'his', change her eye color, Kayle."

"Ha? Pero bakit? Itatago mo ba ang anak nyo ni za-" hindi ko na sya pinatapos. Ayokong marinig ang pangalan ng lalaking umiwan saamin.

"Kayle, dapat walang makakaalam na anak namin si Avya. Ayokong may mangyaring masama sa anak ko, kaya please, bagohin mo ang kulay ng mga mata nya." Pagmamakaawa ko sa kapatid ko.

"Sige, gagawin ko. Pero once na mahawakan sya ni Jabryer, babalik ang kulay ng mata nya at doon din lalabas ang tunay nyang pagkatao." Saad nya kaya tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

She's right. Jabryer is Dangerous..

Dahan dahan nyang nilagay ang palad nya sa noo ng anak ko, hindi nagtagal ay kinuha na nya uyon at ngumiti saakin.

Dahan dahang dumilat ang anak ko at dahan dahan 'ring nagbabago yung kulay ng mata nya, naging kulay itim na yun at hindi na pula.

2002, December 27, 2; 34am

Kayle's pov.

Binabantayan ko lang si Avya na matulog ng biglang pumasok si Celine at mukhang hingal na hingal sya at nagmamadali.

"C-celine! Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang saad ni Ate kay Celine at dahan dahan itong pinaupo...

"Ma'am, k-kaylangan nyo na pong umalis dito! Narinig ko kanina na papunta na dito ang tatay ni Avya para kuhanin sya!" Hinihingal nyang saad na nagpagulat saamin.

Ang Hari ba...?

"Anong ibig mong sabihin, Celine? Paano naman nya malalaman na nandito tayo?" Nagugulohan kong tanong sakanya.

"May isang katulong ang nagsabi sakanya, Kay'. Kaylangan nyo ng umalis, malapit na silang dumating!" Saad pa nya..

"Kayle, ikaw na ang magtago kay Avya sa malayo. Ako na ang bahala dito." Saad saakin ni ate pero madali akong umiling.

"Paano kayo?!" Natataranta kong tanong..

Walang hiyang katulong yun, magpakita lang talaga sya saakin..

"Wag kang mag-alala, may plinano na ako kung mangyari man yung ganitong sitwasyon. Hindi naman alam ni Avyo na babae ang anak 'namin' kayan lalaki ang ibibigay ko sakanya." Saad nito at nginitian ako..

Tss, that smile again..

Tumango nalang ako at kinuha na si Avya may dinala na din akong mga gamit kung magkataong magkahiwalay kami.

Teleportation ang kapangyarihan ko habang ang kay ate naman ay manipulation. Umalis na kami ni Avya dahil mukhang nanjan na nga sila.

Medyo hindi ko pa macontrol yung teleportation ko kaya naman napadpad kami sa Airport.

Hindi ko alam na may mga nagbabantay na din pala doon. Nagulat nalang ako ng may dalawang lalaki ang humawak sa braso ko.

Sinilip muna nila ang mukha ko at saka nagsalita, "Ikaw nga, sige kunin sila." Saad nung isa.

Kumawala ako at ibinaba muna si Avya kasama yung bag dahil mukhang natutulog pa din sya.

Aataki nanaman sana sila pero hinawakan ko silang lahat at ginamit yung teleportation para mailayo ko sila kay Avya. Sana okay lang si Avya hanggang sa pagbalik ko.

Pinaghihiwalay ko sila sa malalayong lugar kahit na medyo natagalan dahil masyado silang palaban. Ng matapos yun ay dali dali akong bumalik sa Airport.

Nagulat nalang ako ng wala na doon si Avya.

Kalie's pov. Nakarinig kami ng mga yapak sa di kalayuan, alam kong sina Ayvo na yun kasama ang mga alagad nya.

Buti nalang talaga at pumayag si Ayzo na magpanggap dahil wala naman na din syang mga magulang at para na din kay Avya.

"Where's my child?" Saad ni Ayvo pagkapasok na pagkapasok sa kwarto.

Dali dali naman syang napatingin kay Ayzo at 'saka sumilip saakin, tumango nalang ako at nagpilit ng ngiti.

"Son," lumapit sya kay Ayzo at lumuhod para mapantayan ito.

"A-ako po si Ayzo.." ngumiti lang naman si Ayvo sakanya.

"Starting from now on, sa palasyo ko na kayo tutuloy." Saad pa nya at kinarga si Ayzo palabas..

Nakahinga naman kami ni Celine ng maluwag ng tuloyan na silang makalabas ng kwarto.

"May balita na ba tungkol kay Kayle?" Nag-aalala kong tanong.

"Wag po kayong mag-alala, babalik din si Kayle maya maya para ipaalam sayo kung nasaan si Avya." Saad saakin ni Celine.

Nagtungo na kami sa labas at sumunod na kina Ayvo patungo sa palasyo nya.

"My Son." Rinig kong saad ni Ayvo bago sila sumakay ni Ayzo sa kabayo.

Ayzo.. masyado ng madami ang natulong ng pamilya mo saakin. Pangako, mababayaran ko din yun.. ililigtas kita sa kasakiman ni Ayvo.

Patawarin mo sana ako, Avya. Aking anak.

_______________________________________

To be continued~

A Reader and a Main Characters FightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon