SECOND CHANCE?
written by: Hadlee_Zircon
IT WAS the typical rainy day, and Erich was drowning himself with work. It's not like he wanted to be that busy, nagkataon lang talaga na sunod-sunod ang tambak ng gawain sa kanya.
He was a writer, a streamer, and a social media manager of a famous publishing house. Honestly, wala naman talaga sa orihinal niyang plano ang pagiging streamer kaya lang ay sa dami ng kailangan niyang bayaran sa dorm eh tila ba'y bumukas ang langit at sinabing chance na niyang kumita ng malaking halaga sa pagi-stream.
"Oh, Erich, kaya pa ba?" tanong sa kanya ng roommate niyang si Angela. Isa naman itong call center agent na nang dahil sa pandemic ay na-work from home na lang din at pinagkakitaan ang online selling.
Ngumiti naman siya sa babae. "Kayang-kaya pa. Bawal namang sumuko eh, diba?" Rinig sa tono ng pananalita ni Erich ang pagod pero pananatiling positibo ang tingin sa mundo.
Doon naman namamangha si Angela. "Ikaw na talaga. Hirap na hirap sa paghahanap ng pera pero mukha ka pa ring masayahin."
Hindi naman na siya umimik at nanatili na lang nakangiti habang inaasikaso ang schedules ng activities sa buwan na ito sa pub house na pinagta-trabahuan niya.
Buong atensyon ni Erich ang nasa ginagawa kaya lang naputol iyon nang tumunog ang phone niya. Saglit siyang napatitig doon saka huminga nang malalim. Nawala ang ngiting iniingatan niya, buti na lang at lumabas na si Angela.
Anong kailangan mo? Hindi maiwasang tanungin ni Erich habang nakatitig sa caller ID. Namatay na ang tawag ngunit muli itong tumawag. Muling napahinga nang malalim si Erich bago iyon binuga at inabot ang cellphone at pinindot ang answer.
Hindi nagsalita si Erich, at hindi rin naman umiimik ang nasa kabilang linya. Ang tanging naririnig niya ay ang paghinga nito. Ilang saglit niya pang hinintay ang pagsasalita nito pero wala talaga kaya naman pinatay niya ang tawag.
Baka napindot niya lang, Erich. Bakit ka naman niya tatawagan? 'Wag mo nang guluhin ang isip mo. Hayaan mo na siya. Bitawan mo na siya... tulad ng pagbitaw niya sayo noon.
Isang butil ng luha ang nahulog mula sa mata niya. Tatlong buwan na. Tatlong buwan na silang hiwalay kaya dapat ay kalimutan na niya ito.
Kung gusto mo na nga siyang kalimutan, bakit hindi mo pa binubura ang numero niya? Bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa rin tinatapon ang mga larawan niyong magkasama? Erich naman eh!
Napabuga siya ng hangin saka pilit na inaalis ang alaala sa isip. Wala siyang oras para rito. Maraming siyang bagay na mas dapat pagtuunan ng pansin. He should be focusing on his jobs, not on some nonsense sh*ts.
Huminga siyang muli bago nagpatuloy sa ginagawa. Buong hapon ay iyon ang ginawa ni Erich. Nakatutok lang ang mga mata niya't daliri sa computer niya. Pagsapit kasi ng alas siyete ay kailangan na niyang kumain ng hapunan. Magsisimula kasi ng eight-thirty ang stream niya sa trabaho at ten PM naman ang sarili niyang stream.
Minsan nga ay dahil sa sobrang pagiging busy ay nakakaligtaan na ni Erich ang pagsusulat kaya naman ay mas lalo lang siyang nai-stress pero ayaw niya naman isipin iyon dahil mas lalo lang siyang mawawala sa mood sna gumawa ng mga trabaho niya.
Marami. Iyan ang salitang magde-describe sa araw-araw niyang gawain. Kaya naman gustong-gustong hilingin ni Erich sa Panginoon na 'wag siya nitong dagdagan pa ng isipin. To be exact, 'wag na sanang ibalik ni Lord ang nakaraan dahil matagal na iyong tapos at ayaw niyang mas lalo pang ma-stress sa buhay.
"Hi, guys! Kumusta naman ang lahat? Nakabili na ba kayo ng libro? Kung hindi pa ay bakit hindi?" Tumawa naman siya kasabay ng pagpindot sa music effects niyang tawa. "Ayan, so ano nga ba ang ganap natin ngayon? Syempre ano pa ba? Edi aakitin ko kayong bumili nang bumili ng libro namin." Muli niyang pinatunog ang laugh effects.
YOU ARE READING
Varieties Of Love (BL ANTHOLOGY)
General FictionThis anthology is a book specifically tackles about varities of love that depicts about human feelings, sacrifices, and unconditional and eternal love. Come on in and dive into their magical world.