WHERE DO BROKEN HEARTS GO?
written by: AnndeniableBeauty
WHERE DO BROKEN HEARTS GO?
"Is it better to have had a good thing and lost it or never to have had it?" -Statistical Probability of love at first sight (J Smith)
Valentine's of 20**, I decided to step out of Metro Manila. Kahit once man lang I need to be elsewhere, walang stress, walang makakakilala sa'kin, tho andyan pa rin yung sakit na dala dala ko dito sa fragile heart ko.
Calea, Lacson Street- Dun nagsimula lahat. Intense yung downpour ng ulan dito, valentines pa naman sana. Pero okay lang, mamimiss ko rin yung ganito. Anyway, so ayun ako, naghihintay ng order ko then may pumasok na guy, basang basa sa ulan, kawawa naman to talagang sinuyod talaga ang ulan basta't makapunta lang dito. Masarap naman talaga yung cakes dito kase I've been here din a lot of times. Balik sa kanya, parang may hinahanap itong si oh-so wet guy. Parang natawa ako sa kanya, siguro hindi siya sinipot ng date niya. Tsk naloko.
I noticed na may dalang white roses itong si rainy guy, sayang naman ng effort nito kung hindi man lang siya sisiputin. Hindi masyado kalakihan yung pastry shop kaya wala ng seats na vacant maliban sa isa na nasa table ko. Ikot pa rin siya ng ikot pero mistulang hindi niya mahanap yung date niya. Nilapitan siya ng guard siguro pinapalabas na. Kawawa naman to, ewan pero parang may tumutulak sa akin na sabihan yung guard na ako yung kadate niya pero kusa siyang lumabas. Naawa na talaga ako kase sobrang lakas ng ulan sa labas. Hay sino kaya yung ka date nito?
Biglang nag ring phone ko
"Ah Ma?"
"Nathan, diba I told you na huwag kang basta bastang aalis, alam mo na"
"Ma I'm fine, kaya ko na'to. Everything's going to be okay, trust me on this"
"Alagaan mo sarili mo diyan Nathan, please anak ingatan mo"
"Ma, alam ko, iingatan ko, bye Ma. Love you"
"Keep safe ha? Mahal na mahal kita Nathan anak, bye"
Si Mama talaga, inaalala yung puso ko. Ako nga hindi ko na lang pinapansin kase pag maaalala ko malulungkot lang ako. Kaya nga ako umalis para makalimutan kahit minsan man lang yung trahedyang kasalukuyang bumabalot at tumataga sa puso ko. For once gusto kung maranasang mabuhay ng normal, pero epal talaga tong pusong ito tsk.
Hindi parin maalis sa isip ko yung si rainy guy, asan na kaya yun. Pagkatapos kong kumain umalis na agad ako. Buti na lang pinahiram ako ng payong ng staff kaya ayun hindi ako mababasa. Lumabas na ako, ang hirap namang humanap ng taxi parang may laman lahat at umuulan pa. Kawawa naman ang valentine's dito, kinontra ng ulan.
Nagpalakad lakad ako ng kunti, parang feel na feel ko talaga yung moment. Tapos biglang
"Hoy! Magpapakamatay ka ba!"
Natigilan ako, sino kaya yung sinigawan. Tinuon ko ang atensyon ko sa daan.
"Where did all those white roses come from?" narinig ko sa mga taong tila nag uusisa
"I feel pity for that guy, kawawa naman siya"
Ano tong mga naririnig ko? Kaya ayun lumapit ako dun sa actual scene. Tapos, HALA! SIYA YUNG GUY KANINA! Naka scatter yung mga rose sa daan pero hindi naman napaano itong si rainy guy. Umuulan pa rin.
"Hoy! Kung balak mong magpakamaty huwag mo akong idamay! Wala akong paki kung nag break man kayo ng girlfriend mo o hindi ka sinipot ng date mo! Tabi" sigaw ng driver, nasa tapat ng kotse si rainy guy. Ako naman itong good samaritan, nilapitan ko siya at pinayungan.
YOU ARE READING
Varieties Of Love (BL ANTHOLOGY)
General FictionThis anthology is a book specifically tackles about varities of love that depicts about human feelings, sacrifices, and unconditional and eternal love. Come on in and dive into their magical world.