Prologue

3 0 0
                                    

PROLOGUE

BAKIT NAMAN kasi sa dinami dami ng building dito sa BGC eh talagang dito pa ko napadpad? Mesa matapobre ang Receptionist na akala mo naman siya may ari ng building na'to.

Habang hawak hawak ko ang lahat ng mga printed resume ko ay tinahak ko na palabas ang malaking building na pinasukan ko para lang naman mag apply.

Masama bang sumagot sa Receptionist nang tama at may katwiran? Hay naku kung andito lang ang boyfriend ko naka tikim na yung babaeng yun.

Nakalabas na ko at inaayos pa din ang envelope para ipasok lahat ng resume ko nang bigla akong napasigaw.

"Hala!" Sabi ko nang malakas dahil may nabangga akong lalake naka business attire, nag siliparan lahat ng printed resume ko at ako naman itong si pulot agad. "Sorry sir, I'm sorry po." Hingi ko ng paumanhin habang pinupulot lahat ng nahulog sa sahig na mga papel.

Nakita ko naman sa peripheral view ko na pinulot ni kuya mong naka business attire ang nasa harapan niyang resume ko. Nang mapulot ko lahat ng iyon tsaka ako lumapit para sana hingin ang resume ko.

"Why are you in a hurry?" Tanong nito sa akin na nakatingin sa resume ko. "Oh I see you're applying for a Customer Service Representative." Tumango tango ako sa kaniya.

"Opo sana sir kaso yung malditang Receptionist nitong building eh akala mo siya may ari ng buong building na 'to pinaalis ba naman ako." Explain ko na medyo may inis kasi naman nakakahawa ang pag simangot nung babaeng yun, mawawala ang buong araw ko sa mood.

"As I see here Miss 'Salles, for now the company doesn't have a BPO partner but if you'd like a competent position you can apply as an Assistant Secretary." Nagulat ako sa sinabi niya dahil alam niya last name ko at nagulat ako sa offer.

Napakamot kamot ako sa ulo ko, nang ma realize ko na nabasa nga pala niya ang resume ko andun ang full name ko, at hindi naman Assistant Secretary ina-applyan ko kundi CSR agent.

"Ah Sir wala pa po akong Job Experience as an Assistant Secretary kaya po CSR muna ang inaapply ko." nakangiwi kung sabi sa kaniya. Nginitian lang ako ni kuya mo naka business Attire.

"That's okay, follow me inside the building. I'll offer you job in my office." Sabi nito professionally, nag pantig ang dalawa kung tenga at napangiti, ngunit nawala ang ngiti ko nang dire-diretsyo si Sir sa building na nilabasan ko.

Hindi na ko nakapag salita kasi nasa loob na siya may kasama pa siyang dalawang guard na sinabayan ako papasok sa entrance at nag bow sakin para mauna na ko sa kanila.

Hala ano ito?

"Good morning Mister President Ortega." Dinig kung sabi nang dalawang tao sa Receptionist ngunit nang makita ako ng mga to ay nag taas ng kamay ang babaeng nakasagutan ko.

"Guard please escort this Woman outside, she's not in her right place." Natakot naman ako sa sinabi nito ngunit nag taas ng kamay si Sir Ortega.

"Wag mong uutusan ang guard ko na palabasin ang kasama ko sa harap ko pa mismo, because she's not just a Woman, she's your superior." Maotoridad nitong sabi na kinaurong ng dila ng babaeng front desk. "She is Miss Ruth Salles my Assistant Secretary. So all of you in here in this building also respects her presence. Intiendes?!" Nagulantang ang babae sa sinabing iyon at nag bow saamin.

"Wait, what? Ako Assistant Secretary agad? Hala wala pang interview! Wala pang job offer!? Hire agad ako!? Wala akong idea sa position na 'to" bulong ko sa sarili ko making myself anxious about this. Pati ako napapa ingles nang wala sa oras.

"Miss Salles sundan mo ko, let's go to the floor na maari mong pasukan." Anyaya ni Sir Ortega na tinanguan ko na lang.

Am I day dreaming or what? Kinurot ko ang sarili ko sa pisnge at ang sakit nun.

"Jusko Lord ito na ba? Change of my Life na ba ito?" Bulong ko sa sarili at inaantay na lang ang reyalidad na sumampal saking muka.

"OMG Ruth!" impit kung tili sa sarili

....

Change of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon