Chapter 1

2 0 0
                                    

Chapter 1

"HUY ATE!" Nawala sa pagkakatulala si Ruth nang gisingin siya sa realidad ng kaniyang kapatid na lalake.

"Bakit?" Taka niyang tanong rito. Nakatitig ang kapatid niya sa kaniya tsaka siya nginitian.

"Tulala ka nanaman diyan 'te. Almusal na daw sa baba sabi ni Mama." Sabi nito na inaaya na siya para mag almusal. Napa iring siya, akala naman niya kasi kung ano.

"Sige na Clyde bababa ako, bumaba ka na dun at mag almusal." Ani Ruth sa boses na mahinhin. Tinanguan na siya ng kapatid niya at iniwang nakaawang nang kaonti ang pinto ng kwarto niya.

Tumayo na sa pagkakaupo sa higaan si Ruth at inayos ang kaniyang higaan. Nang maayos ay nag palit ng damit si Ruth at nag tali lang ng buhok.

Habang pababa sa unang palapag na ipinahiram na bahay sa kanila ng kamag anak, naabutan niya ang kaniyang Mama na kausap ang Tito nito na asawa ng Kapatid ng Mama niya.

"Ano kaya ang pinag uusapan ng dalawang to?" Bulong niya sa sarili nang makababa siya at ang dalawa niyang lalaking kapatid ay nasa hapag kainan na't nag sasalo sa almusal na sinangag at corn beef.

Pasalamat na lang talaga at may kinikita sa pag o-online selling niya ng mga damit.

"Te kain na po." May galang na aya sa kaniya ng dalawang kapatid. Si Clyde and pangalawa sa kanila at si Frank ang bunso. Tinanguan niya lang ang dalawa at naupo na sa hapag.

"Nadinig niyo ba kung ano ang pinag uusapan ni Mama at ni Tito?" Mahinang tanong niya sa dalawa. Nag tinginan naman silang dalawang lalake na kinataas ng kilay ni Ruth.

Bumulong naman si Clyde parating sa kaniya.

"Parang pinapaalis na ata tayo dito, binibigyan tayo palugit niyang asawa ni Tita Tessa nang two months daw para makahanap pa tayo ng lilipatan." Ani nito na ala chismosong kapit bahay, natawa naman si Ruth ng bahagya at pabulong din na tumugon.

"Akala mo naman talaga napapaalis tayo agad agad." Ani ni Ruth at sabay sabay na silang nag sitawanan habang nag sasalo salo.

Nakita naman ni Ruth na nag paalam na ang Tito Jorge nila sa kanilang Mama. Nang makitang naka layo layo na ang Tito nila ay siyang banat nang tanong niya sa kaniyang Ina.

"Ano pinunta niya dito 'Ma?" Pa curious niyang tanong sa kaniyang Ina. Nang makaupo ito paharap sa hapag ay napahawak ito sa noo.

"Pinapaalis na tayo dito kasi dito daw titira ang magulang nung asawa ng tita niyo. Luluwas daw dito sa susunod na dalawang buwan." May pangamba sa tono ng kanilang Nanay. Napataas ang kilay ni Ruth at bumulalas.

"Ayun lang mapapaalis pala talaga tayo." Sarkastiko at may iritadong linya ni Ruth. Di man lang ata kinausap ni Tita Tessa ang asawa nitong mayabang.

"San kaya tayo pwedeng lumipat kung wala naman tayong pang upa, pinatira lang tayo dito ng Tita Tessa mo dahil wala namang umuupa rito dahil may mga gamit pa sila." Nangangamba nitong tanong kay Ruth.

Nangamot ng ulo si Ruth, "Hindi ko alam ma, alam mo namang five months na kung walang trabaho and Online selling lang ang alam kung raket." Ani Ruth na naiirita sa sitwasyon.

Nakita naman niyang nag iisip isip ang kaniyang Ina ng paraan. Napalingon siya sa kaniyang dalwang kapatid. College pa lang si Clyde at Senior Highschool si Frank, kaya pati siya ay napaisip.

Bakit naman kasi nag resign siya sa pag tatawag? Oo nga't maganda ang kinikita, kaso wala naman siyang maayos na tulog sa pag ko Call Center niya.

Sa limang buwan na pag papahinga nang kaniyang sarili eh nakatulong naman sa pang araw araw nila ang pag o-online selling, mga pre-loved na damit niya nung nag ta trabaho pa siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Change of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon