03: Chloe

73 8 1
                                    

03

bakit nga ba present tuwing biyernes ang munggo?



//


Under extreme pressure and mga ulam sa menu. Para kasi silang nasa elimination round ng isang contest, kung saan ako ang judge at ang mananalo ay magiging ulam ko ngayong tanghali.



Napansin ko ang isang ulam sa menu. Munggo. Ang ulam na sumisimbolo sa araw ng Biyernes. Kapag ang ulam ay munggo, today is Friday. Pwede rin itong gamitin sa pagsagot ng tanong. Halimbawa ay tinanong ako ng kaibigan ko kung anong day of the week ngayon, at ang isasagot ko naman ay, "munggo ang ulam namin." Maiintindihan n'ya na agad na Friday ngayon. Tuwing Biyernes lang present ang munggo rito kaya idinagdag ko na rin sa pagpipilian ko.



Menudo, Chicken Adobo o Munggo?



At ang nanalo?



Munggo.



Masyado kasing maraming patatas iyong menudo, masyado namang mamantika iyong adobo. Kaya munggo. Munggo ang nanalo. Na-realize ko rin kasi na kailangan ko palang kumain ng masustansiya, kahit medyo labag sa kalooban.



Nang matanggap ang order, pumuwesto ako sa isang bakanteng lamesa. Medyo maraming tao sa karinderya ni Aling Carol, tanghaliang tapat kasi. Madalas ay dito nananghalian ang mga estudyante ng St. Therese Academy, at isa na ako roon. Mahal kasi ang ang mga paninda sa loob ng school. Mala-ginto ang presyo.



"Ba't ka may dalang chicharon?" medyo malakas ang volume na pagkakasabi ng nasa kabilang table kaya napatingin ako roon. Bigla tuloy akong na-inggit. Mas masarap sana kung may kasamang chicharon iyong ginisang munggo.



Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at hinanap ang pangalan ni Peter sa contacts.


Nandito na ako kila Aling Carol. Ngayon natin gagawin yung activity sa Philo diba?


May usapan kami kahapon. Tanghali, sa Karinderya ni Aling Carol, gagawin namin ang sa activity namin sa Philo kung saan magka-partner kami.



Pero hindi ako sigurado kung naalala ba n'ya ang usapan namin o ako lang ang nakaalala dahil ako rin ang may gusto nito. Gusto ko s'yang makasama, gusto ko s'yang makasabay kumain, gusto ko s'yang makausap nang matagal, at gusto ko siya.



"Ate, p'wede bang maki-table?" sabi ng isang babae, sa pagkaka-alam ko ay STEM student s'ya base sa ID lace n'ya.



"May kasama po--"



Napahinto ako sa pagsasalita nang dumating sa eksena ang kaklase kong si Dylan. "Ovia, mag-usap naman tayo, please?" panunuyo n'ya. Pero hindi nagpatinag si Ovia, hindi s'ya pinansin nito. Napatingin naman sa akin si Dylan kaya awkward naman akong napangiti. Ano ba 'tong mga nasasaksihan ko?



Sa kabila ng pagsusuyuan ng dalawang 'to sa harapan ko, nangibabaw ang tunog ng notification sa cellphone ko. Agad ko naman iyong tinignan, sabay ang isang maikling panalangin na sana si Peter na iyon.


At hindi nga ako nagkakamali.



Papunta na ako.


Tila ba saglit na tumigil ang mundo ko sa tatlong salita niyang reply. Pag-angat ko ng tingin ay wala na sina Ovia at Dylan.

 

Habang nag-aantay sa pagdating ni Peter, sinuklay ko muna ang buhok ko gamit ang mga daliri. Ano pa ba? Ayos na kaya 'to? Hindi ako nakapagdala ng pulbos!



"Chloe," halos tumalon ang puso ko nang marinig kong tawagin niya ang pangalan ko.



"Uy, Peter. Sorry nauna na akong umorder. Late ko na rin naalala na may usapan nga pala tayo."



At isa iyong kasinungalingan. Ayaw ko lang magmukha na hinihintay ko talaga s'ya.



"Ayos lang. Hindi rin naman ako oorder. Iaabot ko lang 'to. Ginawa ko na kagabi 'yung part ko."



Dismayado kong tinanggap ang isang brown envelope sa kan'ya, at nanghihinayang na pinanood s'yang umalis.



Iyon na 'yon?



Mukhang masarap mag-merienda ng hopiang munggo mamaya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

uuwi sa walaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon