25

20 3 0
                                    

- Alexandra Point Of View.

"Alex Tara, kakausapin na natin si Dad." Saad ni Alexander, pagkapasok ng kwarto ko. Tumango na lang ako. Tumayo naman ako at pumasok sa banyo.

Naghilamos lang ako atsaka bumaba pero wala dito yung dalawa. Tumaas ulit ako at kumatok sa kwarto ni Ate Drea.

Binuksan niya naman ito at pumasok ako. "Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ko, tsaka umupo sa higaan ni Ate.

"Kung anong sasabihin natin kay Dad." Saad ni Ate Drea, tumango naman ako. "So?" Tanong ko, naghihintay ng isasagot nila saakin.

"Straightforward ba o gagawa ng conversation muna?" Tanong ni Alexander, ano bang maganda? Kinakabahan kasi ako eh.

"Straightforward?" Saad ni Ate, tumingin naman ako sakanila. "Bakit?" Tanong ko, tumayo naman ito.

"Look mas madali kung sasabihin natin agad kay Dad. Magalit man siya wala na tayong pake! I want to leave this Hell!" Sigaw ni Ate, tumingin naman ako kay Alexander.

Ang mga mata Niya ay nagtatanong. Parang ganito "Ano? Sabihin na natin agad?" Ganon. Tumango na lang ako. "Alright! Tara na." Saad ni Alexander, tumayo ako atsaka lumabas.

Sinundan ko na lang si Alexander, papunta Siya sa room ni Dad. Nang makadating kami doon, kumatok si Alexander.

"Come in!" Sigaw ni Dad, binuksan ito ni Alexander at pumasok kaming tatlong magkakapatid.

"Why?" Tanong ni Dad, umupo naman ako sa chair. "May sasabihin lang kami Dad." Saad ni Ate Drea, tumango na lang si Dad.

"Go on." Saad ni Dad, huminga muna ng malalim si Xander bago magsalita. "Dad can you stop controlling us?" Tanong ni Xander, sumama naman ang mukha ni Dad.

"No. Give me a reason to stop controlling you three." Tanong ni Dad, I sighed. Hindi siya makikinig. "Can you somewhat consider our feelings? Hindi ba kami pwedeng sumaya?" Tanong ko ng kalmado, tumingin naman silang tatlo saakin.

"Hindi ba kami pwedeng makipag-date sa iba? Unless... ikaw ang pipili. Hindi ba pwedeng kami yung pumili nang kaligayahan namin? Nang hindi ka kumokontrol? Anak mo ba kami?" Tanong ko.

Nanatili lang akong nakatingin sakanya. "Let's have a deal. Hindi ko kayo kokontrolin unless... pag dating ng Monday, ipapakilala niyo saakin ang girlfriend o boyfriend niyo. Pag wala kayong naiharap tuloy ang pagkontrol."

Nice. Madali na 'to. Tumayo naman ako at tumango. "Deal."

𝐟𝐥𝐢𝐫𝐭 , 𝒄𝒉𝒐𝒊 𝒚𝒆𝒐𝒏𝒋𝒖𝒏 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon