Gitara 02

264 65 37
                                    

Simula no'ng araw na 'yon, bihira na niya akong lapitan at asarin. Nakapagtataka nga pero hinayaan ko na lang. Sa isip ko pa'y mas mabuti na 'yon kaysa sa nagbabangayan kami araw-araw.

May mga pagkakataong nasasagi namin ang isa't isa pero pinipili na lang naming umiwas. Sinabi ko pa sa aking sarili na baka dininig na talaga ni Lord ang panalangin kong tantanan na niya ako at huwag nang guguluhin pa kahit kailan. Ito na yata ang sensyales na 'yon.

Akala ko panghabambuhay ko nang nanamnamin ang inner peace na matagal ko ng inaasam pero hindi pa rin pala. Nagkaroon kami ng project sa isang subject kung saan kailangan naming mag-role play.

At kapag minamalas nga naman, magkagrupo na naman kaming dalawa. Hindi na yata siya mawawala sa buhay ko. Daig pa niya ang mighty bond glue. Ultimo sa mga ganitong activity, ayaw kaming paghiwalayin.

Pansin kong hindi siya masyadong nakikinig sa leader namin na kanina pa nagsasalita kung ano ang gagawin. Tahimik lang siya sa sulok habang abala sa dino-drawing niyang anime sa likod ng notebook.

Maya-maya ay lumipat siya ng upuan at doon pinagpatuloy ang ginagawa niya. No'ng una, hindi ako sanay na mga kinikilos niya pero nakasanayan ko na lang sa paglipas ng mga araw.

Ang dating aso't pusa sa klase dati ay tila hindi na kilala ang isa't isa ngayon. Pakiramdam ko tuloy isa akong ibon na nakalaya sa hawla noong mga sandaling iyon.

Totoong nakamit ko ang inner peace na matagal ko ng inaasam. Apat na taon din 'yon. Akala ko nga wala na itong katapusan pero meron din pala.

Pero may isang parte sa buhay ko ang nagbago simula nang mag-lie low siya. Parang bumalik siya sa dati katulad noong elementary kami. Papasok siyang tahimik at lalabas nang tahimik tuwing uwian. Ganoon lagi ang set up niya.

Pati nga mga kaklase namin ay nanibago rin sa kaniya. Hindi ko magawang itanong sa kaniya kung ano ang dahilan pero hinayaan ko na lang. Pabor na pabor nga iyon sa akin kung tutuusin.

Bigla kong naisip 'yong araw na nasugatan ang kamay niya. Baka iyon ang dahilan kung bakit niya ako iniiwasan.

Iyon ba talaga? Parang ang babaw naman, komento ko sa aking isipan.

Sa kakaisip kong 'yon ay hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ni Mrs. Sevelleno para mag-recite. 

"Mamaya mo na isipin si Axel, Lia. May oras pa naman kayong makapag-usap mamayang uwian." Namilog ang aking mga mata nang marinig 'yon.

Sinakyan pa ng mga kaklase ko ang hirit ni Ma'am kaya mas lalo tuloy akong nakaramdam ng hiya. Normal na akin na inaasar kami ng mga subject teacher namin sa isa't isa dahil alam nilang mortal kaming magkaaway pero ngayong araw lang ako pinagpawisan ng malamig.

Ramdam ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi. Noong mapatingin ako kay Axel, seryoso lang ang mukha niya at tila hindi niya nagustuhan ang narinig. Naiintriga tuloy ako sa ginagawa niyang pagpapa-misteryoso. Biglaan naman kasi ang ginawa niyang pagpapalit ng anyo. 

Bakit mo naman ginawang aswang si Axel, Lia?  pagkausap ko sa aking sarili.

Pagkatapos ng klase ay nilapitan ako ni Jasper. Nagulat naman ako ro'n dahil bago iyon sa kaniya. Close lang kami sa text pero hindi kami masyadong nag-uusap sa personal. Ganoon naman lagi, 'di ba? Madaldal tayo sa text pero 'pag sa personal, madalas tayong inaataki ng hiya.

Biglang sumagi sa isip ko ang huling text na pinadala niya sa akin kagabi. Alam ng mga kaibigan ko na matagal na akong may gusto sa kaniya. Kaya no'ng araw na dinaanan ako ng group message niya, ginawa ko ang lahat para magkaroon ng rason na makipag-usap sa kaniya kahit school-related lahat ng tanong ko.

Gitara [Completed] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon