Gitara 06 [Finale]🎸

278 61 48
                                    

Axel's POV


"Axel, ano ba?" iritang sigaw ni misis mula sa kusina. Kasalukuyan kasi akong nagkukusot ng mga damit namin habang nagsasaing at naglilinis ng bahay.

"Ano 'yon, Mrs. Lanuza?" Ginaya pa niya ang pagkakasabi ko no'n bago inihagis sa akin ang sandok na ginamit ko sa pagluto ng ulam namin kanina.

"Gusto ko sabing kumain ng singkamas na binabad nang matagal sa sukang may sili. Akala ko ba bibilhan mo ako ngayon?" sabay padyak pa niya ng paa.

Noong isang araw pa niya ako kinukulit ng mga pagkaing biglaan niyang ikinakatakam tapos dapat ora mismo ko 'yon na ibigay dahil kung hindi, magliliparan ang mga gamit namin sa kusina.

Imbes na sabayan ang mainit na ulo ng buntis kong asawa, dahan-dahan ko siyang nilapitan at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

Buntis na't lahat, ang sexy pa rin, nakangisi kong komento sa isipan.

Natigil siya sa pag-atras nang mapasandal sa pinto. Kita ng dalawa kong mata na napalunok muna siya ng laway bago pumikit.

Isang malutong na mura ang sunod kong narinig nang makarating na ako sa sala. Paano ba naman kasi ay bigla na lamang akong kumaripas ng takbo pagkatapos ko siyang lagyan ko ng bula ng sabon sa ilong.

Alam kong hinihintay niyang halikan ko siya nang mga oras na 'yon pero inisip kong pag-tripan muna siya bago ko iyon gawin. Nakakamiss kasing marinig ang mga tili at pagsigaw niya katulad noong high school kami.

Maya-maya, muli ko siyang nilapitan at umaktong may hinahanap. Nairita na naman siya sa ginagawa ko kaya hindi na siya nakatiis na hindi magsalita. "Ano ba kasi ang hinahanap mo?"

Walang ano-anong idinikit ko ang labi ko sa kaniya. "Ipagbibili na kita, mahal kong Lia. Antayin mo lang ako rito, okay? Baka pati itong si baby magtampo sa akin kapag hindi ko naibigay ang gusto ng Mama niya," nakangiti kong saad sa kaniya.

Naiwan siyang nakatulala habang ako nama'y nagmamadali ng ini-start ang motor. Siyam na buwan na ang tiyan ni Lia pero hanggang ngayon, food is life pa rin. Akala mo'y nasa stage pa rin ng paglilihi.

Alam kong nahihirapan siya ngayon sa pagbubuntis niya kaya hangga't maaari, ayoko siyang nakikitang nai-stress. Kapag mainit ang ulo niya, ako na ang gumagawa ng paraan para lumamig 'yon.

Wala akong hindi gagawin para sa kaniya. Hindi ko man mabigkas ang mga katagang "mahal kita" sa harapan niya dati, bumabawi naman ako sa ibang paraan.

Ginagawa ko ang lahat upang maging responsableng ama sa magiging anak namin at asawa sa kaniya.

Sa maniwala man kayo o hindi, hanggang ngayon ay nililigawan ko pa rin siya. Bumabawi pa rin ako sa kaniya lalo na roon sa mga panahong puro pang-aasar lang at pagpapapansin ang ginagawa ko.

Madalas ko siyang pasalubungan ng tsokolate't bulaklak kapag umuuwi ako galing sa trabaho. Hindi naman ako nalulugi roon dahil ang kapalit no'n ay unlimited na halik mula sa kaniya.

Ang hirap maging torpe sa totoo lang. Naroon 'yong takot na baka i-reject niya ako noon dahil mas marami namang hihigit pa sa akin ngunit masasabi kong mahal talaga ako ni Lord. Hindi niya hinayaang mapunta si Lia sa iba kung 'di sa akin lang.

Iba 'yong saya na naramdaman ko lalo na nang pumayag ang mga magulang niya na ligawan ko siya pagkatapos naming magtapos sa kolehiyo. Handa akong maghintay ng apat na taon o higit pa, kahit naroon 'yong takot na baka i-reject lang niya ako o kaya ay magkagusto na siya sa iba.

Gusto ko rin kasing ayusin muna ang sarili ko bago ako muling humarap sa kaniya. Gusto ko ring makapag-focus din muna kami pareho sa pag-aaral.

Natawa pa nga ako noong sinabi nila sa akin na hindi nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Lia kung hindi lang naman ako 'yon. Naks! Abot tainga 'yong ngiti ko nang marinig 'yon.

Siyempre mas lalo akong nagpursigi na makapagtapos ng pag-aaral. Ginawa ko ang lahat upang maipasa ang kursong aking napili. Siya ang naging inspirasyon ko sa lahat.

Idol ko 'yan no'ng elementary, eh. Ang sipag-sipag niyang mag-aral at mataas lagi ang marka. Siyempre dapat, ako rin.

Sa kabila ng kaliwa't kanang problema na dinanas ko, tinupad ko ang pangako ko sa mga magulang niya na babalikan ko siya at aalukin ng kasal kapag handa na kami pareho.

Oo, kasal agad. Wala ng ligaw-ligaw.

Siyempre joke lang 'yon. Kahit madalas umurong ang dila ko kapag nasa harapan ko na siya, sinabi ko pa rin sa kaniya ang mga katagang matagal ko ng gustong sabihin.

Required 'yon, mga tsong. Hindi 'yong puro paramdam lang. Amin-amin din 'pag may time. Ehem, ako 'to dati. Pero hindi na ngayon.

Bakit pa ako dadagain kung alam ko namang patay na patay din pala siya sa 'kin? Loko lang. Baka ako ang patayin no'n 'pag nalaman niyang niyayabang ko sa inyo ang sarili ko.

Sa ngayon, wala na akong mahihiling pa kay Lord. Halos walang pagsidlan ang aking galak at tuwa lalo na nang malaman kong nagdadalang tao na siya. Isang taon din ang hinintay namin matapos kaming ikasal.

Ako na yata ang pinakamaswerteng lalaki ngayon lalo na't kapiling ko na ang babaeng matagal ko nang minamahal. Isa lang ang masasabi ko ngayon, worth it lahat ng pang-aasar at pagpapapansin ko sa kaniya no'n.

"Bakit ba kasi ayaw pumasok?" nayayamot niyang sabi.

"Dilaan mo muna kasi," mahinahon ko namang tugon.

"Ikaw na nga lang nito." Kinuha ko mula sa kaniya ang karayom at dahan-dahang ipinasok doon ang sinulid. Abala kasi siya sa bago niyang pinagkakaabalahan ngayon— ang pagbuburda.

Ako lang ba? O may naisip pa kayong iba sa sinabi namin kanina?

"Anong tinitingin tingin mo riyan?" tanong niya nang mahuli niya akong nakatitig sa kaniya.

"Bakit ang ganda mong magbuntis?" tanong ko na ikinapula ng pisngi niya.

"Alam ko namang maganda ako. Matagal na," turan niya sabay iwas ng tingin.

"Hay. P'wede bang gan'yan ka na lang palagi?" pagbibiro ko.

"P'wede naman pero sana sa sunod, tiyan mo naman ang lumaki." Pareho kaming natawa sa sinabi niya. Ang sagwa namang tingnan kung gano'n. Kinilabutan tuloy ako bigla nang maisip ang ideyang 'yon.

Tinabihan ko si misis at umakbay sa kaniya. Kinurot na naman niya ako sa tagiliran dahil wala akong suot na pantaas ngayon. Katatapos ko lang kasing maghugas ng mga plato sa lababo.

"Oh, bakit na naman?" nakunot-noo kong tanong.

Naniningkit ang mga mata niyang ngumuso sa kuwarto. "Magbihis ka ro'n, bilis. Kahit magsando ka na lang," utos niya. Hanggang ngayon kasi ay naiilang pa rin siyang makita akong walang damit pang-itaas.

"Naiilang ka, misis?" pang-aasar ko pa.

"Axel kasi, isa." Kaagad akong tumayo upang pumasok sa kwarto at magbihis. Pagbalik ko sa sala, sinalubong niya ako ng ngiti pero hindi ko siya pinansin.

Nagpalinga-linga ako ng tingin at nagsimulang kinapa ang magkabila kong bulsa. "Ano na naman ba ang hinahanap mo?"

"'Yong susi," tipid kong sabi.

"Saan mo ba kasi nilagay?" nayayamot niyang tanong.

Lumapit ako sa puwesto niya at lumuhod. Nagulat siya sa ginawa ko ngunit hindi na siya nakapagsalita pa nang bigla ko siyang halikan sa labi.

"Nahanap ko na pala," wika ko sabay halik sa kamay niya. "Matagal ko na palang nahanap ang nawawalang susi sa puso ko. Walang iba kung 'di ikaw 'yon, Mrs. Lanuza. Mahal na mahal ko kayo ng magiging anak natin."

Nagsimula nang tumulo ang luha sa mga mata niya. Pinunasan ko agad 'yon gamit ang aking hinlalaki. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit habang umiiyak. "Mahal na mahal din kita, Mr. Lanuza."

🎸🎶💞

Wakas.

Gitara [Completed] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon