Someone's POV
Ng dahil sa kagagawan mo nawala siya sayo, ang taong matagal ko ng pangarap. Kaya naman lahat gagawin ko masira ko lang kayo ng tuluyan, sakin naman talaga siya in the first place pero ikaw itong umagaw ng spotlight na para sa aming dalawa.
"As I say to you, tama nga ang hinala ko." wika ko sa best friend ko.
"About what?" maarteng tanong nito, habang busy siya pag-aayos ng sarili.
"See for yourself, nasa gallery ko ang proof." tugon ko dito, at mabilis na binigay ang cellphone ko sa kaniya.
'tingnan nga natin kung pano ka mag-rereact sa makikita mo'.
"How dare them!" bulalas nito na halos maging ako ay mapangisi sa reaksiyon niya.
'tama ganiyan nga, kung hindi ka ba naman kase makate eh di sana nasa sayo pa siya'.
"See... ng dahil sa girl na 'yan, kaya ang bilis bilis ka na lang niyang ibasura." lintanya ko at mabilis na kinuha ang cellphone ko, baka mamaya masira pa.
"Humanda sakin ang babae na yan, makikita niya..., hindi niya alam kung saan siya dapat na lumugar." galit na galit na wika nito para palihim akong mapangiti.
"Dapat lang, ipakita mo na sa kanila kung sino ka talaga." tugon ko sa kaniya, para tumingin siya sakin.
"Thank you Thea, friend talaga kita." malungkot na untag nito, para yakapin ko siya.
"Oo naman, ikaw pa ba." tugon ko sa kaniya, at ngumiti ng pagka-tamis tamis.
Feeling mo naman girl ikaw ang nasaktan, ikaw nga ang nanakit sa lalakeng gustong gusto ko, hindi ka pa nakuntento ngayon gusto mo na naman siyang saktan.
Ako ang naaawa sa ginagawa mo para sa sarili mo, nakita ko kung paano ka niya minahal pero sinayang mo lang. Mas pinili mo ang taong tawag ng laman lang ang kayang ibigay sayo.
'zander baby just wait, ako mismo ang mag ta-take ng revenge sa ginawa niya sayo'.
Aliyah's POV
Almost one week na ang lumipas since mag start ang klase. Hanggang ngayon ang trending na issue pa din ay ang pag-cheat ng Campus Queen, sa boyfriend nito na isang Campus King.
Ganito pala ang pakiramdam na hindi palagi ikaw ang nasa hot seat. Muntik ko na kaseng makalimutan dahil, taon taon na lang ako na lang ang nakikita ng mga mapanuri nilang mga mata.
Nandito ako sa cafeteria, nag ta-take ng breakfast and the same time hinihintay ko na din, ang kaibigan kong si wendy.
"Ciara, sandali lang." dinig kong awat ng isang babae sa kasama nito.
"Bitiwan mo nga ako thea, dapat malaman ng nerd na yan, kung saan ang lugar niya." malakas na sigaw nito, para mapatingin sakin ang mga student's na nandito.
'ako?? bakit anong ginawa ko sa kaniya?'
"Hoy, ikaw nerd." sigaw nito sakin, kahit na ang lapit lapit lang niya sakin.
"Ako?" nagtatakang turo ko sa sarili ko.
"Oo sino pa nga ba, ikaw lang naman ang tinatawag nilang nerd dito diba." singhal nito para mag-tawanan ang mga nandito sa loob ng cafeteria.
"Bakit, anong kailangan mo sakin?" nagtataka ko pa din ditong tanong, kahit na kitang kita ko naman na nang-lilisik ang mga mata nito sa galit.
"Wow ah ano 'yan acting skills mo, sa ganiyan mo ba nakuha attention ni zander, kaya niya ako iniwan ah!" mahabang lintanya nito, para lumapit na ang mga student's na iba sa gilid niya.
YOU ARE READING
Secretly Married With The Campus Nerd (On Going )
JugendliteraturEvery people have a different nightmares, na gustong gusto na nilang kalimutan... . . . . . Pero pano, kung ang nightmare na 'yon ay hindi lang pala basta sa panaginip.. . . . . . Kundi nangyari pala talaga, at mukhang mauulit na naman kung kailan o...