Chapter 3 Pull Out

0 0 0
                                    

Wendy's POV

"Halika na nga, pero sana aliyah ----

Hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin ng bigla na lang, mawalan ng malay si aliyah. Kaya naman agad ko siyang inalalayan, baka mabagok ang ulo niya sa semento.

"Hey aliyah, gising gising." pang-gigising ko dito, habang mahinang tinatapik ang pisngi niya.

Kahit na gusto kong humingi ng tulong walang gaano, na dumadaan na mga student's dito sa way kung saan kami dumaan.

"Aliyah, ano bang nangyayare sayo?"

"Miss, kailangan mo ng tulong." tanong ng lalake na nasa likod ko, kaya naman hindi na ako nag dalawang isip na humingi ng tulong.

"Oo, sana kung pwede." nahihiya kong ani, at mabilis na kinuha ang mga gamit ni aliyah.

"What happened to her?" tanong nito, habang abala ako sa pag-pupulot ng mga gamit ni aliyah.

"Bigla na lang siyang nawalan ng malay, all of a sudden." tugon ko dito at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata nito.

"Ganon ba, sige dalhin natin siya sa clinic." lintanya nito para tumango na lang ako.

"Sige."

Mabilis kaming pumunta sa school clinic, mas pinili ko ang way na walang gaano na dumadaan, ayoko na madagdagan na naman ang magiging problema ni aliyah dahil lang sa nahimatay siya.

Pagdating namin sa loob, agad siyang inasikaso ng nurse na on duty. Hindi ako umalis sa tabi niya, hanggang sa may bago na nurse na pumasok sa loob.

May pinahid na ointment ang nurse kanina na ka-aalis alis lang, hindi ko alam kung para saan siguro para magising na si aliyah.

"Ma'am Monique, ikaw na bahala sa bagong dating na student, wala pa akong nagagawang findings sa kaniya."

"Ah sige, ingat ka sa pag-uwe."

Siya siguro ang may ari ng clinic na 'to, grabe ang successful niya na nga maganda pa.

"Hi I'm Nurse Monique, anong nangyare sa kasama mo?" tanong nito para bumalik ang kaisipan ko sa realidad.

"Bigla na lang po siyang, nahimatay kanina." kinakabahan kong tugon, dahil wala naman siyang nababanggit sakin na may sakit siya.

"What's her name?" tanong nito habang focus na focus sa papel na hawak niya, hindi ko alam kung anong tawag sa ganon.

"Aliyah Gonzales po."

"Aliyah?" pag-uulit nito sa pangalan ni aliyah, at tsaka niya ito nilapitan.

"Opo bakit po, kilala niyo po siya?" tanong ko dito, ngunit ang nakita ko lang na sagot sa mukha nito ay puno ng pangamba.

"Sandali lang ah, may tatawagan lang ako." natataranta nitong wika, at mabilis na lumabas ng clinic.

"Aliyah, gumising ka na, nag-aalala na ako." bulong ko sa kaniya habang hinahaplos ko ang mukha niya.

Si miss monique naman hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik, kaya still nandito pa din ako binabantayan si aliyah.

Nilapitan ko ang mukha nito at may napansin akong kakaiba, nahimatay siya pero bakit hindi manlang nag fade ang kulay ng mukha nito.

'ano ba yang nasa mukha niya, bakit parang ang rough ng texture'.

Hinawakan ko ang pisngi nito, akma ng aalisin ko kung ano man ang nasa mukha nito, ng marinig ko na ang boses ni miss monique kaya naman bumalik ako sa dati kong ayos.

Secretly Married With The Campus Nerd (On Going )Where stories live. Discover now