IIYAK KO NALANG

7 11 0
                                    

𝖨𝗂𝗒𝖺𝗄 𝗄𝗈 𝗇𝖺𝗅𝖺𝗇𝗀.

               𝖨
Isa, dalawa, tatlo
Pagbilang ko ng tatlo,
sabay nating hatiin ang mundo,
Isara na rin natin ang libro na naglalaman ng ating kwento.

              𝖨𝖨
Tama na, suko na ako.
Ayoko ng magkatanga sayo,
Alam kong ikaw ang kahinaan ko,
Ngunit natuto na akong lumaban para sa sarili ko.
    
              𝖨𝖨𝖨
Isa, dalawa, tatlo.
Tatakbo ako sa walang katapusang kalsada,
Naniniwalang kaya kitang limutin na.

              𝖨𝖵
Masakit mang isipin,
Ngunit kailangan kong gawin,
Iiyak ko nalang lahat ng sakit,
At wawasakin lahat ng balakid.

@𝖣𝖾𝗆𝗂𝖢𝖺𝗅𝗅𝗂𝗌𝗍𝗈.

STACK OF PARAGRAPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon