Nakahiga ako sa isang kamang tinatakbo ng limang nurse at dalawang doctor. Halos lahat sila ay nakapaligid sa akin nagkakagulo at nag sisisgawan kaso nga lang wala ako marinig ano bang nangyayari? Ang tanda ko lang nag dadrive lang si Taiske at merong humahabol sa aming kotse. At bigla nalang nag.....
Nahihilo na ako at inaantok. Nasa hospital kami at nasaan naman si Taiske? Namimiss ko na sya.
Ang liwanag nang paligid kahit maliit lang ang pagkakadilat ko parang kitangkita ko ang lahat.. nakikita ko yung mga nurse at doctor na nagsisigawan kaso wala talaga akong marinig.
Ang ganda ng mga ilaw na nasa taas ng ulo nila parang tren sa sunpdsunod na pag andar ng mga to, o ako lang ang umaandar?
Napatingin ako sa paanan ko at nakatingin sa akin yung isang nurse with a smile...
Smile taht represent everything is allright.. at napangite ako ng kaunti.Nanghihina ako at lumalalim na ang hinga ko.. nahihirapan na ako, nangpapikit na ako na kita kona lang na pinasok ako sa emergency room at napapikit na ako. I feel this is my last chance.
I feel blood flowing in my eyes.1year later...
"Opo sya po... Kiey Evelyn Steavan po.. opo ser. Ayos lang po sya.. opo sige po salamat din po"
Naririnig ko ang manong police na kausap yung daddy ko sa kabilang linya.
Naririnig ko ding magulo dito sa loob ng police station may mga nagsisigawan at nag uusap lang, kahit nagbubulungan rinig na rinig ko."Manong police kaya ko naman pong umuwi, wag nyo na po akong intindihin"kalama kong sabi ng manong police.
Nagbuntonghininga sya... kahit hindi ko sya nakikita siguro naiinis na to.
"Maam hindi po pwede"
Hindi nalang ako nagsalita. Hawakhawak ko yung ulo ni kile at hinihimas ko to habang nakapatong naman ang ulo nya sa tuhod ko.
Dinala muna ako ni manong police sa isang kwarto. Hindi ko alam ang itsura pero mahangin dito at nararamdaman kong maluwag ang kwarto.
Naupo ako sa isang couch at mukhang komportable naman ako dito, kinapaka ko at malambot naman. Siguro nasa likuran ko lang yung bintana at nakabukas ito dahil nararamdaman ko yung hanging pumapasok.
Parang ang liwaliwanag ng kwarto na nandito. Napangite ako.
Dito daw ako susunduin ni daddy.
Habang naghihintay.. nakaiglip ako, pero nagising ako sa tahol ni kile.
"Arf!arf!arf!"
Sinita ko sya at tumahimik naman sya. May narinig akong may pumasok sa loob ng kwarto na to, pinakinggan ko yung footsstep nya kaso parang sa hangin naglalakad sa sobrang gaan.
Nakaramdam ako bigla ng hanging malamig sa paligid ko at parang nasa yelo ako ang lamig."Sinong nanjaan?"pagkatanong ko nun walang sumagot.
Naramdaman kong may naupo sa kaliwa ko pero medyo malayo lang sa akin.
Baka si manong police."Manong police?"
"Arf!arf!arf!"sinita ko ulit si kile.
"Ang ingay namangyang aso mo"boses ng lalaki pero hindi si manong police. Sino naman kaya to?
Hindi lang ako sumagot.
"Masarap pa sanang makipag usap sayo kaso aalis na ako"at naramdaman ko ng umalis na sya. Sino naman kaya yun. Ang wierd nya ha.
Dumating na si dadsy at dinala nya na ako pauwi.
Ang daddy ko ay si Ryan Steavan. Nag mamayari kami ng isang malaking companya, ang companyang yun ay nagngangalang Chosmetic Compony, halata naman sa pangalan kung ano ang silbi ng kompanya namin para sa pagpapaganda.
Alam kong galit si daddy dahil sa ginawa kong pagtakas mula sa bahay. Sobrang stricto at mahigpit sa akin simula nang magkaganito ako.
Nandito na ako sa loob ng bahay nasa likudan ko sya at ako naman paakyat na papunta sa kwarto ko.
"Kiey!? Alam mo ba kung gaano ka delikado ang ginawa mo?"galit ang tono nya. Tama nga ako.
Hindi lang ako sumasagot."KIEY!!?" Sobrang galit na sya,
Naramdaman ko ang pag alis nang mga katulong sa paligid namin.
Naka paa lang kasi ako kapag nandito sa loob ng bahay paramaramdaman ko yung paggalaw nang mga tao dito.
"Magpapahinga na po ako" nang paakyat na ako hinawakan na ako ni daddy sa kamay.
"Han.. kapag gusto mong mamasyal just let me know. Okey?" And this time kalmado na sya.
Hindi lang ako umimik at tuluyan na akong umakyat. Pagpasok ko sa kwarto ko nahiga lang ako.
Kabisado ko ang bawat sulok ng bahay namin. Siguro sa lahat na nawash out na alaala ko yung lang ang hindi ko nalimutan.Ipapahinga ko na tong mata ko at bukas may teraphy pa ako sa mata.
Kinabukasan tinulungan ako ni manang flor sa pagaasikaso sa katawan ko at inaysan nya namam ako ng buhok. Hintid nya ako hangang sa palabas ng bahay papunta sa driver ko nasi kuya rey.
Pumasok na ako sa loob ng kotse at nag start n syang mag drive.
Nagsasawa na ako sa ganitong buhay gusto ko na talagang gumaling.
Pag dating namin sa hpspital naghihinta lang ako lay Doc. Santos meron daw kasi syang inooperahan ang tagal naman nun..
Pinapakinggan ko lang lahat ng mga tao sa malayo ako lang siguro amg nandito.
May hangin nanamang bumabalot sa katawan ko na katulad ng kahapon. Ang creepy.. naka rinig din ako ng mga yabag papalapit sa akin.
Dahil kasama ko si kile bigla syang tumahol at sinita ko lang sya.
Ang tagal na talaga nung oras na nagugugul ko dito. Yung taong tumabi sa akin kanina na dalawa lang ang upuan lang ang pagitan ay wierd hindi manlang sya lumilikha ng kahit anong tunog o pagkilos basta nafifeel ko lang ang presence nya.
At bigla naman syang gumalaw.
"Hello" bigla nyang salita.
Nagulat lang ako. Pero siguro hindi naman ako ang kinakausap nito baka may kausap sa phone to.Kaya tahimik lang ako.
"Hindi mo ba ako nakikilala?"tanong nya. pero hindi talaga ako sigurado kung ako ang kinakausap nito.
Kaya tahimik lang ako.
"Hindi mo ba talaga ako nakikilala? Miss ako yung sa police station kahapon"
Bigla ko lang na realize dahil nakilala ko yung boses nya.Lokoloko ba to hindi nya ba nakikita na bulag ako. Paano ko naman sya makikilala.
Tsaka bakit naman sya nandito siguro may diperensya lang din sya sa mata nya kaya pumunta sya dito at nag pang abot kami.
Ang wierd padin kasi.. yung hanging hindi padin nawawala sa paligid ko.
*************************______________________************************
Thank you for reading :)
Wait for other chapter...
BINABASA MO ANG
Dead or Alive
Teen Fictionmahirap ang ganitong kalagayan lalo na kung hindi mo kinagisnan, ang matali sa loob ng isang matinding kulungan, kulungang walang katapusan na kadiliman. kung ano kaman, nagsasalita ka at pinapagaan mo ang aking kalooban, kung sino kaman at kung ano...