Chapter 2 Meet that Person

24 1 0
                                    

Kahapon sa police station?


"Manong police?"


"Hahaha.. pano ako magiging police ni hindi ko nga kayang manghuli ng tao"


Ang weird naman nito. Teka kahapon sya bayun. Yung bigla nalang nag exist sa room tapos nag salita nalang na parang kaibigan ko sya?


"Hindi kita kilala"suplada ko.


Tapos hindi na ako nag salita.


"Nanjaan na yung doctor mo" sabi nya, napatayo ako at naririnig ko na nga yung takong na papalapit sa amin.


"Miss Steavan? Matagal ka bang nag hintay?"

Umilingiling lang ako at ngumite.


"Hm.. halika na sa office ko" at hinwakan nya ako sa kamay at inalalayan kami papasok.


Hindi ko na napansin yung lalaking feeling close.


"Sabi sa result mo, malaki ang pinagbago ng test mo kung nakaraan mababa ang chance na makakita ka, mukhang nag bago ngayon," bawat salita ni doktora kinkabahan ako, napapahigpit yung hawak ko sa damit ko.


"Wag kang mamutla Miss Steavan.." nahalata nya na pala na kinkabahan ako.


"Hindi naman sa malaki ang itinaas pero hindi na ganoon kababa" napangite ako nang sabihin yun ni doc.


Nakalma ako.


Dinagdagan ni doktora yung gamot na iinumin ko, nagbilin din sya na bawala ako masyadong nakadilat at wag ko daw papagurin ang mga mata ko.

Susunduin ako ni kuya rey dito sa tapat ng office ni doktora, kaso mukhang wala pasya kaya nandito lang ako at nag iisa. Hay inaantok ako. Ang tagal naman ni kuya rey.


Nakaiglip ako. Hanggang sa nagising ako dahil may dumikit sa aking malamig na bagay. Nagulat ako.


"Kuya rey?!"


"Kamukha ba ako ni kuya rey?" Tanong naman nya sa akin. So ibigsabihin hindi sya si kuya rey.


Hindi ko lang sinagot.


"Oh? Icecream?" Sabi nya, kaso hindi ko lang pinansin.


Dahil sa malamig yung icecream, tinanggal nya kaagad yun sa balat ko. Epal naman to sulpot ng sulpot.


"Bat ba ayaw mo akong pansinin?"


Bat ko naman sya papansinin eh hindi ko naman sya kilala.


"Dont talk to stranger" suplada ko.


Dead or AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon