TMUM || 10

312 23 2
                                    

15 YEARS AGO

Zhara's POV

I was just staring outside while the car I was riding was moving, my body was wet and my knee is still sore because of what sevianna did. Napatingin nalang ako sa tuhod ko at nakita ko na namumuo na ang dugo dito.

"Ano? Masakit ba?" tanong ng driver ko sa akin. Nginitian ko na lamang siya.

"Hindi naman po masyado kuya"

"Napakabait mong bata zhara, I hope you won't miss me pag iniwan na kita" napaharap ako sa driver seat nang dahil sa sinabi niya.

"I–Iiwan niyo na po ba ako?" This driver of mine is also like my father, he is the one who picks me up at school, he is the one who takes me where I am going and he is also the one who arranges my things when I leave.

"Maraming nangyayari sa mundo na hindi natin alam kung kailan mangyayari 'yon" why he keep saying this things?

a few hours ago we arrived in front of our house and I saw people protesting in front of our house. Sinilip ko sila sa bintana ng sasakyan at bigla nalang nilang binabato ang sasakyan ko.

"O-Oh my god! What's happening?" I'm so scared. What is happening right now in front of our house? Wala naman sila mama dito ngayon. Lumabas ako sa sasakyan kahit basang basa ang katawan ko.



"MGA MAMAMATAY TAO!"

"MGA WALANG PUSO!"

"IKULONG"

"MGA MAMAMATAY TAO!"



Nakita ko ang tarpaulin na may mukha ng magulang ko at sinu-sunog nila ito sa harapan ng bahay namin, sinisira din nila ang gate at garden namin. Bakit parang walang tao sa loob?

"W-Wait po! Anong nangyayari dito?" tumakbo ako sa harapan nila at nakita ko ang mga matatanda na umiiyak at lumuluhod sa harapan ko, their clothes is really dirty, their faces is already dirty, what happened to them?



"Ma'am parang awa niyo na ibalik niyo na ang mga anak namin!"

"Ibalik niyo ang tatay ko!"

"Ibalik niyo ang kapatid ko!"



Those were the shouts and they all complained to me as the elders knelt in front of me. Hinawakan ko ang braso nila at itinayo sila isa-isa.

"Nay, tumayo po kayo" pinagpagan ko ang tuhod niya at habang ginagawa ko ito at nakaramdam ako ng sakit sa ulo ko at sina-sabunutan na pala ako ng isang babaeng nasa gilid ko.

"Ahh!"

I grabbed her hand and forced her to let go of my hair because it was already hurting my head.

"Yung mga magulang mo! Mga wala silang kwentang tao! Mamatay tao!" nilagay niya ako sa gitna ng kalsada at nagsimula silang tapunan ako ng kung ano-ano. ginamit kong panangga ang braso ko para hindi matamaan ang pag mukha ko.

"Ang dapat sayo mamatay!" banggit ng isang babae sabay sinabuyan niya ako ng tubig. Hinila ako ng driver ko papalayo sa kanila at nagsimula ang mga pulis na hilahin sila papaalis ng bahay.

My eyes widened when I saw police officers trying to kill all of them.

pinaputukan ng pulis ang ibang tao at bumulagta ang mga katawan nila ng puno ng dugo sa tapat ng bahay namin.

"W-Wag!" kumawala ako sa pag kakahawak ng driver ko sa akin at pinigilan ang mga pulis sa mga ginagawa nila.

"W-Wag niyo po silang patayin" my tears flowed on unintentionally when I saw the elderly and children injured by the chaos.

MS#2 || The Mystery Of The Untold MemoriesWhere stories live. Discover now