The One who made The Devil

12 0 0
                                    

Jake's P.O.V.

Demonyo nga ang nakaharap ko!! grabe ang looks! 

Nakatwintails siya na parang pambata, yun din yung hairstyle niya nung una kaming nagkita... hmmm... para sakin, yung hairstyle na yun, yun ang SUNGAY NIYA.  

Nakabangs pa nga siya eh, talagang pambata! Sus! yan? Yang taong yan ang PRINSESA NG KAGANDAHAN? Grabeh, nakakapanindig balahibo!!

Tumayo ako agad at pinunasan yung labi ko.. . xhet tong taong to"

"Ano bang problema mo jan, huh? UGLY DUCKLING!" Tanong ko sa kanya.

"Ako? Problema ko? Tanga ka ba?! Siyempre ikaw!" Sigaw din niya sa akin. Yan! Yan nga! Few centimeters away lang siya sakin tapos ang lakas ng boses. Yang sigaw na yan ang talagang makakabasag ng eardrum ko! Kaya pala hindi natuluyan nung nagtitilian yung mga pretty girls sa kagapuhan ko. Tsk! NapakaMALDITA talaga ng taong 'to.

"Hoy Mr. ay este Miss MYAKKA MONTES, Bakit mo yun ginawa ha??!" tanong ko sa kanya tapos... tinaasan ba naman akong kilay! grabe na talaga ang kamalditahan nito. Lalake ata talaga to, ang angas!

"Pasalamat ka at babae ka kung hindi, baka naupakan na kita. Tatamaan ko yang panget mong mukha." Sabi kong ganun. Si Carl naman, napatawa. Napansin siya ni Myakka... ayun nilapitan siya.

"Anong nakakatawa ha?" Tanong niya. Hala, Si Carl naman halatang hindi mapigilan yung pagtawa.

"ah, eh, Haha! K-kase ano.. Haha!!" Yun lang ang naisagot niya. Lumapit pa talaga si Myakka sa kanya. At hindi ko inasahan yung ginawa niya.

"ARAYYYYYY!!!" Sigaw ni Carl.

O.O wtEF!!!!

Y-yung ano, yung ano ni Carl... Yung Nasa gitna ng binti niya...

Sinipa ng DEMONYO!!! Nakuh! Ang sakit nun!!!! 

Ayan tuloy... natigilan siya sa pagtawa...  

Yung si Myakka naman, nakangiti tas humarap siya sa akin. Tinakpan ko yung akin baka sipain niya. Mahirap na nuh!

"Asa, as if naman na masusuntok mo ako eh ang LAMPA mo nga!" Ano daw? Ako? LAMPA?! Hindi ah! Ganda kaya ng body figure ko, hindi masel-maselan pero slim body at malakas pa, hindi nga lang halata. kaya ko pa nga siyang buhatin at ibalibag eh! Ang tangkad ko pa tas maputi, mabaet na, gwapo pa! May deperensya ata to sa paningin eh!

Bago pa ako makapagslita...

"BRIIIIIING!!!"

Nagring na ang bell. T.T 

Hindi man lang ako nakabawi... 

Grrrr!

"Time na pala." Sabi niya sa sarili niya. Tanga pala to eh, natural nagring na yung bell eh! Isip Men!

"Bye bye STALKER.."Sabi ba naman niya sakin. Tumayo yung balahibo ko! ANO DAW? STALKER? ANG KAPAAAAL!!! Tapos nagwink pa siya ng mata niya, yuck! >.<"

Ako naman, napanganga, grabeh... kadiri talaga. iniisip ko palang, ARGGHHHH!!! Di ko kaya!

"THE HELL! I CAN'T BELEIVE IT! BAKIT ANG LAKAS NIYANG MANG-ASAR?" Tanong ko kay Carl.

"Jake Alvarez, nakalimutan mo na ba? Ikaw kaya nagsimula ng away ninyong dalawa. UGOK!" Sabi ba naman sa akin. Minsan tuloy iniisip ko... bakit ko ba siya naging best friend?!!

<b> ~FLASHBACK~ </b>

Habang naglalakad kami ni Carl sa may playground, nakita ko yung bagong transfer naming kaklase. Grade  

3 kami nun eh. Natawa ako sa hairstyle niya dahil nakaTWINTAILS siya, hindi naman na siya kinder para maghairstyle nun eh! Nakaupo siya dun sa duyan ng nag-iisa siguro dahil wala pasiyang kaibigan.

Ewan ko kung anong meron sa akin at basta basta nalang akong lumapit sa kanya. Dinuyan ko siya ng malakas. Tinangka akong pigilan ni Carl pero waEPEK kaya nilakasan ko pa! So yeah, who's the DEVIL here? Hindi pa ako nakuntento at nilakasan ko pa. Kainis nga eh, ni hindi man lang siya nagmaka-awa. Nandun lang siya at nakapikit. Mahigpit din ang kapit niya sa duyan. Isang pangyyari ang hindi ko inaasahan...

"TOINK" kumalas yung turnilyo at biglang...

"BLAG!" nahulog siya. Imbes na tulungan ko siya, tinawanan ko pa. Grabe..

Tapos, bigla niya akong tinignan ng masama. Napatigil tuloy ako sa pagtawa. Yung mga mata niyang iyon, grabe... ang sama ng tingin.

At simula na nga nungaraw na iyon, magka-away na kaming dalawa.

Nung pagtungtong dito sa Crimson Academy, School ng mga mayayaman at matatalino, ako ang naging Prinsipe ng kagwapuhan. Bakit nga hindi? totoo naman ah!

Tapos siya, Prinsesa ng KAGANDAHAN!! ano? KAGANDAHAN? Oo, KAGANDAHAN! Nakapagtataka talaga, may daya ata yun eh! Dapat ang pinakamamahal kong si <b> Arcie Madrigal</b> ang Prinsesa ng kagandahan keysa sa panget na yun!

Si Myakka, Mahaba ang buhok niya kahit nakatwintails siya, pero kahit kailan hindi ko pa siya nakitang nakalugay. Straight yung hair niya tas kulay black, walang high lights. pero kahit na simple siya...

ay erase that, hindi siya simple, WEIRD SIYA! AT HINDI KO SIYA NAGAGANDAHAN! Never ko siyang tinignan bilang babae. EVER!

Hindi ko nga lang maintindihan kasi kahit na ganun siya, siya yung isa sa mga habulin ng mga lalake. Wala kasing picture nung sumali siya sa pageant noong nakaraang taon.Absent pa ako nun kaya hindi ko alam kung ano bang maskara ang isinuot niya.

Talagang gusto niya pa akong tapatan sa lahat-lahat. Sa Academics magklaban kami, nung nakaraang taon nga, dalawa kaming number one. Pero ang pinakamasaklap sa ganti niya, yung pisikal at yung mga ways na ginagawa niya para mapahiya ako.,.. gaya nang kanina. Diba, Dapat mahinhin lang ang mga babae gaya ni <b> Arcie </b> . Pero hindi, kakaiba siya. Napakatahimik nun sa klase at ni hindi ko nga siya nakikitang nakikisalamuha. Lahat nga ng nanghahabol sa kanya, balitang balitang busted lahat. Pati yung childhood friend niya na si Riachl (pronounced as Rai Kel) . Dapat nga din iyakin lang yung mga babae, pero siya, never ko pang nakiitang lumuha. PUSONG BATO ATA YUN EH!

<b> ~END OF FLASHBACK~ </b>

"Mr. Alvarez, what's your answer?" Tanong sa akin ni Miss deGuzman. Kainis! Matalino ako at kaya kong sagutin ang kahit na ano pero, anak ng tipaklong! Hindi ko alam yung tanong!!!  

"uhmm.. " yun lang yung nasabi ko. Kainis talaga. ARRGGGGHHH! END OF THE WORLD NA SANA!

"Miss de Guzman, please repeat the question, he's too busy thinking about me that's why he can't concentrate in our discusion." sabi nung demonyong si Myakka!!!

Tumingin ako kay Miss de guzman at ngumiti saka ako tumingin sa likod para tignan si Carl. Sakto naman na nakatingin siya sa akin...

'I'M GOING TO KILL HER!!!' Senyas ko sa kanya. Yung mata naman niya nanlaki at halatang gulat na gulat.

Buti nalang at bago pa ulitin ni Mam yung tanong niya eh Nagring na yung bell. Save by the bell...eh?

Oo, ako ay isang cool guy at talagang napakahaba ng pasensya ko... pero sa taong iyon, yang Myakka na yan, lintik!

Mahaba pa ang pasukan pero, ang pasensya ko..

Kaunting-kaunti nalang!

***

comment?

The Devil's TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon