Chapter 3

620 22 0
                                    

DUDONG's POV

"Mang Bert, tulungan 'ko na ho kayo." Magalang 'kong sabi kay Mang Bert habang tinatanim yung halaman.

"Nako, ser! Ako na ho jan. Baka pagalitan ho ako ni Senyora." Agad na sagot ni Manong.

"Mang Bert naman, alam mo naman na gusto 'ko tong ginagawa 'ko diba. Chaka alam naman 'to ni Mama."

"Ikaw talagang bata ka. Ang bait bait mo! Parang hindi ka----"

"Mang Bert." I said in a warning tone.

"Hehehe, wala ho. Sige ho dun lang ako ako sa kabila."

Napailing na lang ako at nag tanim na. Hindi talaga sila masanay sanay...

Ilang oras rin ako nagtanim at nakaramdam ako ng pananakit sa balakang at likod kaya naman huminto na 'ko. Nag lakad na 'ko pabalik sa man---bahay.

"NANDITO NA PO AKO!!!" Sigaw ko pag pasok 'ko ng bahay. Nakita ko sila Mama na nagha-hain na ng pagkain kaya naman duneretso na 'ko don.

Not to mention kung ano yung ulam namin basta pagkain at masarap! Syempre, luto ni mama eh! The best cook yata yan! Kaya ganyan size niyan eh.

Naghugas muna ako ng kamay bago umupo.

"Hoy Ford. Saan ka nanaman nanggaling at ang dumi dumi mo ha?" Sinamaan 'ko agad ng tingin si Mama. Sabi ng ayaw ko na tinatawag ako sa pangalan na 'yon eh.

"Saan pa ba, Mom. Eh di tumulong nanaman magsaka sa hacienda natin." Sagot naman ni Magui.

"Ikaw talaga, Dudong..." Napangiti naman ako dahil do'n. "Napakabait mo talagang bata ka. Sobrang swerte talaga namin at sa amin ka napunta."

Ngumiti na lang ako kay Mama bilang sagot. Ayoko kasi ng pinupuri ako. Hindi ako comportable.

"Oo nga pala mga anak, yung kumare ko na galing rin sa ibang bansa magba-bakasyon dito sa....." Tumingin sa akin si Mama na may pagka alinlangan kaya naman ngumiti na lang ako. "dito sa bahay natin. Mga two weeks lang naman."

Nanlaki ang mga mata 'ko sa sinabi ni Mama kaya naman yumuko na lang ako at itinuloy na ang pagkain para hindi mahalata.

Wala naman akong magagawa at wala rin akong karapatan. Sobrang laki na ng tulong na binigay sakin ni Mama kaya sobra sobrang pasasalamat ko talaga sa kanila. Utang ko na nga yata buong buhay ko sa kanila eh.

Oh, tama na drama.

Wala akong masabi kaya naman nag tanong na lang ako. "Kailan sila pupunta dito, Ma?"

"Bukas na anak. Kaya ipapalinis ko rin 'tong buong bahay pati na rin yung swimming pool sa labas para naman magamit."

"Oh my gosh. I can't wait to see ate Tintin! Finally!! After... Five years? Wait, five nga ba..." Tanong ni Magui sa sarili niya. "Eh basta. I'm so excited!"

Pagtapos 'kong kumain, umakyat na rin ako sa kwarto ko at nag-isip ng pwedeng gawin. Ang boring naman! Hmm... Alam 'ko na!

Tumakbo ako papuntang banyo at agad na ni lock yung pinto.

_______________________________

Ang tagal ko rin palang ginawa 'yon. Grabe, nakakapagod pala! Akala ko madali lang eh. Lumabas na 'ko ng banyo at nahiga sandali sa kama at naghintay na umayos yung breathing pattern 'ko.

NAKAKAPAGOD KAYA MAGLINIS NG BANYO.

ATHENA's POV

"Athena? Come here na!" I immediately run out of my room as I heard my mom calling me.

Queen of the GlamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon